† Kabanata 32 Part 2 †

1.9K 63 3
                                    

Toraburu Koto(Trouble High):Kabanata 32 Part 2

Third Person's Pov

"Young Master!"Bati ng mga tauhan niya pagkapasok niya ng Hospital. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagdire-diretso lamang siya sa pagtakbo.

Kitang kita nila kung ga'no kabalisa ang kanilang Young Master at gayon na lamang kung gaano ito kamadali.

Lahat ng miyembro ng gang ay kabadong kabado at lungkot na lungkot din sa pagkawala ng iba pang miyembro nila na kanina ay natagpuan nilang wala ng buhay sa labas ng kwarto ng kanilang Miro-Hime nasi Miro. Ang mga bata naman na natagpuan nila kanina na walang malay sa loob ng kwarto ni Miro ay mabilis din nila agad itong pinahatid papunta sa Mansyon ng kanilang pinuno.

"Mahal."Lumapit sa kanya ang kanyang asawa na si Lady Kaori nang makapasok na ito ng kwarto ng anak. Niyakap niya si Ashton at umiyak lang ng umiyak. Hindi na niya rin kasi alam ang gagawin pagkatapos ng mga nadatnan niya.

Walang ginawa si Ashton kundi ang tumayo lang doon at tiningnan ang bunsong anak na nakaratay. Napayukom na lamang siya nang makita niya ang nakasulat sa dingding.Isang mensahe na ginamitan pa ng dugo pansulat. '化け物 '  (Bakemono)

Matapos niyang basahin 'yon ay kumawala na ang mga luha na kanina pa niya gustong ilabas.

Sobrang galit ang nararamdaman niya ngayon. Sobrang galit na halos isisi niya sa sarili niya. Kung hindi lang siya umalis ng Hospital at kung hindi lang siya umuwi sa mansyon para magpahinga edi sana hindi mangyayari 'to.

Bakit? Kulang pa ba ang ginawa nila sa bunso niyang anak?!

Dahil sa galit na ito ay wala sa sarili niyang itinulak ang kanyang asawa.

"*gasp* Ashton?"Hindi siya pinansin nito at mabilis na lumabas ng silid.

"Y-young Master.."Saad ng isang miyembro ng gang nang biglang lumabas si Ashton papalapit sa kanila

"MGA GAGO KAYO!"Halos magulat ang lahat nang sumigaw si Ashton at sunud sunod na silang pinagsusuntok.

"Ya.-young master.."

"Mga gago! Mga walang kwenta!"Sinuntok niya ng sinuntok ang lahat ng mga tauhan niya. Tinanggap na lamang nila ang mga suntok ng kanilang Young Master. Naiintindihan nila ito kaya pinabayaan nalang nila si Ashton.

Tama lang sa kanila 'to. Kung sana ay hindi nila iniwan sina Zed para bumili ng pagkain edi sana hindi mangyayari ito. Edi sana hindi nila nakuha ang kanilang Hime nasi Yui. Edi sana hindi namatay sina Zed, Dj at ang apat pang mga kasama nito.

*Boogsh..Boogsh..Boogsh*

"Ashton, tama na..."Maiyak-iyak na tawag sa kanya ng asawang si Lady Kaori mula sa pinto ng kwarto ng anak. Gusto niyang pigilan ang asawa sa ginagawa pero hindi niya kaya.

Tuloy lang sa pagsuntok si Ashton sa mga tauhan niya.

Mga walang kwenta...

Kinuwelyuhan niya ang isa sa mga tauhan niya na halos mabasag na ang mukha. "Bakit?! Bakit hinayaan niyong makuha nila ang anak ko?!!!"Napatungo nalang ang lalaki.

"Patawarin niyo ko..."Saad nito kay Ashton at hindi na napigilan ang sariling wag maiyak. Hindi dahil sa mga suntok na tinanggap niya mula sa amo kung bakit siya naiiyak...kundi sa kapabayaan na nagawa nila.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now