Pangil sa Pangil

43 1 0
                                    

    Nakagat si Tilde ni Bagwis at doo'y magkasama silang nakadapa ni Alasik sa lupa at mag-abot ang kanilang mga mata,pilit na kinikilala ni Alasik ang lobo sa kanyang harapan ngunit tuluyan na siyang nawalan ng malay.Natigil ang lahat sa kanilang pag-aawayan at nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa dalawang nasa gitna nila,ng magsalita si Bagwis.

"Muli.. aking napatunayan kung gaano ako kagaling aking kapatid.. kahit kailan ay hindi mo ako matatalo dahil ang tunay na pinakamakapangyarihan sa lahat ay ako.. mamamatay kang duwag at walang dangal Alasik! katulad ng iyong iniibig na si Dorotea.. nagpakahangal kayo na mamuhay kasama ang mga tao.. pinili ninyong maging mahina.. kaya kailan man ay hindi ka nababagay sa mundong ito! ako ay isang lobo kaya ako ay walang kapantay.."

Nakapikit na pinakikinggan ni Alasik ang mga pagsigaw ni Bagwis ngunit mas nangibabaw sa kanya ang boses ng katangi-tanging tao sa kanyang puso,ang boses ni Tilde.

"Alasik.. kailangan mong maging matapang.. labanan mo ang kahinaan sa loob mo.. labanan mo siya bilang tunay na ikaw at hindi kung ano ang tingin nila sa iyo."

lingid sa kaalaman ng lahat ay unti-unting binubuo ni Alasik ang kanyang sarili,inalala ang kanyang inang si Liba na pinagmamalaki siya kahit na ano pa siya at si Dorotea na walang ibang hiling kung hindi ang maniwala siya sa kanyang sarili.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at nagsimulang tumayo sa kanyang pagkakadapa,nakita niya si Tilde sa anyo nito bilang isang lobo at pinayuhan ito na magtago at iligtas ang kanyang sarili saka niya hinarap si Bagwis bilang lobo ngunit ipaglalaban ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga natutunan sa kanyang buhay,dire-diretso ang kanyang pag sakmal sa katawan ng kanyang kapatid,at walang pumipigil sa kanilang labanan.Inipon ni Alasik ang kanyang lakas ng walang tulong ng tubig ng bukal,at inisip na ang tunay na malakas at magiting ay hindi nasusukat sa kapangyarihan,kung hindi sa sarili mismong kakayahan.

Dumating ang mga pulis at ang grupo nina Bert,isa-isang pinagbabaril ang mga lobo na kanilang makita hanggang sa pigilan sila ni Samuel sa kanilang mga ginagawa.

"Tigil! itigil niyo 'yan.. baka mapatay ninyo lahat.. hindi lahat ng lobo dito ay masasama.. sumama kayo sa akin at ituturo ko sa inyo kung alin ang mga dapat ninyong barilin.."

Sa halip na bala ang ipinangtama ng ilang mga pulis,naisip nila na gamitin ang kagamitan na dinala ni Samuel para sa mga lobo,ang eksperimento kung saan magiging tao ang lobo na matataman nito.

Wala silang pinalampas kahit na ma kakampi ni Alasik ay pinatamaan nila,at doon ay naging tao ang ilan at nanghina na hindi nila inaakala,naging mas madali sa mga pulis na posasan ang mga ito dahil sa wala itong kakayanan na makipaglaban bilang mga tao sa maikling panahon na epekto ng gamot.At sa puntong iyon,naisalin din sa katawan ni Aragon na nagdala sa kanya sa pagpapalit ng anyo sa unang pagkakataon,walang kalaban-laban at walang kaidi-ideya sa dapat niyang gawin.

"Aragon? alam kong ikaw iyan,sa tingin mo ay hindi kita makikilala,ikaw ang pumatay sa aking ama at sa aking asawa! maraming beses na kitang nais dakpin,at ngayon ay nahulog ka sa bitag ng aking eksperimento,sa sarili mong pinakaiingatang tubig ng bukal.. na pinaniniwalaang nagbibigay ng kapangyarihan ngunit winawasak naman ang iyong buong katauhan.. daig nga naman ng matalino ang makapangyarihan na sa pangil lang ang pinagmumulan."

Hindi makaganti si Aragon dahil nataakot siya sa maaaring gawin ng mga kasangkapang baril ng mga pulis kaya nanatili siyang tahimik habang ang kanyang mga anak ay patuloy na pinapatay ang isa't-isa sa gitna ng gubat.Hanggang sa makarating sila kung saan nagsimula ang lahat,sa isang patibog,matalim at malalim na patibong na bakas pa ang sugat na dinulot ng kahapon,hanggang sa ang nakaranas nito ay ipinaranas sa kanyang kalaban ang kanyang naramdaman ng walang pag-aalinlangan.

