21 - Surprises

894 14 6
                                    

Chapter 21

Surprises

Kahit hindi pa ito ang main event ng birthday surprise ko para sa kanya, kitang-kita ko naman sa mga mata niya na nag-eenjoy siya ngayon dito sa isang comedy bar sa Timog.

Masaya ako’t pinayagan siya ng parents niya ngayon lalo na’t madaling araw na siguro ang uwi namin. Kumpleto rin kaming PF ngayon dito kaya full-packed ang saya.

Ang saya talaga kapag nakikita ko siyang masaya.

“And now, kakantahan tayo ng tatlong gwapong binata sa stage. Daniel, Matthew at Dominick, where are you? Come to momma!” Intro nung isang stand-up comedian sa amin.

“Kakanta talaga kayo?” Sa dilim ng bar, liwanag lang ng mukha ni Cee ang nakakanakaw-pansin sa mga mata ko. Tanga. Malamang, kasi nag-rereflect ‘yung salamin niya sa ilaw ng stage.

“Bes, mapapanood mo na rin sila!” Tama si Kate, ngayon lang kami mapapanood ni Cee mag-gig.

“Yup. Another birthday surprise, my love.”

Umupo na kami sa stools na nakahanda sa may stage. Si kuya Dan ang bahala ngayon sa gitara. Solid vocals lang kami ni Matt.

Tss. Ang lagkit ng tingin sa akin nung isang baklang comedian. Hayst. I respect gays but sometimes, I can’t stand them kapag ganyan. Gusto ko si Caroline lang lagi ang tumitingin sa akin ng ganyan.

Itinuon ko na lang ang tingin ko sa prinsesa ko. Nagsasalita na ‘yung host, “uy kuya! Ikaw ‘yung nag-propose sa Who Wants to be a Millionaire ‘di ba? Kay miss…” Malandi niyang sabi.

“Caroline, kay Caroline.” Napakindat naman ako kay Cee na siyang nagpapatibok ng puso ko ngayon.

“Ay oo nga ‘te! ‘You’ve unlocked my heart’…” inulit pa nung isa ‘yung mga sinabi  ko sa show at nagsigawan ang mga tao. “Hay, ang swerte naman ni Caroline, nandito ba siya ngayon?”

“Uhm, in fact, itong kakantahin namin ngayong gabi…eh para talaga sa kanya. She’s right there,” itinuro ko siya, “sitting pretty directly in front of me. Just as how I see her in my future.” Naghiyawan naman ang mga tao sabay binigyan ng spotlight si Cee.

“Ay ‘te! Ang haba ng hair mo. Pwede paputol konti tapos gamitin kong extensions?” Nagtawanan na lang lahat pati siya. Hay, ang ganda mo talaga. Natutunaw na ata ako.

Tinanong naman nung isa si kuya kung may girlfriend siya, siyempre wala. Tapos tinanong din si Matt, “Ikaw kuya, half-American o half-orocan?” Napupuno ngayon ng masasayang puso ang bar na ito. Comedy bar nga eh, tanga lang Nick?

“Luckily, half-American naman. Single, but my heart is already taken.”

“Woooh,” hiyawan ng mga tao.

After nun, sinabi kong espesyal ang gabing ito dahil birthday ni Cee sa Biyernes. Siyempre onting okrayan pa ang nangyari bago ko nasenyasan si kuya na magsimula na sa pag-gitara. “Happy birthday Caroline, my love.”

Ang kulit lang talaga ng intro lalo na kung alam mo kung anong kanta ang tutunguhan ng intro. Sa galing ni Matt mag-arrange, hindi mo aasahang ‘yun ang kantang ito. Henyo talaga siya sa gitara. Madali naman niyang naituro yun kay kuya.

Ok game. This is a new song.

Happy… Happy… Happy birthday to you-oohhh.

Happy birthday, happy birthday, happy…

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon