† Kabanata 19 †

2.9K 90 14
                                    

****a/n:

Ang kabanatang ito ay nakadedic kay @hongmilles :))) Thanks for adding my story on your RL.

† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH): KABANATA 19 †

† Yoshio's Pov †

"Aaaa! Patay ka talaga sa'kin!"

Iika-ika akong pumunta sa sasakyan ni Nomi. "Ang susi?!"Nag-aalinlangan niya pa 'tong ibinigay sa'kin. Hinablot ko agad ito.

"Pe-pero, Bo-boss!"Pigil niya sa'kin.

" Umalis ka!!!"Mabilis itong umalis sa daraanan ko. Sumakay na 'ko agad sa kotse niya at pinaharurot ito habang hawak hawak ng isang kamay ko ang *toot* ko. Sobrang sakit parin kasi dahil sa pagkakasipa ng babaeng 'yon!

"You'll pay for this,"Pinabilis ko pa ang patakbo para maabutan siya.

Badtrip ka talaga! Subukan mo lang gasgasan ang kotse ko...

...hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.

† Ash's Pov †

"HOY!"Nagulat ako ng makita ko si Yoshio na nakasakay sa sasakyan at nakatapat na ito sa'kin. "PAGSISISIHAN MO 'TO!"Pagbabanta niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Huwag mong ipakita na takot ka sa kanya. Oo! Tama!

Si Ashley Miro Tanaka ay hindi marunong matakot!

"Wew! Baka pagsisihan!~"Asar ko sa kanya sabay belat sa kanya at pinabilis ko na ang takbo ng sasakyan hanggang sa malagpasan ko na siya.

Medyo pinagpapawisan na ang kamay ko. Lumiko ako agad sa kaliwang daanan. Nakita ko pa sa rearview mirror si Yoshio na konti nalang ay maaabutan na naman ako.

BILISAN MO!!!

Ayan na siya!

(*Echo*Ayan na siya!...siya!...siya...siya! )

"Syet!"Maslalong bumibilis ang pagddrive ko. Liko lang ako ng liko sa kahit anong daan ang makita ko.

Pinagpapawisan na 'ko lalo pa't bigla nalang sumusulpot sa isipan ko ang galit at tumatawang malademonyong PAG-mumukha ni Yoshio.

"Pagsisisihan mo 'to!"(`︶' x)

"Pagsisisihan mo 'to!"

"Wala ka ng ibang mapupuntahan! Muwah-hahahaha! "

Waaaah!

Iniling-iling ko ang ulo ko para maalis ang pagmumukha ni Yoshio. Lakas maka-imagine ng utak ko ah! -_-||

Napatingin ako tabi ko.

* Gasp*

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na si Yoshio na nakaupo sa tabi ko at malademonyong tumatawa.

Palapit ng palapit ang mukha niya. "Hwa-wag kang lalapit!!!"

"Muwahahaha! Hindi ka na makakatakas sa'kin."Nanlaki lalo ang mga mata ko ng makita ko ang pagkakaroon ng sungay sa ulo niya at nang maging kulay pula ang itim na mata nito.

Wala na sa ayos ang pagmamaneho ko.

Napasigaw na'ko sa takot, dahil do'n ay hindi ko na pala namalayan na may pasalubong na Van sa harap ko.

*SCREEEECH......*

† Yoshio's Pov †

Napamura ako ng di oras ng makita ko ang pagbangga niya sa itim na Van.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now