† Kabanata 15 †

2.7K 86 9
                                    

†TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH): KABANATA 15†

"Aaa!"

"Ahahaha!"

"Aaa! *Cough*"

"Kung sinunod mo sana ang sinabi ko edi sana hindi ka napaparusahan!"Sabi ni Mika at muli ako nitong sinipa sa tiyan.

Hindi ko sinunod ang pinapaggawa nila Mika sa'kin dahil 'Hindi ko kaya'.

Hinila ni Camille ang buhok ko pataas.

Sh.t!

"Hindi naman mahirap ang pagpatay sa babaeng 'yon diba?!"

Itinapat ni Camille ang mukha ko sa nakangising si Mika.

"HINDI PALA MAHIRAP! BA'T HINDI KAYO ANG GUMAWA?!!!"Sigaw ko kay Mika na puno ng galit. Hindi ko na mapigilan ang galit na naipon sa kanila.

Napasinghap ako sa gulat ng makaramdam ako ng isang matalas na bagay na dumaan sa kaliwa kong pisngi. Nagulat nalang ako ng makaramdam ako ng hapdi at sakit. Mabilis ding tumulo ang dugo mula sa pisngi ko.

Nginisian lamang ako ni Mika.

"Bitawan mo."Utos ni Mika kay Camille. Binitawan na ni Camille ang buhok ko at kasabay nun ang marahas na paghawak ni Mika sa mukha ko.

Hawak niya ang isang blade na ipinanghiwa niya sa pisngi ko.

"Panu na 'yan ngayon? Ang usapan ay usapan. Pasensyahan nalang tayo, Lei. Dahil sa di mo naman sinunod ang pinapagawa namin sa'yo...eh...magpaalam ka nalang sa kapatid mo."Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay may kinuha siyang papel mula sa bulsa ng palda niya at hinagis niya ito sa mukha ko.

"Sadya ngang napakasuwerte mo sa kapatid mo."Nakangising saad ni Mika.

"Mamimiss ko si Sadie,

Lei."Mapang-asar na sabi ni Mika kasabay nun ang mga tawanan nila. Muli na silang naglakad palayo sa'kin.

Naiwan akong nakaupo sa lupa. Naiwang tulala sa papel na nasa tapat ko. Kinuha ko 'yon.

Mabilis na nagkaroon ng tubig sa mga mata ko ng mabasa ko ang pangalan na nasa papel.

"Sadie"

Nang buklatin ko ang papel, nakita ko ang pamilyar na drawing. Drawing na hindi mo aakalain na guhit ng isang limang taong gulang na bata.

Napahagulgol ako ng iyak habang tinititigan ko ang drawing ni Sadie.

Drawing na may maliit na batang babae na nakahawak sa isang matangkad na babae.

Sa ilalim ng drawing ay may nakasulat na... "I Love You, Ate"

Sadie....

Napayakap na lamang ako sa papel na hawak hawak ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko.

"Sa..die"

"Sh.t!"

Nagulat ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Napatingin ako sa may kaliwa ko. Nakita ko si Ash na may benda sa ulo . Humahangos at patakbong lumapit sa'kin.

Pano niya nalaman na nandito ako?

"Sh.t"Muli niyang pagmumura ng hawakan niya ang kaliwa kong pisngi kung sa'n hiniwa ni Mika gamit ng blade. Hindi ko na nagawang magsalita o tanungin siya kung anung nangyari sa kanya at kung bakit may benda sa ulo niya. Nakatitig lamang ako sa kanya. Kitang kita ko ang galit at panggigil sa mukha niya.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now