Kabanata 37

1.6K 54 3
                                    

(a/n: pkiplay ung video sa gilid :) )

(Building 2: rooftop)



3rd Person's Pov



"Ayos kalang?"May pag-aalalang tanong ni Zuren kay Yui na nakatalikod sa kanya at nananatili lamang na nakatingin sa langit. Labis kasi siyang nakakaramdam na para bang may mali sa kanyang Ojou.

Hindi naman siya nakarinig ng tugon mula rito.

Lumapit na lamang si Zuren sa tabi ni Yui at sandali niya itong sinilip. Nakapikit lamang si Yui kaya hindi siya napapansin na tinititigan niya ito.


Malapit ng lumubog ang araw, nagsisimula narin na lumakas ang hangin at dumilim ang mga ulap, senyales na may paparating na ulan.


Ang sandaling pagsilip ni Zuren kay Yui ay nagtagal pa. Dito lang kasi siya nagkakaroon ng pagkakataon na matitigan ng matagal ang mukha ng babaeng gusto niya. Dito lang niya naipapakita ang nais niya kay Yui.


Nagawi ang tingin niya sa labi ng dalaga at maya-maya'y napalunok. Matagal narin niyang gustong mahalikan si Yui ngunit imposibleng mangyari. Minsan nga'y naiisip niya pa kung may lalaki nabang nakahalik sa kanyang ojou? Napakaswerte naman ng nilalang na'yon kung meron nga.


Napabuntong hininga na lamang si Zuren at mabilis na inalis ang tingin sa labi ni Yui. Baka hindi niya makontrol ang sarili niya at mahalikan niya ito ng di-oras.


Itinuon na lamang niya ang atensyon sa mga estudyanteng nasa baba.


Madalas lang na ganito sila ng kanyang Ojou. Sa tagal narin na paninilbihan niya kay Yui ay minsan lamang siyang kausapin nito. Kakausapin kung may kailangan o may ipag-uutos.  Sana'y narin talaga siya na laging tahimik ang dalaga. Kung baga...once in a blue moon lang ito magsalita.



Napatingala si Zuren nang marinig niya ang kulog mula sa makulimlim na kalangitan at hindi rin nagtagal ay nagsimula naring umambon.

"Ojou"Tawag niya agad dito ngunit nananatili parin itong nakapikit. Tila ba'y manhind sa mga tubig na pumapatak sa kanyang mukha.


"Umalis kana..."Mahinang saad ni Yui kay Zuren.


"Po?...pero, hindi ko kayo pwedeng iwan d--"Hindi na natapos ang sasabihin ni Zuren nang magsalitang muli si Yui, pero sa pagkakataong ito ay nakamulat na ang mga mata nito at nakatingin sa kanya ng seryoso.


"Hindi na kita kailangan."

Hindi inaasahan ni Zuren na sasabihin 'yon mismo sa kanya ni Yui.

"Huh? Bakit?"Kunot noong tanong niya rito.



"Malaking abala kalang sa mga plano ko."Saad ni Yui sa kanya.


Hindi makapagsalita si Zuren nang sabihin sa kanya 'yon ng babaeng nasa harapan niya. Hindi niya alam kung anong dahilan nito at bakit bigla nalang itong nagbitaw ng ganong salita.


Nagtuloy tuloy lang ang pagpatak ng ulan hanggang sa ito'y lumakas dahilan para magsipasok ang lahat ng mga estudyante .


Ngayon,tanging ulan nalang ang bumabasag sa katahimikan ng paligid.

Di na alintana ni Yui at Zuren ang malakas na patak ng ulan.


"A-ano? Haha,Ano bang sinasabi mo,ojou?"Matawa-tawang tanong ni Zuren.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now