† Kabanata 9 †

3.6K 90 8
                                    

************************

I dedicate this chapter to miss Liohona :D Siya po si @dReAm_gUrL12 ang babaeng pinapangarap ng lahat na  magandang ate ni batang cute..batang mabait at batang maganda nasi @Whenzhie.   (ifollow niyo sila.. :D mabait yan.. NANANAPAK XD)

 

 Para sau tong chap. nato Liohona :) dahil ika'y napakasupportive...etong sayo! XD 

*************************

 

† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH): Kabanata 9 

 

 

 

Tahimik lamang na sumunod si Ash at Mika sa kanilang guro na wari'y may maitim na usok na nakapaligid sa awra nito.

"MGA ANIMAL!!! MAGSITABI KAYO!"Nagitla ang lahat ng estudyante sa hallway gayundin sina Ash at Mika na nasa likod lamang ng kanilang guro. Ang lahat ay nagbigay daan kay Ma'am Karyle. Hinintay nilang lumakad muli si Ma'am Karyle ngunit hindi parin ito gumagalaw.

"ANO PANG TINUTUNGA-TUNGANGA NIYO?! MAGSIPASOK KAYO SA ROOM NIYO!!!"Lahat ay nagsipasok sa kani-kanilang room na halos mangatog ngatog ang kanilang mga tuhod dahil sa pagsigaw ng dalagang guro sa kanila.

Muli ng lumakad si Karyle. Tanging tunog lang ng takong ng sapatos ang maririnig sa madilim na hallway. Patuloy lamang ang paglalakad ng tatlo. Hindi malaman ni Ash kung san ba sila dadalhin ng guro. Hindi naman niya magawang magtanong dito dahil nakakatakot ang awra nito.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa ipinakitang pagbabagong anyo sa kanila ng kanilang guro na si Karyle. Gayun din si Mika ay nagulat din. Hindi niya inaasahan ang mga nangyari kanina lamang. Sa ilang taong pagkakakilala niya sa gurong ito ay ngayon niya lamang nakita kung pano magalit ito. Nakakatakot nga ito kung tutuusin pero malaking kasalanan parin kay Mika ang pangengealam ng guro sa kanya. Ang mga pake-elamera ay binibigyan ng leksyon. Wala siyang pake-alam kung guro man yan o kahit sino pa yan. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang mga pake-alamera.

Napayukom ng kamay ang dalaga at natuon ang tingin nito kay Ash pabalik sa guro.

Isang ngiting malademonyo ang gumuhit sa labi ng dalaga.

 

 

[Building No.29 : (4th Floor)Detention Room No.4]

 

 

"Pasok."Utos sa kanila ni Ma'am Karyle.

Nagdadalawang isip si Ash kung papasok ba siya sa loob o tatakbo na lamang palayo dahil nakakadama siya ng takot sa silid na ito na punung puno ng mga kalalakihang estudyante. Napakadilim sa loob at napakatahimik. Oo nga't may ilaw sa silid ngunit hindi parin ito sapat para makita ang mukha ng mga tao sa loob.

Samantalang si Mika naman ay walang pag-aalinlangang pumasok. Sabagay, bakit nga naman siya mag-aalinlangan eh madalas siyang tambay dito. Mas gugustuhin pa nga niyang manatili dito kaysa makinig sa mga walang kwentang guro.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now