37 - Love is Patient, Love is Kind

564 9 1
                                    

Chapter 37

Love is Patient,  Love is Kind

Ang taong nagpapatindig ng mga balahibo ko ngayon ay ang aking pinagmulan – ama ko ang matipunong lalaking ito. Parang pinagbiyak na bunga ang hugis ng aming mga mukha tulad nga ng sabi ni mama. Sa pagtitig ko sa kanyang mga mata’y tila nakaharap ako sa isang salamin. Mahahaba rin ang pilik mata niya.

Sa bawat pagpansin ko sa aming pagkakatulad ay binisita ako ng una naming pagkikita.

April 2013

Manila, Philippines

Ayos lang po ba kayo, tatay?” pag-aalala ko. Mabuti na lamang at nasalo ko kaagad siya.

Salamat, iha.” nginitian niya ako. Hindi ko maaninag ang mga mata niya dahil nakatago iyon sa kanyang shades. “Inatake na naman ata ako ng vertigo ko.

Sa itsura niya’y hindi siya nababagay na tawagin ‘tatay’. Kahit simple lang ang kanyang polo shirt ay nagniningning naman ang berdeng brand nito. Leather ang sinuturon niya at halatang mamahaling tela ang kulay itim niyang pangbaba. Mas makintab pa sa buhok ko ang sapatos niya. Grabe lang, ilang KFC unli gravy moment na sana ang buong halaga ng outfit ni tatang.

May baon po ba kayong gamot diyan?” tanong ko kay tatay. Madalas akong atakihin ng vertigo dati dahil sa madalas akong mapuyat kaka-wattpad este kakaaral. Hanggang ngayon ay may nakahandang tableta ng gamot dito sa aking medicine kit sakaling sumpungin ako sa gitna ng daan. “Nahihilo pa rin po ba kayo?

Oo, iha. Nandito sa pocket bag ko. Makisuyo naman, anak.” Ang lambing ng tunog ng kanyang boses. Agad ko namang binuksan ang bag niya. ‘Wow! LV ang bag ng lolo mo!’ nalaglag ang panga ko sa reaksyon kong iyon. Naaninag ko rin ‘yung puting mansanas niyang laptop. Grabe, milyonaryo siguro ang taong ito? “Nandiyan lang sa gilid.

Nakapikit siya kung magsalita. Nanggigigil din ang kanyang kamay sa pagtungkod nito sa aming inuupuan. Mahirap talaga kapag inaatake niyan, pakiramdam mo nasa rocking chair ka o sa anchor’s away. Pasalamat na lang talaga ako sa Taas dahil ilang buwan na rin akong hindi dinadalaw ni V. Sana’y tuluyan na nga siyang nagsawa sa akin.

Inilarawan niya sa akin kung anong itsura ng kanyang lalagyan ng gamot. Wala nga lang siyang dalang tubig. Mabuti na lamang at may naglalako ng mga pagkain at mineral water sa ‘di kalayuan.

Patakbo akong pumunta kay kuya habang maya’t maya kong nililingon si tatay.

Ipinagdasal kong makatulong sa kagalingan ni tatay ang tubig na hawak ko ngayon. Kahit pasimpleng lay hands sa tubig ay baka marinig ni Lord. Nawa’y lagyan Niya ito ng vitamins at minerals na higit pa sa kayang ibigay nito para naman maging normal na ulit ang paningin ni tatay.

Ito na po, ‘tay. Inumin niyo na po.” abot ko sa kanya ng tableta at tubig. Mabuti na lang at wala akong hinahabol na oras. Pwede ko na muna bantayan si tatay habang ‘di pa siya maayos.

Salamat iha. Napakabuti mo namang anak, I’m pretty sure your parents are so lucky to have you.” nangiti ako sa sinabi niya. Grabe ang tono ng pagsasalita niya, halatang pang-businessman ang peg.

Walang anuman po. Salamat din po. Wala po ba kayong kasama? Nasaan po ang kotse niyo?” napahawak ako sa bibig ko nang bigla kong sabihin ‘yun. ‘Ano ka ba naman Cee!? Preno naman o!

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon