Kabanata 51 Part 6: Day 3

961 37 7
                                    

This Chapter is dedicated to @igayim

Hi, salamat at hanggang ngaun ay hindi mo nalimutan ang storyang 'to. :) Nung mabasa ko ang message mo sobrang tuwa ko at hiya narin hahahah dahil soooooobrang tagal kong mag update. Pasensya na sa'yo at sa iba pang hanggang ngayo'y naghihintay ng update ko. Maraming marami salamat rin po sa mga pang unawa niyo. God bless us all! :)))

Lei's Pov

"Ate Lei, bili lang kami ng makakain. Magpapabili kaba?"

"Sprite mismo tsaka palabok. Dalawang order."sagot ko kay Whenzie.

Tumango naman siya at sunod na tinanong si Michie na abalang nagbabasa ng magazine.

"Katulad nalang ng order ni Lei. Pero isang order lang ng palabok ah."

"Okay~ Alis na kami!~"

"Sige."sabay na sabi namin ni Michie.

Nandito kami ngaun sa Clinic. Clinic na mangilang beses ko ng binalik balikan simula ng makilala ko 'tong babaeng 'to.

*Tingin kay Ash na mahimbing na natutulog sa clinic bed*

Napapadalas na ang punta ko dito dahil sa kanya. Habulin talaga 'to ng trahedya eh.

*Flashback*

"So, baby, let's just turn down the lights~ And close the door!~"

"Woooooh! I love you, Tanaka!"sigawan ng mga kalalakihan na akala mo'y walang pagsasanay na naghihintay.
Samantalang si Ash naman ay enjoy na enjoy ang pagkanta kahit tunog Renz Verano ang boses sa sobrang husky.

"Ooohh I love that dress but you won't need it anymore!~"

"Hubaran mo nako, cruuuuush! Sayong sayo na 'toooo!"sigaw ng isang lalaking nagtanggal ng sinturon at nagsigaya narin ang iba. "WOOOOOOH!"sigawan ng mga kalalakihan at winagayway ang kanilang mga sinturon.

Shemay. Pahentai na ito.

Tinakpan ko naman agad ang mga mata ni Michie at gayundin ang ginawa ni Nomi kay Whenzie.

Susme! Ano bang nangyayare kay Ash? Hindi naman siya ganyan.
Ni hindi ko na alam kung matutuwa ako dahil nanalo ako sa pustahan namin ni Joemarie o mahihiya dahil sa ginagawa niya ngayon.

"No, you won't need it no more~ Let's just kiss 'till were naked baby!~"Ash.

"VERSACE ON THE FLOOR!"~( ▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/ Sabay sabay na pagkanta ng lahat.

*Blag*

"*Gasp* Si Crush bumagsak sa FLOOR!!!!"

"Sh.t" Ako'y napatakbo ng di oras papunta sa ring nang biglang tumumba si Ash matapos na may maghagis sa kanya ng sapatos.

Tinapik ko ang pisngi ni Ash. "Ash! Ash!"tawag ko sa kanya ngunit tuluyan na itong nawalan ng malay. (¯﹃¯)

F.ck. Sino na naman bang tanga ang naghagis sa kanya ng sapatos?!

Tiningnan ko yung sapatos na nasa tapat pa talaga ng ilong niya!

Sapatos siya ng babae. Kinuha ko 'yon at tumayo.
"LUMABAS ANG MAY ARI NG SAPATOS NA 'TO!"

Napatakip ng ilong ang lahat ng itaas ko ang sapatos na 'to. Sobrang baho ng paa ng may ari nito. Samahan pa ng nakadikit na tae sa takong nito na lalo pang nagpabagsik ng amoy. Kakasuka!

"Ack! Dambaho eh! Putek!"reklamo ng isang lalake.

"Anak ng! LUMABAS KUNG SINO MANG HAMPASLUPA ANG NAGHAGIS NG SAPATOS SA MAHAL KO!"sigaw naman ng isang manyak na nanguna kanina sa pagtanggal ng sinturon.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now