12 - Will Miss You

1K 14 2
                                    

Chapter 12

Will Miss You

December na pala. Dalawang linggo na rin ang lumipas, nakauwi na si mama nung isang linggo pa. Happy family na ulilt kami at super thankful kami kay Lord dahil masigla na ulit ang katawan ni mama ngayon. Naka-leave nga lang siya sa office at kapag nasa bahay na si papa, todo alaga si papa kay mama.

“I’m home. Ma, kamusta na pakiramdam mo?” Seryosong tanong ni papa, kararating niya lang galing office.

Sumagot naman agad si mama ng nakangiti “okay naman pa, bakit? Mukha bang hindi?”

“Mukha ka kasing pagod.” Tinignan ko si mama, parang hindi naman siya pagod. Nanonood lang naman si mama eh.

“Hindi ah.” Sabi ni mama kay papa habang nakakunot ‘yung noo niya.

“Akala ko pagod ka na, kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko.” Ayyy, kaya pala. Babanat pala. Mga magulang ko talaga oh.

“Ma-pa, sampung taon na lang, senior na kayo, pbb teens pa rin ang peg?”

Nagtawanan kaming tatlo, hays. Ang sarap ng ganitong ambiance sa bahay. How sweet talaga ng mga magulang ko. Ganito rin kaya kami ni Nick someday?

Halalalalala, ano raw? Kay Nick agad? Sure na ako agad? Na siya na talaga?

Ganito ba talaga kapag in love? Napapangiti ka sa hangin, naiimagine mo ng buong-buo ‘yung mahal mo…’yung parang Edward effect dun sa New Moon nung nag-momotor si Bella.

Eh kasi naman, napapadalas na ‘yung pagtatravel ko sa dream lang kahit ang aga-aga pa. Tapos napapa-ILY na ako sa hangin. Kailangan ko na talaga sigurong i-consult ‘to kay bes Kate.

Ayyy, hindi pala pwede. Ayaw ko muna mag-bring up ng ganung topic kay bes. Hindi ko pa makausap siya tungkol kay Nick or anything that has to do with love.

The one who never was, ‘yan ang sabi niya sa akin about kay Daryl.

[May side story po ang HU entitled “Unlocked Stories,” pakibasa na lang po ‘yun kung gusto niyo pong malaman ang nangyari kina Kate at Daryl. Salamat po. Mwuah!]

I felt super sad nung bigla na lang akong nakatanggap ng text kay Matt. Nag-break na ang couple of the year, sina Kate at Daryl. Hayssss, oh my bes. Kumukunot na naman ang noo ko at bahagyang nagpapakita ng lungkot ang aking mga labi.

“Cee, ayos ka lang baby ko?” Lakas maka-baby naman ‘tong si daddy, este papa pala.

“Okay lang po, may naisip lang po ako.” Ngumiti na lang ako para hindi sila masyadong mag-isip. Mga paranoid din ‘tong mga magulang ko eh. Kanino pa nga ba ako magmamana.

“May maitutulong ba kami ni papa mo.”  Ayan na sila, umaatake na! Itaas mo na ang shield Cee! Isip-isip din ng palusot…

“Kayo naman, iniisip ko lang paano kung kulu-kulubot na kayong dalawa tapos tungkol sa kulubot na ‘yung mga banat niyo. Yakiness ‘di ba?” Oh eh di natahimik sila. Mga takot ding tumanda ‘tong mga ‘to eh. Haha.

“Tawa pa anak.” Hala, napikon si lolo Berting. Hahahaha.

“Halika nga rito!!” Parang ewan ‘tong si papa, hahabulin ako ng sinturon?

“Old style na ‘yan pa, confiscating of gadgets na po uso ngayon.”

“Eh ‘di akin na cellphone mo!” Shonga lang Cee, binigyan mo pa ng idea.

“Children, tigilan na ‘yang kaharutan na ‘yan.” Eh paano, makahabol ‘tong si papa akala mo naman mahawakan, taya. “Gabi na. May pasok ka pa bukas baby Cee.”

Hearts UnlockedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora