† Kabanata 20 †

2.7K 74 16
                                    

***A/n: Ang kabanatang ito ay nakadedic sa isa sa masipag magcomment x)... @JasCamero :)))

† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH):KABANATA 20 †

† Ash's Pov †

"Take this gun"Kinuha ko agad 'yon sa kanya. Medyo kinikilabutan na'ko sa ikinikilos ni Yoshio.

Pero isa lang ang naiisip ko kung anong klaseng tao ang sumusunod samin. Yakuza.

"Isang Yakuza ang sumusunod sa'tin, di ba?"Halata ang pagkagulat sa mata niya ng tumingin siya sa'kin saglit.

"Alam ko na ang lahat. Ang paggiging Yakuza ng pamilya ko at kayo. Sinabi na sa'kin ni papa."Seryoso kong saad na diretso lamang ang tingin sa harap.

Naramdaman kong maslalong bumilis ang takbo ng sasakyan.

Napahigpit ako ng hawak sa baril.

"Sa'n tayo pupunta?"O dapat ang tanong ko eh... Sa'n niya 'ko dadalhin?

"Sa condo ko."Magrereak palang sana 'ko ng bigla niyang ipreno ang sasakyan at sumigaw ng.. "TUNGO!"Kasabay ng pagtungo ko ay ang pagsulpot ng bala ng baril mula sa likod papunta sa direksyon ko. Hindi ako natamaan nito dahil sa nakatungo na'ko.

Napansin kong nakikipagpalitan na ng putok ng baril si Yoshio sabay muling pinaandar ang sasakyan ng masmabilis.

Ako ang puntirya nila.

Tinakpan ko ang tenga ko ng dalawang kamay dahil sa mga nakakabinging putok ng baril na nangagaling kay Yoshio at sa taong nananatiling nakasunod sa'min.

Sa nangyayari ngayon...muli kong naaalala ang araw na nasa sasakyan ako ni Jessie.

Ang babaeng pumatay kay mama at nagtangka sa buhay ko. Ang pakikipagbarilan ng magulang ko sa kanya.

Napapikit ako at sinabunutan ko ang sarili ko. Ayoko ng maalala 'yon.

Ang mukha ni mama...

Ang unti-unting pagpasok ng bala ng baril sa dibdib niya...

Ang paghihingalo niya...

Ang unti-unting pagpikit ng mata niya...

Naiyak na lamang ako. Gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang kaba.

Para 'kong pinapatay ng ala-alang gusto ko ng ibasura.

Nakaramdam na lamang ako ng dalawang kamay na unti-unting tinatanggal ang kamay ko sa pagkakasabunot sa buhok ko at iniayos ako nito ng upo. Hanggang sa makaramdam nalang ako ng yakap. Isang mainit na katawan ang sumakop sa nanginginig kong katawan.

"Sssh... Ayos na"Halos pabulong nitong sabi na para bang nagpapatahan ng bata.

Ngayon ko lang napansin na nakahinto na kami sa isang liblib na lugar. Napatingin ako sa likod. Isang sasakyan ang nagliliyab na sa apoy.

Napatingin ako kay Yoshio na sobrang lapit ng mukha sa'kin habang pinupunusan ng palad niya ang pisngi ko.

Napalunok ako ng laway dahil sa awkward na posisyon namin. Magkayakap parin kasi kami kaya mabilis akong humiwalay sa kanya. Mukhang napansin niya rin 'yon kaya napalayo rin siya at umubo ng onti.

****

"Uuwi na'ko."Sabi ko at naglakad na. Andito na kasi kami sa tapat ng building kung saan ang condo ni Yoshio. Eh hindi ako KOMPORTABLE na manatili dyan na kasama siya. Tsk!

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now