Nahulog si Bagwis sa malalim na bangin na may matatalim na kahoy at hindi napigilan na matusok ng mga ito ang itaas na bahagi ng bungo ni Bagwis na naghantong sa kanyang kamatayan.Huminga ng malalim si Alasik at iniwan ang kanyang kapatid na wala ng buhay,kanyang binalikan ang kanyang mga kasamahan ay naabutan na ang karamihan dito ay naging mga tao,hinanap niya si Tilde na nananatiling lobo sa kanyang paningin,kasama si Samuel,sina Bert at ang mga pulis na ngayon lamang nakasaksi ng kahiwagaan ng Sitio Santo Domingo.Nakita rin ni Alasik ang kanyang ama na nakagapos at tila ay nahihirapan kaya,naisip niya na oras na upang siya ay tumayo sa bato ng pamunuan ng lupon ng mga lobo.

"Natapos na ang isa na namang digmaan na hamon sa atin ng kabilugan mg buwan at ng mahiwagang bukal.. nagapi na natin ang ating mga kalaban ngunit tandaan natin na sa ating mga sarili ang tunay nating kalaban,ang ating mga maling paniniwalaan na nagdala sa atin sa kapahamakan,hindi kaduwagan ang piliin natin ang makakabuti para sa ating lahi,walang masama kung handa natin ipaglaban ang inyong ninanais,ang bukal na matagal ng naging sanhi ng kaguluhang ito ay hindi ang tunay na kapangyarihan,dahil ito ay nagpapahilom lamang sa ating mga sugat ngunit hindi sa kung ano tayo!"

Sa makatuwid,ang bukal ay isang palamuti sa kamalayan ng isang lobo at hindi ito ang bumubuo sa kanilang tunay na pagkatao,dahil dito nagkasira ang mga tao at ibang uri ng nilalang,nagkawatak-watak ang pamilya,nag ambisyon at naghangad ng mataas,ngunit ito rin ay naging paraan upang baliktarin ang mga bagay na nakikita lamang ng mga mata ngunit hindi ng puso.Na kayang maghilom ng sugat kahit na pansamantala upang maligayahan lamang ang isang nilalang sa kanyang mga huling sandali,isinasalin ang iyong kalooban sa tunay na nararamdaman ng iyong katawan gaya na lamang ng pagtanggap at pagnanais ni Tilde sa yakap ng kanyang ina sa mga panahong nangungulila siya dito.At sa pgkakaroon ng kakayahan na pahinain nito ang iyong loob,pinakamahinang kalaban ay ang iyong sarili na nagpabago ng iyong mga inaasahan.

Sa tulong ni Samuel,bilang doktor ay napanatili niya ang lihim na bumabalot sa tahimik na lugar ng Sitio Santo Domingo lalo na sa mundo ng mga taong-lobo,sa pangunguna ni Alasik.Ligtas na nakauwi ang lahat ng mga mag-aaral at mga kasamahan nito lalo na ang mga pulis,ngunit bago pa man sila makalabas ng Sitio Santo Domingo,pinainom silang lahat ng tubig sa bukal at kanilang maaalala lamang ay ang pagpunta nila doon ng walang bakas ng mga kaalaman tungkol sa mga lobo.Nailagay sa tahimik ang magkabilang mundo,ngunit iniisip pa rin nila ang kaayusan nito para sa kanilang mga hinaharap,masinsinang kinausap ni Alasik ang kanyang mga kaibigan lalo na sina Bert at Chikoy.

"What's up?"

Natawa na lamang ang lahat sa sinabi ni Alasik sa kanila,kung kaya ay hindi nila maiwasang yakapin ito bago sila tuluyan na magpaalam.

"So ano na Alasik? Matagal-tagal na naman tayong hindi magkikita nito? pero hayaan mo hindi kami makakalimot sa'yo bro! lalo na kapag kinasal na kayo ni Tilde.."

Nagpatuloy ang kasiyahan ng lahat sa napakatirik na sikat ng araw,hanggang sa nagpaalam na sa kanila ang kanilang mga kaibigan,at ang tanging tanong na lamang ay paano na sila mabubuhay sa ayos na ito? kung si Kyle ay nananatiling tao?

"Anong gagawin ko sa Maynila kung ako lang mag-isa sa bahay? di naman ako makakapayag na maiwan si Kyle dito.. kaya naisip ko na ilipat ang ospital sa lugar na ito.. dito mas kailangan tayo,mas malawak pa ang kaalaman na maibibigay natin sa mga lobo at mga tao.."

Dahil sa desisyon na iyon ni Samuel,ibinenta niya ang lahat ng kanyang pagmamay-ari lalo ma ang kanyang ospital at kanyang malaking tahanan kapalit ng pagpapaunlad sa komunidad ng Sitio Santo Domingo,na lahat ng mga nakatira doon ay makikinabang.Paaralan,ospital at mga makabagong bahay at istruktura ngunit pinapanatili pa rin na pribado para sa kaligtasan ng bukal at ng mga lobo na naninirahan sa lugar na ito para sa susunod na henerasyon ng iba't-ibang lahi.

"WAKAS."

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now