† Kabanata 2 †

6.2K 187 22
                                    

TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH): KABANATA 2


*Tik...tik..tik...tik...tik.* Tulo na nanggagaling sa gripo.

"Hmm..."

*Tik...tik..tik...tik...tik.*

*Pak!* Tunog ng aking tsinelas nang hampasin ko yung ipis na abala sa pag-ire. Konti nalang kasi lalabas na yung anak niya eh inunahan ko na. Hinampas ko agad. Patay.

I smirked. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa gripo.

*Tik!*

Grrr....

*Tik! Tik! Tik! Tik! Tik!*

"F.ck!"Di nako nakatiis. Tumayo nako sa inidoro at kinuha yung timba na may laman na tubig na kakarampot. Binalibag ko ito sa banyo.

Takte! Halos mag-iisang oras na ng maghintay ako dito habang pinuputakte ng mga lamok pero hanggang ngayon di parin napupuno tong punyet.ng timba nato!

Lumabas nako ng banyo at iniwang nakahandusay dun ang mga ipis na pinatay ko pati na yung timba na nanlilimahid sa dumi. Binalibag ko ang pinto sa sobrang inis.

*Blaag!*

Walang kwentang apartment! Leche! Wala naman akong mapakinabangan dito!
Kinamot ko ng buong pwersa ang braso ko na kinagat ng mga g.gong bampirang insekto(lamok).

"Tsk! Kati!" Sa susunod ako naman ang kakagat sa inyo. Makikita niyo!

"Pano ako makakaligo nito?" Hindi ko pa naman matiis na umalis ng di-naliligo. "Tsk."

Pumasok ako sa kwarto. Binuksan ko yung maleta ko at hinanap ko yung Katana ko na balak kong ipagbili para magkaroon ng pera. Nang makita ko na kinuha ko ito at lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa sala at umupo sa may sahig. Walang upuan eh. Tinitigan ko'to. Magkano kaya pagbinenta ko'to? Ang tanong, may bibili kaya nito sa bansang to? Pero, hindi ko ito pwede ibenta kasi ito nalang ang naiwang alaala sa'kin ni mama.

FLASHBACK (6 y.o. Ashley Miro Tanaka)

"Mahal," malumanay na tawag ni mama kay papa. Lumapit sa kanya si papa na may namumugtong mata.

Bahagyang ngumiti si mama kay papa. Matagal silang nagtitigan bago nila ilipat ang kanilang tingin sa akin.

"Mama...Papa"sabi ko ng may pagtataka sa aking mukha dahil hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit umiiyak si papa.

Muling tumingin si papa kay mama at ito'y lumabas na ng kwarto.

"Miro." tawag sa akin ni mama. Tumingin ako sa kanya at pinunasan ko ang sipon ko gamit ang laylayan ng aking damit.

"Ma..*sniff*"sabi ko kay mama at lumapit na sa kanya. Pilit akong umakyat nun sa kama niya kahit na diko abot.

Naramdaman ko namang may humawak sa bewang ko at iniakyat ako sa kama. Lumingon ako. Si papa. Nanlaki ang mga mata ng makita ko ang hawak ni papa.

"Ma!"Lumapit ako kay mama nanakaupo sa kama at niyakap siya. Umiyak ako sa sobrang takot.(Muka kasing mamamatay tao si papa.)

"Papa!"sabi ko kay mama habang nakaturo kay papa. Tinawanan lang nila ko.

"Haha! Miro, wag ka matakot kay papa."sabi ni mama habang pinupunasan ang pisngi ko na basa ng luha. Nginitian ako ni papa.

"*Sniff*Papa?"tawag ko.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now