15 - Heaven

1K 15 9
                                    

Chapter 15

Heaven

Kahapon pa back to school sina isko at iska kaso wala kaming pasok tuwing Thursday kaya ngayon pa lang kami papasok. Wala pa rin si Nick ngayon, sabi niya kasi three weeks, so most probably Monday or Tuesday na ‘yun papasok.

Andito kami sa catwalk malapit sa swimming pool, si kuya Dan na lang hinihintay namin. Ilang minuto pa ang nakalipas, “woah, what happened? Pakibatukan nga ako please.” Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang sinabi ni Matt na nakatayo sa harapan namin ni Kate. Tila ba parang nakakita ng paparating na delubyo?

Napatayo kami ni bes at napaharap sa nakikita ni Matt. Sh!t. Kaisa-isang salitang nag-pop out sa utak ko. “Damie? Kailan pa?” Lakas maka-jaw dropping moment naming tatlo nang makita naming hawak-kamay na paparating si kuya Dan at si Amie.

“Una na ako doggie, see you later, love you beyb.” At may kiss pa talaga sa pisngi? Si babae pa talaga ang humalik? Panahon nga naman ngayon oh. And what shall I expect from Amie, maging dalagang Pilipina? Nah, not gonna happen.

“What the h3ll?” Agad-agad na sinabi ni Kate nang nakalayo na si Amiegetchim. As in ‘Amie gets him’ dahil lahat ng lalaki na gusto niya nakukuha niya palagi, mapa-athlete, mapa-achiever, lahat ng gwapo. Maganda naman talaga siya, open and close quotation marks – “malandi nga lang.” Now, I can’t wait for the story. Kahit pa si Amie yown, sheep, nakabingwit na si kuya. Si Amie pa talaga!

“Grabeng reaksyon naman ‘yan…pero mas inexpect kong may lalabas na usok sa tenga’t ilong mo Kate.” Tumawa mag-isa si kuya, nagpigil lang kami ni Matt kasi seryoso si Kate. May past kasi sila ni Amie. Aguy. “Seryoso much? Bagay naman kami ah,” pilit pa ni kuya.

“Oo, bagay na bagay, ikaw ‘yung aso, siya ang buto. Perfect!” Kung animated movie siguro ito, baka nga may usok na lumalabas na ngayon kay Kate. Hahahaha. Nagtitinginan na lang kami ni Matt at nagpipigil ng tawa.

“Wow. Wala man lang bang benefit of the doubt? Tsk.” Hopia! Deep nung English niya, seryoso na ‘yan. “I’m sorry, hindi ko na nasabi sa inyo. Nagsimula kasi nung last week of school, medyo naging close kami after ng break up nila ni Die tas ayun…”

“So nung December pa?” Napatanong na rin si Matt.

“Yup. Hindi ko na nakwento nung new year kasi baka mabago mood natin eh magpeprepare nga tayo nung pinapagawa ni Nick ‘di ba. Baka hindi natin magawa, especially alam ko namang ganyan ang i-rereact ni Kate. Plus,hindi pa naman kami nung new year, the day after lang.” Seryoso talaga ang palaka.

Ang mahirap dito, bitter si bes kay Amie. Eh paano ba naman, na-puppy fall in love ‘tong si Katelast year kay Kyle, PUPCET 2012 topnotcher na uber gwapo at lalim ng dimples, na niligawan ni Amie at naging sila agad-agad nung June.

 Nanahimik na lang si bes, so I guess it’s time for me to speak. “As long as you’re happy. Huwag mo na lang masyadong ilapit kay Kate, baka makalmot niya ‘yung buto mo.”

“Sorry, Kate.”

“Sus, hahahaha! Masyado niyo namang dinibdib ‘yung drama ko. Nagulat lang ako. Kahit pa inagaw niya sa akin ang first serious puppy love  ko, nakalimutan ko na ‘yun. That was so first year. Malay natin nagbago na siya. I just don’t want you to get hurt in any way kuya. Kahit pa mukha kang aso, hindi naman ugaling aso mamahalin mo ‘di ba?” Uhum…malaman ‘yun bes.s

Pa-puppy face naman ‘tong si kuya, “arf! Arf!”

“Awww. Sorry, I love you kuya Dan!” Sabay niyakap ni Kate si kuya.

“Yan ang PF! Strong! Group hug.” Wusus, selos lang ‘tong si Matt dahil si kuya Dan ang niyakap at hindi siya.

Matapos ang shocking-drama-moment naming apat, umakyat na kami. Heto’t nga-nga at wala pang prof. Anyway, nakalimutan ko palang sermunan itong si Matt nung auno. Masyado niya naman kasi minamadali ang mga pangyayari.  “Matt, samahan mo naman ako. Baba tayo, wala pa pala akong ballpen.”

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now