16 - College Week

1.1K 16 2
                                    

Chapter 16

College Week

Kapag nasa school ako, laging nasa tabi ko ang mga kaibigan ko at hindi sila nagkulang sa suportang emosyonal. Lalong-lalo na si Nick na halos sa ospital na rin nag-iistay nung nasa ospital pa si mama.

Nag-hire pa ng private nurse si papa para mabantayan maigi si mama since nagpapakaworkaholic si papa ngayon. Naubos ang ipon nilang dalawa kaya kinailangan todo kayod sa business para makaipon ulit. Pati kotse namin naibenta rin.

Ang lubos ko lang na ikinagulat ay wala pang isang linggong nakakauwi ng bahay si mama nun, sinumpong ulit siya ng sakit sa puso. Sabi naman ng doktor, na-stress lang si mama. Na-stress? Eh nasa bahay lang naman siya. Hindi ko na tinanong pa kay papa ang tunay na dahilan.

Mga apat na araw rin ang inilagi ni mama noon sa ospital. This time, psychologist naman ang bago niyang doctor for stess management. Dra. Ferma na sobrang down-to-earth at napaka-friendly, pati ako chinichikka kahit hindi niya pasiyente. She’s super cool.

Sabi ni doktora i-enjoy ko lang daw ang buhay at hindi ko na kailangang mag-alala masyado kay mama since she’s recovering rapidly. So, I did.

Sunday ngayon kaya off ni nurse Jackie, ako ang duty. Nanonood lang ng TV si mama. “Anak, kailan mo ba sasagutin si Nick?”

Napalunok ako sa out of nowhere question ni mama. “Po?”

Dahan-dahan niya ulit itinanong sa akin. “Sabi ko, kailan mo ba sasagutin si prince charming mo?”

“Eh hindi naman nagtatanong, paano ko malalaman kung kailan ko sasagutin?” Pilosopo kong sagot, totoo naman.

“Oo nga naman. Baka naman hinihintay niya ang Valentine’s day ha. Kupad ni kupido. Ilang buwan ka na rin nililigawan nun ah.”

“Si papa ba, ilang buwan bago mo sinagot?” Iyong ngiti ni mama, wagas. Siguro kung naririnig ko lang kabog ng puso niya ngayon baka kabayo ng humaharurot sa bilils.

“It just happened,” kay simple niyang sinagot.

“Wow. Deep. Please elaborate.”

“Tsaka na, kapag kayo na ni Nick!” Pang-aasar niya sa akin. “Boto talaga ako sa batang ‘yun. Kung ako sa’yo anak, hindi ko na siya pakakawalan. Ay landeee!”

“Kanino pa ba ako magmamana?” Laughtrip na lang kami ni mama with matching kilig-kilig pa.

Ang bilis ng oras, hindi ko na nga namalayang February na at start na ng college week namin bukas. Excited kaming lahat kasi sure na ma-eenjoy namin ngayon ang linggong ‘to.  Last year kasi wala kaming inatupag kung hindi ang CWTS activity na cultural dance. Maski laban ni kuya Dan at Andrew hindi namin napanood. Oyeah, Andrew, PF din siya at ex-crush ko. Nasa ibang bansa na siya ngayon. Sad. Past is past, si Nick na ang future ko. Bwahahaha.

1 New Message from Bes Kate

Good morning!

Let’s enjoy our college week…

And2 na ako sa may catwalk. San na kau?

From: Bes Kate     Received: 7:10am

Yes, bes. Naglalakad na papunta diyan. Actually, natatanaw ko na nga siya pati si Matt. Likod pa lang, alam ko nang siya ‘yun.

Mga ilang linggo ring emoterang diyosa ang babaeng ‘to. May mga relasyon  talaga sigurong kahit gaano pa kaperpekto, natatapos din sa paraang hindi mo gugustuhin. Hindi lahat ng love story may happy ending. This is real life and not a fairy tale. Still, naniniwala akong someone better will arrive after the other one leaves you with a broken heart. God will always give the best man for you.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now