† Kabanata14 †

3.3K 97 12
                                    

MSTRANGERS NOTE: Pasensya na po kung may mali mang spell jan! xD OH yan na po basa na po. :)

† TAKAI TORABURU (TROUBLE HIGH): KABANATA 14 †

† Ash's Pov †

"Si Yuudai Tanaka, ang ama ng lolo mo. Siya ang unang namuno ng grupong mas kilalang Yuudai-kai. Ang nagtalaga at ang dahilan kung bakit kami napunta sa paggiging isang gokudō (Yakuza) .Ang grupong 'to ay kinatatakutan ng lahat. Ang Yuudai-kai ay isa na sa tinatawag na bōryokudan(violence group), dahil nung mga panahon ni Yuudai ay walang habas nilang pinapatay ang mga taong haharang sa dinaraanan nila, ang mga inosenteng tao sa bansang Japan. Matitigan mo lang sila sa mata ay tiyak na 'yon na ang huling araw mo. Isa rin sila lolo (Yuudai) na nangunguna sa pag-aangkat ng drugs sa buong Asya."

Yuudai.... ang ama ni lolo.

"Bukod pa do'n, marami pa sina lolong nagawang krimen. Hindi narin sila nalalayo sa mga kalaban naming bakemono. Nung mga panahon na'yon ay dun na namulat sa karahasan si papa, ang lolo mo...si Kazuya, ang nag-iisang anak. Bata palang ay tinuruan na siya kung pano pumatay ng mga inosenteng tao pero hindi nagustuhan ni papa ang ganong pamamalakad sa Yuudai-kai kaya't di rin nagtagal ay tumakas si papa kina lolo at dun na niya nakilala ang grupong kabaligtaran naman ng Yuudai-kai, ang Hanoji-gumi. Ang Hanoji-gumi ay ang grupong kakampi ng gobyerno ng Japan. Isa rin silang gokudo. Mga gokudong against sa karahasan na ginagawa ng Yuudai-kai at iba pang boryukudan,"

"Si papa ay sumapi sa Hanoji-gumi na pinamumunuan ni Daisuki Matsuno na tinuring narin niyang ama. Dahil do'n ay naging mahigpit na magkalaban sina papa at lolo. Nakakalungkot isipin na mismong mag-ama pa ang magkalaban, pero hindi ko rin naman masisisi si papa kung bakit siya umalis kina lolo. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay ganun din ang gagawin ko,anak."

"Mas lalo pang lumala ang galit ni papa kay lolo ng mismong mabalitaan niyang pinatay nito ang nanay niya...si lola Emi. Halos mabaliw si papa ng mabalitaan niya 'yon, kaya yun narin ang naging dahilan upang di magdalawang isip na patayin niya ang sarili niyang ama. Ibang-iba ang ugali ni papa kay lolo."

Ang mga kinuwento sa'kin ni papa kagabi. Ang ilan sa mga nalaman ko kung pano nagsimula ang paggiging Yakuza o Gokudo ng pamilya ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at lumapit sa may computer na tabi lang ng kama ko. Ini-On ko 'yon at matapos na magloading at mag-appear ang mga icon sa window desktop ko ay mabilis na'kong nagsearch sa google.

Google Search 'Yuudai Tanaka the Oyabun of Yuudai-kai'

(oyabun- 'father' or 'boss' in yakuza)

I punched the 'enter' button and after 5 seconds of waiting....

...maraming results ang lumabas tungkol kay Yuudai. Pare-parehas lamang ang description na nababasa ko. Sa wikipedia at ang iba pang mga blogs ay parehas lamang ang mga nilalamang impormasyon nito. Mga walang pinagkaiba sa sinabe sa'kin ni papa.

Ayon naman dito sa isang blog na tungkol sa pagkamatay ni Emi Fujiwara-Tanaka at ang pagpatay sa mga inosenteng tao ay :

'Si Yuudai Tanaka ang pumatay sa sariling asawang si Emi Fujiwara-Tanaka. '

Napalunok ako ng makita ko ang larawan sa gilid.

Babaeng tadtad ng saksak na walang saplot sa katawan.

"Sh.t."Grabe ang ginawa niya. Napakademonyo niya para gawin 'yan sa lola ko sa tuhod.

Mas lalo pa 'kong nainis ng makita ko ang mga larawan ng mga inosenteng tao na duguan. Napapailing nalang ako.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now