18 - My Side

945 16 5
                                    

Chapter 18

My Side

Lakad ako nang lakad, hindi ako mapakali. Panay ang tulo ng pawis ko sa bandang noo ko. Kahit pa napakalaki ng kaba ko, naeexcite pa rin ako. Matagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito.

“Hoy Nick! Para kang bulateng inasnan ah, hindi ka mapakali diyan. Sayang porma mo.” I’m wearing my greyish blue long sleeve roll tab shirt na may dalawang chest pockets. Sakto lang ang pagkaka-fit sa akin, nasa siko ko lang ang manggas since tiniklop ko para hindi naman sobrang pormal ang dating. And then dark navy straight leg fit na jeans. I am so into clothes but I’m definitely straight. Gusto ko lang laging neat ako tignan ng tao.

“Chill ka lang! Baka makalimutan mo ‘yung lyrics mamaya. Ikaw, bahala ka. Nakakahiya, on Philippine TV pa. Bakit ba kasi eto pa ang naisip mong pakulo? Taas ng confidence mo pre.” Gusto ko lang naman na malaman ng maraming tao kung gaano ko siya kamahal. Ang babaeng nagpahinto ng mundo ko sa isang iglap.

Sa mga mata ko, siya na ang pinakamaningning na bituin sa langit o isang mabango’t magandang bulaklak na hindi mo matatanggihang langhapin ang bawat kagandahan ng kanyang pagkatao. Mula sa ugali, talino, at ganda, wala ka ng hahanapin pang iba.

Perpekto siya sa mga mata ko kahit pa sabihin nilang walang taong perpekto. Para sa akin, isa siyang anghel na tinanggalan ng pakpak upang magkasalang mapaibig ko.

“Nick, ready ka na?” Bukod kay Matt, nakita ko na ring sumesenyas ang stage director malapit sa stage.

“Game,” nakangiting kinakabahan na sagot ko sa kanya. Lumapit ako dun sa babaeng nasa may gawing kaliwa nung bouncer. Iniabot niya sa akin ang mic, kinuha ko at nag-thank you rin ako. Hawak-hawak ng kanang kamay ko ang mic at inilagay ko sa aking kaliwang dibdib tsaka ako huminga ng malalim.

Pumwesto sa gilid si Matt, sinimulan niya ng istrum ang kulay maroon niyang acoustic guitar. Hindi muna ako mag-gigitara ngayon para hindi masyadong hassle mamaya pagkatapos kong kumanta. Unti-unti na akong naglalakad at sinimulan ko na rin ang pagkanta.

Hindi na ako nakapili ng perfect song dahil biglaan lang ito. Mga isang buwan ko na rin kasi itong ipinakiusap sa ninong ko na may koneksyon sa show na ito. Bigla na lang tumawag ang secretary niya sa akin nung Miyerkules kaya pati ang kanta ko ngayon halatang pinilit na imash-up. Wala na rin kasing oras para makapagpa-mix pa ako ng music. Mabuti nga at sobrang galing mag-gitara nitong si Matt kaya nagawan ng paraan sa transition ng bawat kanta.

Katatapos ko lang sa first stanza, “Little Things” which made me realize what kind of future I’ll have with her. “Fall” naman ang second stanza at susundan ko ng kaunting “Nasa iyo na ang lahat.” English, tapos Tagalog, medyo baduy. Sana hindi siya mabaduyan, alam ko namang western at KPOP ang music na hilig niya. Wala kasi akong alam na KPOP at ayoko namang bubulol-bulol ang kanta ko sa moment na ito.

Ang ganda niya talaga. Kung kaya ko lang huwag ng ikurap ang aking mga mata, hahayaan ko lang itong tumitig sa nag-iisang babaeng nagmamay-ari ng puso ko.   

Mabuti at napilit siyang pasuotin ni Kate ng dress. Kasama ko si Kate nung binili ko ang dress na ‘yun. Siya ang pinamili ko since wala akong alam sa fashion ng mga babae.

Nung una ayaw ko pa kasi masyadong maikli. Never pa naming nakitang nagsuot ng ganyan si Caroline. Sa pictures ng mga special occasion ko lang siya nakitang nag-dress. Mas maganda pala kapag sa personal. Well, si Caroline ‘yan, kahit ano pang suotin niya she’ll be perfect.

Ilang beses ko na rin nahawakan ang mabango at malambot niyang dark brown curvy hair. Inilugay niya iyon ngayon kaya tumatama sa namumula niyang pisngi. Kailangan kong pigilan kiligin,  baka tawagin na naman niya akong Mr. Pink Cheeks.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now