28 - Just Us

702 7 3
                                    

Chapter 28

Just Us

 

 

Dinaig pa ng kanyang mga labi ang lambot ng ulap. Pakiramdam ko’y nasa langit na ako ngayon. At kahit pa sobrang lamig ng panahon dito ay parang sinisinagan ako ng araw sa aming kinatatayuan. Tila walang balak huminto ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan ng taong minamahal mo. Sadyang tumutugon na lang ang mga labi ko nang hindi ko  namamalayan kung paano at bakit.

Medyo humihigpit ang kapit ng kanyang kaliwang kamay sa aking buhok. Kahit ganon ay dama ko pa rin na pinipigilan niya ang kanyang sarili. Si Nick na ata ang pinakamarespeto at pinakamaingat na lalaki sa mundo. Hinayaan ko na lang na malunod ako sa sinabi niyang makasariling halik na ito.

Hindi ko man alam kung gaano ang itinagal nito ay isa lamang ang nasisiguro ko – pag-ibig ang nagtulak sa aming gawin ang napakaespesyal na pangyayaring ito.

Pareho kaming nangiti matapos pagkaitan ng pwersa ang magnet sa ang aming mga labi. Magkalapit pa rin ang aming mga mukha at nararamdaman ko ang madaliang paglamig ng mainit na hininga naming dalawa.

I thank God He created me human, and He gave me a very rare privilege to love you and be loved back...” Nanlalambot ang mga tuhod ko sa pagtitig niya sa akin. At sa bawat pangungusap na sinambit niya matapos noon ay may kalakip na pagngiti at pagtawa ng mahinhin ang ibinigay niya sa akin. “…you’re a gem that I’ll treasure forever. You’re an oxygen that I can’t live without. You’re the rays of the sun at dawn that will shine on all of my days. You’re a special star at night that glows in my eyes every second I look at you. You’re the one I’ll love until God takes me back. Be mine, Caroline. Let me live each day knowing you are mine just like how I became yours since the day I laid my eyes on you.

Unti-unting nanlalamig ang pawis sa aking likuran. Hindi lang kilig ang ibinibigay niya sa akin. Diyos lang ang nakakaalam kung paanong may ganito kagwapong lalaki ang nahulog sa akin. Oh God, You are such a good God. Thank You for giving me Nick. I could never thank You enough for this blessing. Sadyang perpekto talaga magbiyaya ang Panginoon. Minsan lang talaga’y hindi natin napapansin ang mga iyon dahil nakatuon ang mga mata natin sa kung ano ang gusto natin at hindi sa kung ano ang ibinibigay Niya sa atin. Mula sa aksidenteng pagkakabunggo naming dalawa sa gate ng university, hanggang sa pareho pala kami ng course, at ako pa talaga ang inatasang magbigay ng tour sa kanya – if it wasn’t God’s plan, it wouldn’t be as perfect as this.

I am yours, yours and God’s alone.

**

Ang galing naman nung banda. May onting touch ng classical music sa pop song ni Jesse McCartney na ‘Come to me’ dahil sa isang violin at isang cello. May ibubuga rin ang boses nung kumakanta pero syempre walang makakatalo sa ganda ng boses ng Nick ko noh. Lahat na lang pinansin ko na: ‘yung kulay ng motif ng ball, ‘yung taas ng ceiling, ‘yung chandelier, ‘yung tower ng wine glass… At sa bawat pagpansin ko ng mga iyon ay may kasunod na ‘Nick’ bago magtuldok. Ang active ng utak ko, epekto siguro ito nung kanina.

Nakailang ngiti na rin ako habang nililibot ko ang aking tingin sa paligid. Kung may makakita man sa akin, marahil ay naisip ng baliw ako. Wala naman kasi akong kasama pero may nagpapangiti kasi sa akin, at nasa puso ko kasi siya kaya invisible sa lahat. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya invisible. Andun siya sa hindi kalayuan, nakikipagngitian at kwentuhan sa mga business partner ng dad niya kasama si Michelle. Ngayong wala naman na akong dapat ikaselos kay Michelle, ayos lang sa akin kahit mag-isa ako. Nakakanakaw naman ng panandaliang pagsilip sa akin si Nick at sapat na sa akin iyon para malaman kong magkadugtong naman ang mga puso namin.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now