2 - Welcome

2.1K 26 11
                                    

Chapter 2

Welcome

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at tsaka naglakad nang matulin. Kainis. Paulit-ulit nag-rerewind sa utak ko ang ginawa niya. Kikiligin ba ako o maiinis? Masyado siyang presko. Pero mas nangingibabaw sa isip ko ‘yung parteng masyado siyang gwapo. Hay naman, Cee! Anyare sa displacement powers mo?

Napahinto na lang ako sa paglalakad kakakulit niya sa akin. Gawin ba raw pincushion ang braso ko’t tusuk-tusukin ng sangkatutak?

Problema mo?” painis kong sabi nang nakayuko.

Iniiwasan ko pa ring matunghayan ang biyayang-kilig na hatid ng kanyang mukha. May sa kung anong epektong nadudulot ‘yun sa akin.

Ikaw nga ito…itong may problem e.

Crazy. Crazy. Bulong ko sa aking sarili.

Look. I’m sorry if I called you ‘crazy.’  It was just some kind of expression.

Okay, fine. Bilisan na lang natin ang tour mo.

If you’re not comfortable with me, it’s okay. I’ll find another—

Okay na nga e. Tara na.” Binigyan ko siya ng maaamong kilay at tsaka ngumiti nang maayos. Ayaw ko namang masayang ang once in a bluemoon opportunity na ma-excuse maghapon noh.

Masyado ata akong nadala sa pagpapa-cute ko at hindi ko na namalayang nakakapit na pala ako sa kanyang braso. Nagtalo pa kami dahil idinulas niya ang braso niya at hinawakan ang aking kamay.

Chusetts! Simpleng tsansing kaagad? Kahit ganito magpantasya ang utak ko sa kanya, pinakaiingatan ko pa rin ang sarili ko in a dalagang-Pilipina-way. Pahawak-hawak pang nalalaman, mamaya puso ko na ang mahawakan niya eh!

No touching!” diin ko sa kanya.

Nagbibiro lang po.” Mula noong una ko siyang makita, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Nagpapa-cute ba siya o ang cute niya lang talaga kaya napaiwas agad ako ng tingin? May mababaw na dimple pala siya sa kanang pisngi niya. At lahat na lang talaga, pinansin ko noh?

Saang planeta ka nga ulit galing?

Ha?

I  mean, from what country? Ang sama ng Tagalog mo e.

At doon na nagsimula ang tour niya. Inisip ko na lamang na isa itong blessing dahil isang linggo na rin kaming stress sa major subjects. Sabihin na lang natin na gumala ako today, dito nga lang sa loob ng campus pero pwede na rin. At least nakapahinga ang utak ko sa mga algo.

Nalaman kong dito siya sa Pilipinas lumaki. Nakuha niya ang maputing kutis niya sa mama niya na half-American. Kung half-German, siguro siya ay aakalain ko na talagang long lost twin siya ni papa Mario.

Sa madalas naman niyang pag-iingles, nabanggit niya na English speaking siyang pinalaki ng mom niya. At wala naman siyang nasabi tungkol sa dad niya. Ayaw ko namang itanong, FC lang?

1 New Message from Nickrazy

Caroline, I’m done with my lunch. Nasaan ka banda? Ako na lang ang pupunta.

From: Nick             Received: 12:32pm

Niyaya niya akong sabay na kaming kumain ng lunch kanina ngunit tumanggi ako.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now