† Kabanata 32 Part 1 †

2.3K 60 2
                                    

***

A/n: Confirmed! Lutang nga ako. XD

TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH):KABANATA 32 Part 1†

Lei's Pov

Nasa Clinic kami ngayon ni Ash. Dito ko siya dinala dahil narin sa pananakit ng ulo niya. Kaming dalawa lang ang nandito. Pagkatapos kasing asikasuhin ni Eugene si Ash ay lumabas ito agad. Psh. Hindi manlang nagpaalam sa'kin.

Mahimbing na natutulog na ngayon si Ash habang ako naman ay nakaupo sa upuan dito lang sa tabi ng clinic bed niya na kinahihigaan niya. Binigyan kasi siya ng gamot na parang pain reliever(?) ni Eugene, tapos yun medyo umokay okay na siya.

*Blag*

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa gulat nang bumukas ang pinto.

"Ah-"Hindi ako makapagsalita nang makita ko yung lalaki na tinawag kaninang papa ni Ash, na pumasok dito sa loob at mabilis na lumapit kay Ash.

Muli na naman akong napatingin sa pintuan nang sunud-sunod na pumasok sina Eugene na kasama na sina Riku,Shiro, Ryu, ang Student Council President nasi Saito(Yoshio) at yung iba pang mga malalaki na mukang goons at nakakakatakot na lalaki.

"Miro"Tawag sa kanya nung lalaki na tinawag kaninang papa ni Ash.

Ako naman hindi makapagsalita. Eh ano naman sasabihin ko? Psh.

"Anong nangyari sa kanya?"Balisang tanong nito kay Eugene.

"Bigla nalang daw sumakit ang ulo niya."Saad ni Eugene.

"Hindi lang basta simpleng sakit ng ulo ang nararamdaman niya."Dagdag pa niya.

"Anong ibig mong sabihin?"Saad naman nitong tatay ni Ash.

"Nung tanungin ko siya kanina kung madalas ba siyang makaramdam ng pananakit ng ulo ay oo nga daw. Habang tumatagal...patindi ng patindi raw ang pagsakit nito kaya...may posibilidad ako na nararamdaman na niya ang mga senyales,Master."Saad ni Eugene.

Master?May master pa'to si Eugene? Eh mayaman siya ah? Apo siya ng may ari ng school na'to.

Wala ng nasagot yung tatay ni Ash matapos na sabihin 'yon ni Eugene. Pinagmasdan niya si Ash na mahimbing na natutulog at umupo sa tabi ko. Itinukod niya ang dalawang siko niya sa magkabilaang hita niya tapos tumungo ito at tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay.

Mukhang problemadong problemado 'tong tatay ni Ash. Ngayon, naaawa na'ko sa kanya...di tulad kanina na halos gusto ko siyang sapakin.

"Masmabuting tanggapin niyo nalang na maaalala rin niya ang lahat. Hindi na natin mapipigilan 'yon."Saad ni Eugene.

Napakunot naman ako ng noo at napatingin kay Eugene.

Maaalala? Bakit, may Amnesia ba si Ash?

"Master...ayos lang po ba kayo?"Tanong nung isang lalaki dito sa tatay ni Ash.

Hindi kumibo yung tatay ni Ash. Nanatili lang 'tong nakayuko habang takip parin ng kamay niya ang kanyang mukha.

"Lumabas muna kayo."Bigla niyang pagsasalita. Nakita kong sinenyasan ako ni Eugene na lumabas na kaya lumabas nadin ako.

"Eugene..."Tawag ko sa kanya. Nasa kaliwa ko lang siya katabi ko na nakasandal lang sa dingding dito sa labas ng clinic.

Tumingin naman siya sa'kin. "Hmm?"

"Umm...may Amnesia ba si Ash?"Tanong ko.

Inalis na niya ang tingin sa'kin atsaka tumango.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora