† Kabanata 36 †

1.5K 60 11
                                    

(8:29 pm)

Ash's Pov

Napabuntong hininga ako sa irita pagkalabas ko ng banyo nang makita ko ang mga lalaking 'to na mga nakangangang natutulog sa sala. Yung iba nasa sofa ko, yung pinakamataba naman sa kanila na nagsasalita ng tulog eh nasa lapag. "Zzzz...Pichapie...burger...champoy...bananaque...barbieque...lahatngque...akin yan...zzZzz" Si Thin. Kung ano ang ikinanipis ng pangalan yun naman ang ikinalapad ng katawan.

Tsk. Wala rin naman akong nagawa na paalisin sila dito. Masyado talaga silang matigas. Hoy, ikaw! (-__-) baka kung anong matigas ang iniisip mo ah.

Mainis-inis kong kinuha ang maliit na puting twalya na nakapatong sa kanang balikat ko at pinunas sa basa kong buhok. Dumiretso na'ko ng kusina at nagsipilyo. Matapos magsipilyo ay pumunta na'ko sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto...

Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Nomi na nakapikit ang mata at 1inch nalang ay didikit na ang labi niya kay Whenzie.

"HOY! SIRAULO KA!"Sigaw ko sabay kuha ko ng towel na nakabalot sa buhok ko at hinagis sa kanya.

Napatayo naman siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama dahil sa sigaw ko. Nanlalaki ang mga mata niya ng tumingin sa'kin at tagaktak pawis.

Inilagay ko ang kaliwa kong kamay sa gilid ng bewang ko...yung nakapamewang, idinuro ko ang hintuturo ko kay Nomi at unti-unting lumapit sa kanya.

"Isa kang...malandi...sinasamantala mo... habang tulog... ang LAHAT!!!"Isinigaw ko ang "LAHAT!!!" nang makalapit ako sa mukha niya sabay pasok ng hintuturo sa butas ng ilong niya.

"Eeengay naman oh!~"Si Whenzie na nagsalita habang tulog. Nagkakamot ito ng leeg sa inis sabay dantay ng isang paa sa mukha ni Lei.

Baligtaran kasi ang pwesto nila.

Muli akong tumingin kay Nomi habang tinanggal ko ang hintuturo ko na nakapasok sa ilong niya sabay pahid ko nito sa coat niya. Wala namang dumikit na dumi sa daliri ko pero mabuti na yung maging maingat...baka may bacteria.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Makuha ka sa sindak! >;3

"S-s-sorry po. A-a-ano..."Mautal-utal niyang sabi.

Muli akong tumingin kay Whenzie at tumingin na kay Nomi.

"May gusto ka sa kanya no?"Tss. Anong klaseng tanong 'yan Ash?! Hindi paba obvious kanina?!

Napalunok siya ng laway at tumingin sa sahig.

"Aaa...umm.."Wala siyang masabi. Mahina 'to. tss.

"*smirk* Kung kanina ang lakas ng loob mong halikan siya tapos ngayon namang tinanong kita naduwag kanang sumagot."

Napansin kong medyo lumungkot ang mata niya. Ano ba naman 'tong lalaking 'to. (-..-")\ Napakalambot.

"H'wag kang duwag. Halikan mo siya ng gising kung saan mararamdaman niyang gusto mo siya. Hindi yung nakapikit siya na wala manlang siyang kamalay malay sa ginawa mo. Alam mo bang pwede kang makasuhan ng rape?"Mabagotbagot kong saad sa kanya.

"Pa-patawad po."Saad niya sabay bahagyang nagbow sa harap ko.

"Basta...gawin mo yung sinabi ko."Saad ko. Wow,Ash...ikaw ba'yan?

"O-op--"Napatigil siya sa pagsasalita ng mapatingin sa likod ko. Napakunot naman ako ng noo.

May narinig naman akong isang ngisi sa likod ko.

"Giving advice to my slave about love... is a shit, Young lady."

Haay...piste talaga 'tong pokemon na'to. Panira ng moment. Ang ganda na ng advice ko e. (=__=)

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now