Katunggali

31 3 0
                                    

Biglang dumating ang isang lobong kapatid nito na si Alasik, at pinigilan ang mga plano nila laban sa nag-iisang mortal.

"Bagwis! — Ano na naman ang iyong ginagawa? Pinapatawag na ang lahat ni Ama. Ihanda mo na ang iyong sarili, at ako na ang bahala sa mortal na ito."

"Ako na ang bahala sa kanya, Alasik. — Hindi mo na kailangan na maging tagapagtanggol ng isang hamak na hapunan."

"Hindi mo ba ako narinig? Ako na nga ang bahala sa kanya! — Kung ayaw mong magalit sa iyo si Ama, mabuti pa na magtungo ka na."

Nagkaroon ng matalim na tingin si Bagwis tungo kay Alasik, tanda ng kanilang hindi pagkakasundong magkapatid sa lahat ng mga bagay. Sa pagkawala ni Bagwis sa paningin nila, masinsinang kinausap ni Alasik si Samuel, at matapang na pinaalis ito.

"Maswerte ka na nakarating ako agad sa mga oras na gutom na gutom ang kapatid ko sa inyong mga — Kaya mas mainam na ikaw ay umalis na at hindi na tumapak pa sa aming teritoryo, hindi ka nararapat na tumungo sa masukal at delikadong lugar na ito."

"Bakit hindi ka yata katulad ng mga lobong gustong kainin ako? Isang kalmadong lobo, isang nakakagulat na bagay para ako ay ipagtabuyan mo lamang."

Hindi pa rin makapaniwala si Samuel na kaharap niya ang mga lobong aktuwal na nagsasalita. Ang akala niya ay kathang-isip lamang ang mga ito, at walang makakapagpatunay. Sa kabila ng pagtaboy nito sa Doktor, hindi ito pinakinggan ni Samuel at tahimik nitong sinundan ang taong-lobo patungo sa dulo ng bundok, kung saan ay marami pa ang mga lobo na naghihintay sa kanila sa isang tila maliit na komunidad.

"Anong klaseng lugar ito?"

Natuklasan ni Samuel na ang mga lobo ay tila mga tao rin, na may mga kubo at sariling maliit na baryo. May malaking bato na pumapagitna sa lahat, kung saan ay nakatingala ang lahat sa iisang lobong nakatapak sa batong iyon, sa pamumuno ni Aragon.

"Ngayon ay ganap ng lobo ang aking mga anak na sina Bagwis at Alasik. Ngunit isa lamang sa kanila ang nararapat na tumuntong sa biyak na bato, at ang lobong iyon ay dapat may lakas at tapang, bangis at pagnanais na manguna sa lahat. — Simulan na ang paligsahan sa susunod na pinuno ng lupon ng mga lobo!"

Nakita ni Samuel kung paano nag aaway-away ang mga lobo para lamang sa iisang trono, kagaya ng mga tao para sa iisang posisyon. Pangil sa pangil na nagpasiklaban ang magkapatid na sina Alasik at Bagwis habang ang lahat ay sinisigaw ang kanilang mga pangalan. "Bagwis!" dito,"Alasik" doon, hanggang sa nagdudugo na ang kanilang mga katawan, bakas ng walang pigil na labanan na kanilang matagal na pinagsanayan.

Unti-unti nang nanalo si Alasik sa laban na iyon, ngunit ng akma na niyang kakagatin si Bagwis, ang lahat ng kanilang atensyon ay nabaling sa ingay na nagmumula sa tagong bahagi ng damuhan, kung saan ay nahulog si Samuel sa kanyang inaakyatang puno.

"Isang tao!"

"Puntahan ninyo!"

Matapang na sinugod ng ilang lobo ang damuhan at hinihintay na lumabas ang nilalang na nakatago sa lilim na bahaging iyon. Hanggang sa ibinunyag ni Samuel ang kanyang sarili at agad naman siyang iniharap sa pinunong si Aragon.

"Batid kong matagal ng natapos ang labanan, nanalo na ang aking anak na si Alasik! — At bilang susunod na pinuno, aking ibabahagi sa iyo bilang iyong unang katay, ang pagkaing nasa iyong harapan."

"Ngunit hindi natin natapos ang labanan at ritwal, Ama? — Hindi ko papatayin ang mortal na iyan dahil hindi ako ang tiyak na panalo."

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now