17 - Is That Your Final Answer?

988 16 2
                                    

Chapter 17

Is That Your Final Answer?

Matapos ang mga pangyayari kahapon, hindi pa namin nakikita si Jane ngayon. Baka hindi siya pumasok ah? Pati si Emily hindi ko rin nakikita. Sobra ba siyang napahiya kahapon? Sabihan ko kaya si Nick? Pero, bakit parang hindi ko siya kayang kausapin sa ganung tema samantalang kay Matt nagagawa ko naman. Super confident pa ako noon. Baka naman ginayuma na ako neto? Tss. Imagination mo Cee!

"Good morning guys! Guess what?" Late na siyang dumating. Alas nuwebe ang usapan namin dito sa may open field, 9:30 na kaya. Sana good news ang sasabihin niya, ang ganda kasi ng ngiti niya.

"Ano?" Tanong naming lahat.

Parang hindi siya makapaghintay na sabihin sa amin kung anuman ang sasabihin niya kaya sumagot siya agad-agad. "May nakilala kasi ako kagabi sa gig. Sabi niya taga-TV5 daw siya."

"Congrats! Artista ka na pre?" Excited na sinagot sa kanya ni kuya Dan. Mukha namang okay si kuya ngayon. Siguro nailabas niya na lahat ng galit niya sa bola. Balita ko nakalimang palit sila ng bola sa dalawang laban nila kahapon. Sa susunod na badtrip si kuya at may laban, hindi na lang ako manonood. Baka matamaan lang ako.

"Kung pwede nga lang eh para mas malaki ang kita kaso hindi eh. Binigyan niya ako ng passes para makanood ng 'Who Wants to be a Millionaire,' at syempre humiling ako ng lima." Wow. Maraming benefits talaga ang charisma ni Matt. Wait. Ano nga ulit? Passes kay bossing?!?!?

"Pumayag? Binigyan ka naman?" Tanong ni Nick habang sinusuklay niya ng mga daliri niya ang buhok ko. Nakahiga kasi ako sa lap niya. Hihihihi. Siya naman kasi nagpahiga sa akin eh!

"Oo naman. Sa sabado, pwede kayo?" Hay naku Matt, may pasok kaya tayo ng sabado.

“May pasok kaya tayo. Anong oras ba?” Tanong ni kuya. “At tsaka baka finals na nun, if ever manalo kami.” Siyempre sure win naman ‘yang sina kuya. Gamay na gamay na niya ang team mates niya ngayon compared last year.

"Siyempre gorabells ako. I need to have some fun!" At si Kate pa talaga ang unang pumayag gumala? Eh siya itong pinaka-GC sa amin. Grade Conscious ba.

Ngiting-ngiti naman si Matt dahil siguradong pupunta si Kate. “Great! 5 naman ng hapon eh, sama na rin kayo. Minsan lang ‘to.” Sumagot na rin ako ng oo, after class naman pala. At exciting 'yun for sure at sila pa ang kasama ko. It will be a first.

Pumayag na rin si Nick. Si kuya Dan naman, depende raw sa schedule ng laro nila. Ayun at umalis na si kuya para mag-prepare sa laban nila. "Thanks Matt!" Pasalamat ni Nick sa kanya.

Nakapagtataka lang at wala masyadong pakulo si Nick lately. Sumuko na ba siyang manligaw?? Noooo...wag ganun. Think positive! Kulang sa budget. Oo, 'yun na lang iisipin ko. Baka nagtitipid. O baka nag-eexpect na naman ako dahil nawili na ako masyado sa mga surprises niya? Eh sino ba namang hindi kikiligin sa ganitong manliligaw?

Nagtatawanan lang ang PF at heto’t nakatitig ako sa kanya. Bigla siyang yumuko at napatingin sa akin, “ikaw Caroline, saan mo balak magbakasyon?” Napaiwas naman ako ng tingin, kunwari sa ulap ako nakatingin.

“Ha?” Ano bang pinag-uusapan nila? Nakakatulala naman kasi ang mukha nitong taong ‘to. Kulang na lang huminto ang oras at maghapon ko na lang siyang tititigan. Hihihihi.

“Si Kate daw baka umuwi ng probinsya. Si Matt at kuya sa bahay lang, ikaw saan ka magbabakasyon?” Saan nga ba? Nasa bahay lang naman ako lagi kapag bakasyon.

“Sa puso mo…” Ayy, ano ba ‘yung nasabi ko. WAAAAA! Namumula si Nick. “Uy, kinikilig!!!”

Siyempre kapag inasar ng isa, may mang-aasar pa lalo. “Aysuuus, namumula ‘yung pisngi mo ‘tol!” Nice one Matt!

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now