"Kung gusto mong manuod magtanong ka kay Charlyn dahil ang mga crush niyan puro BI alam mo na mahilig manuod ng ganon." Sabi ko dito. 

"Nanahimik na ako dito tapos ako pa ang nakita mo ngayon huh, Jasmin. Araw ni Bianca ngayon kaya siya ang pagtuonan niyo ng pansin. Tawagan niyo na nga yang si Leslie sabihin niyo siya nalang ang kulang para makakakin na tayo kanina pa ako nagugutom." Anya ni Charlyn. 

 "Sorry Girls, late!" Isang sigaw na nanggaling sa likod ko.  

"Hay nako uwian na!" Si Ann 

"Late ka na naman." Si Alyssa. 

"Pauwi na kami, busog na busog na nga kami." Pang-uuyam ni Charlyn. 

"San ka ba galing? Late na nga si Jasmin, late ka pa din." Galit na tono ni Bianca. 

"Wait, bakit damay ako?" Nakakunot noo kong tanong. Si Leslie ang pinakalate tapos idadamay ako? Nasan ang hustisya doon? 

"Chill lang Girls, Traffic sa edsa tapos galing pa akong Laguna." Paliwanag nito. Bumaling siya sa akin tapos tinaasan ang kilay. "Ano? May nakasparks ka ba sa unang araw mo?" Pang-aasar nito na agad kong kinalaki ng mata. 

"Hoy Leslie-na wag na wag mo akong madamay sa kalandian mo huh at anong sparks na sinasabi mo dyan? Mahiya ka nga sa amin." Okay? Bakit parang guilty at ang defensive ko ata? Wag sana silang makahalata! 

"Oo na, ikaw na ang WALANG FIRST KISS sa amin kaya mahihiya na ako sayo. Kaya ngayon umorder ka na ng foods ng makapagsimula na tayo dali." Utos nito sa akin. 

"Makapag-utos wagas !" 

"LabyutuHasmina!" Sabay nguso niya sa akin. Nagtawanan ang barkada sa ginagawa niya. 

Kahit ganyan kaming magbalugaang magkakaibigan still mahal ko pa rin sila. High school palang kami, kami na magkakasama sa hirap o saya. WALANG IWANAN! Nagkahiwalay lang kami nung college na kahit marami kaming nakilala at bagong naging Kaibigan hindi pa rin namin nakakalimutan ang isa't-isa. Gumagawa pa rin kami ng paraan para makapagkita at makapagbonding. 

Naging matatag ang Friendship namin dahil sa mga pinagdaanan namin. Hindi mawawala ang pag-aaway at pagbabangayan pero at the end of the day hindi pwedeng hindi kami magkakaayos.  

"Seriously, Hasmin, wala ka talagang nakilalang kasparks doon?" Tatayo na sana ako nang nagtanong sa akin si Charlyn. Kahit kailan intriga talaga ang babaeng to.  

Hindi ako sumagot bagkus ay tumayo na ako at nagtungo sa Counter kung saan naandon ang Waitress na kaninang nakasalubong ko. Nginitian ko siya nang ngumiti ito bago tumingin sa isang Board kung saan naandon ang Menu nila ngayon.  

"Miss, Just want to ask about our orders? Kanina pa kasi kami nag-iintay." Napataas ang kilay ko nang biglang sumingit sa akin ang isang mabangong, matangkad at maputing lalaki. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon