11 - Pick You Up

1.1K 13 4
                                    

Chapter 11

Pick You Up

Teka, bakit parang hindi ako makatulog? Hindi kaya dahil alam kong ilang pader at hakbang lang ang pagitan namin ni Nick ngayong gabi?

*tok* *tok* *tok*

Buti na lang at hindi pa ako inaantok kaya nakatayo pa ako. Binuksan ko ang pinto at si Nick nga ang kumatok.

“I miss you,” bungad niya.

“Miss kaagad? Kanina lang tayo nag-good night sa isa't-.” WAAAAAA!!! Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

“Sa miss na agad kita eh,” ibinulong niya malapit sa tenga ko.

“Wag ka ngang wagas maka-capture the moment. Nangako ka kay papa, remember?”

“Caroline, hindi ko mapigilan. Ikaw talaga ang hinahanap-hanap ng puso ko, ng paningin ko, ng labi ko...” NG LABI MO?!?!!! SERIOUSLY?!!! Napapaatras ako dahil pumapasok na siya sa kwarto ko.

“Caroline, I love you. Ikaw lang. Please be mine tonight.” HUWHAAAAT!?!!!

“Uy!! Sira ka ba?” Pinagpapawisan na ako sa kaba. Ayaw ko ng ending nito…di bale ng chubby ‘yung tyan ko ‘wag lang baby laman!! WAAAAA!

“Hindi mo ba naaalala 'yung bilin ni papa? Gusto mo bang sa ilog pasig tayo magswimming mamaya? Yaaaak!” Eh? Hahawakan na naman niya ang mukha ko. Kaya hinawakan ko rin ang kamay niya para tigilan na 'to.

“Caroline, hayaan mo ako...” Ayaaaaaw.

Sa kakaatras namin napaupo na ako sa kama ko at mapapahiga na. Sa tuwing nilalapit niya ang mukha niya sa akin, umaatras naman ako.

Hindi pa panahon para dito, Cee. Blessing muna ni Lord before ito! Goodness gracious wuuushuuus!

*pak*

No choice. Kailangang pigilan ko ang sitwasyong ito kaya sinampal ko siya. Huhuhu.

Naramdaman kong may nakahawak sa dalawang braso ko.

Sh!t...

“Caroline, gising!! Ano bang ginagawa mo?”

“HUH?” Napa-frog sit ako sa kama ko ng ‘di oras. Tsk. Mukha akong tanga.

“Ano ka, girl version ni Kermit the frog?” It was only just a dream...? Cee, isip ng palusot daliiiiii.

“Hindi ah!! Morning routine ko 'to, tignan mo...ugh, magyoyoga lang kaya ako.” Nag-yoga position na ako. Bahala na. Okay na ‘yan kaysa asarin pa niya kong palaka.

“Kung anu-ano kayang pinagsasasabi mo. May payuck-yuck ka pa diyan, pati ilog pasig tinatawag mo. Feeling mo lalapit ‘yun sa’yo? Tapusin mo na ‘yang daily routine mo, 8:20 na. 10:30 pasok natin.” Tumalikod na siya at lumabas.

“Opo...” Ganun ba talaga ako managinip? Ang dami kong pinagsasasabi? Nakakahiyaaa. Makapagbihis na nga.

*sniff* *sniff* with poise...

Paglabas ko ng kwarto, dumeretso ako sa banyo para magmumog. Kumakain muna ako bago maligo kaya lumabas na ako. Kailangan ko ng magluto.

Oh-ehm-gee, ipagluluto ko siyaaaa. Ano bang laman ng ref? Tsk. Yum yum yum dapat!

Pagkalabas ko ng banyo, may naamoy akong heavenly...

“Sinangag at tuyo ba ‘yung naamoy ko?” Napabilis ako ng paglabas at pagtungo sa kusina.

“WOW!” Iyon na lang ang nasabi ko. May tuyo sa hapagkainan at sh!t lang. Sh!t talaga. Nagsasangag ng kanin si Nick. Garlic and butter pala ang naamoy kong yumminess kanina.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now