10 - Sleep Well

1.1K 19 2
                                    

Chapter 10

Sleep Well

Madilim pa rin pero parang may naririnig ako, “Caroline? Caroline?”

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Malabo.

“Ms. Reyes? Iha, ayos ka lang ba?” Isang lalaking nakasalamin na nakaputing damit, doktor ata siya. Oo nga pala, nasa ospital ako. Ano nga bang ginagawa ko dito?

“Mamaaaa!!!” Bigla akong napasigaw at napaupo ako sa higaan sabay tumulo na naman ang luha ko.

“She’s okay. Okay lang si tita.”  Kasama ko nga pala si Nick nang pumunta ako dito. Niyakap niya ako at pinapahiga ulit.

“May narinig akong ICU kanina? Bakit ba ako ngayon ang nakahiga sa ospital?”

“Bigla ka na lang hinimatay kanina,” sagot sa akin ni Nick.

“Iha, sa tingin ko, na-stress ka lang kanina and Dr. Sullivan is sending his apologies for breaking the news in front of you.” Hindi ko kilala ang doktor na ito, pero si Dr. Sullivan ay doktor ni mama.

“Ganun po ba.”

“Yup and I suggest na mag-relax ka na lang muna. Huwag mo masyadong iisipin si mama mo. She’ll be okay.”

“She is okay,” biglang sabi ni Nick.

“Sige po. Thank you doc.” Ang korni naman, nasa ospital na nga si mama tapos andito ako sa emergency. “Pwede na po ba akong umalis dito sa ER? I think I’m doing fine na po.”

“Sure ka na ba? Hindi ka ba nahihilo?”

“Opo at hindi naman po ako nahihilo.”

“That’s good, then you can go anytime you want.” Ngumiti pa sa akin si doc at may dinagdag pa siya, “make sure your girlfriend’s okay ha. Take good care of her.”  ANO RAW?!

“Ayy, hindi pa po…” Whew, buti na lang nilinaw niya.

“Oh, I see…hindi pa, well, good luck iho.” Anong good luck??? At nginitian na naman ako ni doc, nagiging weird na ‘yung pagngiti-ngiti niya ah! “Pahirapan mo ha. Hahaha, joke lang! Ge, I need to go now. You two will surely be a lovely couple someday. Pahinga maigi Caroline.” Lunok.

“Opo. Salamat po.” Umalis na siya. Grabe naman si doc.

“Anong oras na Nick?” Patayo na ako sa higaan.

“10:50.”

“Ha?!” Napa-straight body ako. Super late na! Hindi ba siya hinahanap ng kuya niya.

“Hay nako, alam ko iniisip mo…Mike’s busy bar hopping ngayon. Hindi ko nga siya ma-contact so I left him a message. He’ll understand for sure.” Eh?

“Kahit na, may pasok kaya bukas.”

“It’s okay. Wala si ma’am Santos bukas, remember?” Oo nga pala, hindi papasok ang prof namin sa first class. So, 10:30 pa ang unang klase namin for tomorrow.

“Okay. Asan na raw ngayon si mama?”

“Well, sabi ni tito, we need to go home na. Siya na lang daw bahala kay tita since may pasok nga bukas.”

Huminto ako sa paglalakad at napahinto rin siya. I looked him in the eye and said, “thank you Nick.”

“Basta ikaw.” Binigyan niya ako ng isang napaka-caring na ngiti. Pakiramdam ko napaka-safe ko when he’s around. Excluding ma-pa, ngayon ko lang ‘to naramdaman…ang maramdamang may taong nakakapagpangiti sa akin sa mga ganitong panahon. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng saya at pasasalamat ko sa Diyos na nararamdaman ko ito ngayon.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon