† Kabanata 17 †

2.8K 83 6
                                    

† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH): KABANATA 17 †

†Ash Pov†

"Eto?" > o>?

Tinuro ni Shiro yung Cadbury chocolate. Umiling ako. Nandito ako ngayon sa SM kasama sina Shiro at Ryu. Dito nila ko dinala. Pakakainin daw nila ko para mawala ang badvibes ko. Si Riku? Wala. Nasa Japan daw. Kasama ni Papa. Tss. Di manlang nagpaalam sakin.

"Eto"Turo ulit ni Shiro sa Hershey. Umiling ulit ako.

"Eh,eto"Turo naman ni Ryu dun sa Pretzel. Umiling ako.

Turo sila ng turo, iling naman ako ng iling. Eh sa wala talaga kong gana kumain.

Naiisip ko yung mga sinabi ni Yoshio.

"It's obvious...until now you still care for him"

Until now? Ano bang ibig niyang sabihin dun? Hindi dahil sa english eh hindi ko naiintindihan ah,-__-

I mean yung pinaka ibigsabihin niya dun sa sinabi nya na para bang matagal ko ng kilala si Jerry...eh kailan ko lang naman ...ah! Ewan! Gulo!

Tapos yung mukha niya pagkatapos nyang sabihin 'yon. Napabuntong hininga ako.

Aaminin ko...naguilty ako sa mga sinabi ko sa kanya. Pero, wala na talaga 'kong pwedeng panghinalaan..siya lang.

"Miro-Hime"Tawag sa'kin nila Ryu.

Huh?

Napatingin ako sa malamig na bagay na hawak hawak ko.

Eh? Ba't may hawak hawak akong karne ng baboy?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko na pala namalayan na napunta na'ko sa mga baboy. -__-

Ibinalik ko na 'yon kung san nakalagay.

"Gusto mo ng baboy? Anong luto? Ipagluluto ka namin!"Masiglang sabi ni Shiro.

Naku...yan ang wag na wag niyong gagawin.

"Dina. Di ko rin makakain kung kayo lang naman ang magluluto."Sabi ko at nilagpasan na sila.

"Ang hard"-_- Rinig kong sabi ni Ryu.

Nakarating kami ng Foodcourt. Pero wala parin kaming kinakain. Eh wala akong gana kumain. Etong dalawa naman sa tapat ko nakapangalumbaba lang, hindi daw sila kakain hanggat di ako kumakain. Okay. Patigasan tayo. Bahala silang mamutla jan sa gutom.

Makalipas ang Isang oras...

"Kumain na kayo."-_- Sabi ko.

"Nope. Kakain lang kami kung kakain ka.":) Sagot ni Ryu. Sumang-ayon naman si Shiro.

Aaah! Tibaaay.. <__<

Dalawang oras....

Lumilinga linga sila sa mga kumakain.

"Kain na."-ako.

"Kung kakain ka.":)-Ryu. Sumang-ayon ulit si Shiro.

Matibay talaga.

Limang oras...

May tumabing mga estudyante samin na may mga dala dalang pagkain. Napansin ko yung dalawa na naglalaway na pero pigil na pigil parin. Pfft.

"Kain na kasi.">;)

">;D"Ngumisi lang si Ryu.

Si Shiro, ayun...naglalaway habang nilalanghap ang amoy ng pagkain ng katabi nya. (¯﹃¯)

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONOnde histórias criam vida. Descubra agora