† Kabanata 10 †

3.4K 106 3
                                    

† TAKAI TORABURU (TROUBLE HIGH): KABANATA 10

†Ash's Pov

"Miro-Hime."Pagbukas ko palang ng pinto ng apartment siya na ang bumungad sakin.

Tsk!

"Sinabe ko naman sayo una palang na wala kong balak puntahan siya."Saad ko. Alam ko naman na itatanong niya sa'kin kung bakit hindi ko pinuntahan si Ashton bago ito umalis ng bansa.

Hindi na siya umimik pa at tiningnan na lamang ako ng seryoso. Napansin ko na wala na siyang suot na salamin. Malinaw na ba mata niya?

Makikipagtitigan na lamang ba siya?!

Tss. Makalarga na nga.

Tinalikuran ko na siya at lumakad na paalis.

Hindi pa'ko gaanong nakakalayo ay may humarang na itim na kotse sa daraanan ko.

Ugh! Bwisit talagang alalay na'to!

"Ihahatid na kita, Miro-Hime."Nasa may driver seat siya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Umalis ka diyan!"Hindi siya umalis at nanatili lamang na nakatingin sa'kin ng seryoso.

Anakanang!

"Tulig ka ba hah?! Sinabe kong umalis ka diyan kung hindi basag sakin yang salamin ng kotse mo!"Pagbabanta ko sa kanya. Pero mukang di umepekto. Banas to!

Hindi niya parin pinapaandar paalis yung kotse at nanatiling nakatingin sa'kin pero hindi na seryoso kundi inosenteng tingin na ang ginawa niya.

Siraulo talaga tong alalay na'to!

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya upang lumabas at bahagyang lumapit sa'kin.

"Tungkulin kong ihatid ka, Miro-Hime kaya sumakay kana."Pormal niyang sabi.

"Sino ba ang amo sa atin?!"Panunubok ko sa kanya.

"Kayo po, Ojou-sama."

"Oh yun naman pala eh! Kaya inuutusan kitang wag mo kong pake-alaman!"Sabi ko sa kanya atsaka naglakad na palayo.

"Pero, inutos sa'kin ni Master na bantayan kayo ka---"Humarap ako sa kanya at pinutol ko na ang sasabihin niya. "Edi siya ang isakay mo sa kotse mo! Wag mong subukang sumunod!"Tumakbo nako para makalayo na. SYETE! WALO! SIYAM! SAMPU! NAKAKAIRITA YUNG ALALAY NAYUN!

Tumingin ako sa likod ko para matiyak na hindi na susunod yung alalay na'yon. Nang matiyak ko na ay nagpatuloy nako sa paglalakad.

Pero...laking gulat ko na lang ng bigla kong umangat.

*Gasp*

"HOY!!!!! IBABA MO KO!!!! ANO BA!!!!"Nagsisisigaw ako at pinagpapalo ang pwet niya na katapat ng mukha ko na halos maamoy ko na pero mabango naman.

Binuhat niya kasi ako na parang sako. Ugh!!!

Narinig ko lang siyang nagchuckle.

"BWISIT KANG ALALAY KA! PAGSISIHAN MO TO!!! SASAKALIN TALAGA KITA!!! IBABA MO KO! IBABA MO KO!!!"

"Haha! Wala kong naririnig!~"Pakanta niyang sabi.

Aaaaaaaargh! Iniinis talaga ko nitong hayup hayop na lalaking to!

Shet Ash! Kumalma ka! Mamatay ka sa high blood!

Binuksan na niya ang pinto ng kotse at dun ako dahan dahan inupo sa tabi ng driver seat at sinarado na niya agad ito.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon