† Kabanata 12 †

3.4K 92 31
                                    

*****************************

a/n:

Ang chapter na ito ay nakadedic. kay..."Tenteneneeeeeeen !xD" kay @addictedZ  :D  Yow dude! Eto na po.

Salamat pala sa pagtxt. Napangiti mo 'ko sa cnabi mo. ^_^

*pasensya na po kung natagalan mga katropa xD dapat sa wed. q na to naiud eh...eh...nagloko c google dahil kay maring XD kaya ngaun lang!  :D BOO! BASA NA PO! :) ayun ung pic. ni Ryu Sawada, ang pinaglalawayan ni Miro. > 3>

***************************

+TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH): KABANATA 12 +

Matapos ang pangyayaring 'yon sa room ay mabilis na kumalat ang balita sa loob ng school kaya pati sa Guidance ay nalaman ang ginawa ko kaya pinatawag ako agad.

"Haaay!... Alam mo ba na naaalala ko sayo ang sarili ko. Lalo na yung ginawa mo sa classmate mo."Nakinig lamang ako kay lola na Guidance Counselor dito.

"Nakuuuu...nung mga panahon ko. Mas malala pa diyan ang ginawa ko."Pagbibida niya. Akala ko sesermonan ako.

"Sinaksak ko yung nambastos sa'kin. Ilang saksak din yun. At take note...classmate ko din 'tong nangmanyak sa'kin,Iha."Tiningnan ko yung orasan na nasa wall.Malapit na ang Math. *Blag!*

 Nagulat ako ng paluin ni lola ang lamesa niya.

"Pero, sa kasamaang palad nakaw eh hindi pa natodas! Tsk! Pero wag ka ineng! Sa dinami rami pa ng lalakeng makakabiyak ko eh yung manyak na'yon!"Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lola. Yung nangmanyak sa kanya ay soulmate niya pa?!!!

Ngumiti siya sa'kin. "And that's the  story of our everlasting love!"Sabi niya na magkahawak pa ang kamay niya at parang may iniimagine.

PUTO'TKUNTYINTA NAMAN TO SI LOLA OH!!!!!

"Sa sobrang pagmamahal namin ni Roberto ay nakabuo kami ng labing limang napakagaganda at napakagwagwapong mga supling.Haaaay!....ka'y sarap mabuhay.  Yun bang tipo niya ay Maginoo pero Sobrang bastos!~"Mangiti-ngiti niyang sabi sa kawalan. Napangiwi naman ako sa matandang 'to. YUCK! "At alam mo ba? Sa edad kong 58 eh nakabuo pa kami! At kambal pa! 1month and 2 weeks na!"Tuwang tuwa niyang saad. Luh!  Sinara ko agad ang nakanganga ko ng bunganga sa sobrang gulat.

Nagkwento pa siya ng nagkwento.

Bwisit! Sana di nalang ako pumunta rito. Umubo ako para mapansin niya. Halata namang nagulat siya at biglang inayos ang salamin sabay biglang seryoso ng tingin sa'kin. Ang weird.

"Naiintindihan ko ang dahilan mo kung bakit mo nagawa ang gano'ng bagay pero hindi parin tama ang ginawa mo, miss Tanaka. Sige na, maaari ka ng bumalik sa room mo." Napanga-nga naman daw ako sa bigla niyang sabi. Yun na yun?! Tsk! Takte!

Umalis na'ko at naglakad na sa madilim na hallway.

Ramdam ko ang mga bulungan at tinginan ng mga estudyante dito. Dire-diretso lang akong naglakad. Hanggang ngayon gulat parin ako sa nagawa kong 'yon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at bakit ako nakagawa ng ganun kabrutal. Oo! Alam kong may dahilan naman ako kung bakit ko nagawa 'yon. Hinipuan ako nung manyak na'yon kaya hindi ko rin masisisi kung bakit nagdilim ang utak ko. Grabe!

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Dumiretso ako sa Public Lavatory ng Girls at dun naghugas ng kamay.Andito parin kasi ang bakas ng dugo mula sa manyak na'yon. "Tsk! Ash, pwede namang sipain siya sa ari niya at hindi yung putulin! Ugh!"Mainis inis kong sabi habang madiin diin kong kinuskos ang kamay ko habang nakatutok sa tubig...sa may gripo. Buti nalang at walang tao dito.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now