† Kabanata 24 †

2.3K 58 8
                                    

†Takai Toraburu(Trouble High): Kabanata 24†

 

 

  

† Zuren's Pov †

 

"Ojou..."Bulong ko na ako lang ang tanging makakarinig ng sinabi ko habang nakasilip sa nakaawang na pintuan ng kwarto ng Ojou.

[ Info.

 Name: Zuren Smith

 Age: 18 y.o

 Sex: Male

 Nationality: 50% Filipino - 50% Canadian ]

 

 

Lagi nalang siyang ganyan. Sa tuwing uuwi kami sa mansyon ay didiretso siya sa kwarto niya at muling pagmamasdan ang larawan ng kapatid n'ya. Napabuntong hininga ako. Dahan dahan kong sinara ang pintuan at dumiretso na'ko sa kwarto ko na tapat lang ng kwarto ng Ojou.

 

Nang maisara ko na ang pintuan ng kwarto ko ay hinagis ko ang bag ko sa gilid ng kama at patihaya akong humiga. Tinanggal ko ang salamin ko at inilagay sa bedside table.

Muli nanaman akong napabuntong hininga. Pinagmasdan ko ang larawan na nasa bedside table.

"Yui..."

Ilang taon... ilang taon narin tayong magkasama,

 ilang taon narin akong naninilbihan bilang butler mo.

Pero...napakaraming taon narin ang lumipas nung una kitang makitang ngumiti.

 

 (a/n: Ang mga may sign na  *  ay mga  "Flashback" lol!)

* 11 years ago. (A 7 y.o Yui and Zuren.)

 

 

 "Zuren!"Tumakbo ang napakagandang batang babae papalapit sa'kin ng marinig akong umiyak nito. Nadapa kasi ako at mabilis na nagkaroon ng dugo sa kanang tuhod ko at nakaramdam din ako ng matinding kirot.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now