Kabilugan ng Buwan

27 1 0
                                    

  Nakita ni Alasik na nakakulong si Kyle sa gitna ng maraming lobo na nakapaligid sa kanila,ilang oras na lamang at lalabas na ang kabilugan ng buwan,kaya inisip niya na magkasundo silang lahat bago pa malaman ni Bagwis ang kanyang ugnayan sa isa sa mga bihag.Ngunit paano niya iyon gagawin kung matindi ang galit nito sa kanya simula pa noong sila ay mga bata.

"Kung hindi nga naman ang magiting na si Alasik ang aking nasa harapan! Buhay ka pa pala? Ang lakas ng loob mo na bumalik.. para ano? agawin sa akin ang trono na para sa akin?"

Mahinahon na pinakiusapan ni Alasik ang kanyang kapatid na pakawalan ang kanilang mga bihag,ngunit hindi ito sumang-ayon,agad na nagsalita si Aragon at matapang na pinagtabuyan ang kanyang tinakwil na anak.

"Ama! hindi ko nais na humanap ng gulo.. alam kong itinakwil ninyo ako noon ngunit nandito pa rin ako ngayon at bumabalik kung saan ako nanggaling dahil isa akong lobo! kayo ay aking ama,at pamilya ko kayo.. hindi ako isang tuta na sumusunod sa aking pinuno.. - nang ako ay nawala,namuhay ako bilang isang normal na tao at natutunan ko sa kanila kung paano mamuhay ang isang pamilya,hindi natin kailangan na maglaban para lamang sa isang torneyo? pinipili nating magbigay para sa kasiyahan ng isa,kaya iyon ang hindi ko tatanggalin sa iyo Bagwis,ngunit para sa mga kalahi kong nasa aking paligid,mayroon kayong pagkakataon na magdedisyon sa inyong sarili,magbago ng kinasanayan,at isipin ang kinabukasan ng inyong pamilya,nanaisin niyo ba na pumatay ng mga walang kamuwang-muwang na bata,habang nakikita ng inyong mga anak na kinakain ninyo ang mga tulad nila? mga bata.Ipaglaban ninyo kung ano ang  nararapat,kung mabubuhay pa ba kayo sa madugong digmaan na ito o iwasan ang pagdanak ng maraming dugo? isipin ninyo hindi lamang ang inyong mga sarili kung hindi ang karapatan ng iba."

Nagtinginan ang mga lobo sa kapwa nila mga lobo,ilang minuto ang nakalipas at isa-isa na ang mga ito na lumipat sa panig ni Alasik.

"tama si Alasik! hindi natin kailangan na sumunod sa iisang lobo lamang,may kanya-kanya tayong desisyon upang mabuhay,hindi natin kailangan na maghirap dahil malaya tayong puntahan ang daan na ating tatahakin,nasilaw lamang tayo sa mga salita ng ating pinuno kahit alam natin sa ating sarili na ito ay mali! Kailan ba tayo huling naging mapayapa? noong nabubuhay pa si Bardos! na pinatay ng sarili nating pinuno na si Aragon.. imulat ninyo ang inyong mga mata.. kung mananatili tayong nakasunod kay Bagwis? matatanggap niyo ba na patayin tayo ng ating sariling mga kalahi?"

Sa kabilang banda,tinipon na ni Tilde at Samuel ang lahat ng mga kabataan at mga matatanda sa iisang lugar,habang nagsisimula ng maging mabangis ang mga nagbabalat-kayo sa kanilang paligid.Sa kabutihang palad,nakarating na ang tulong na hinihintay ni Alasik na dumating,ang grupo ng kanyang mga kaibigan na nasaksihan ang pagpapalit ng anyo ng mga tao na naging mga lobo.

"Shit! hindi sinabi ni Jimboy na apocalypse pala ang giyera na papasukin natin.. well bahala na nga.. tara guys! go! go! go!"

Isa-isang binaril ng mga kaibigan ni Alasik ang mga lobo na nakapaligid sa mga tao,nakita nila si Samuel at Tilde at binigyan nila ito ng armas upang maprotektahan ang iba pa nilang mga kasama.

"Umakyat ang ilan sa bundok,naroon si Jimboy kasama ng ilang mga bata.. doblehin ninyo ang inyong pag-iingat,malapit na ang kabilugan ng buwan."

hindi alam ni Bert at Chikoy kung matatakot  ba sila sa sinasabi ni Samuel,ngunit ng matapos nilang lahat ang mga lobo na nagtangka na patayin ang mga tao,agad silang umakyat sa bundok at maingat na naglakad patungo sa dulo nito.Nakarating sina Bert sa may tagong bahagi ng kagubatan,ng hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.

"Whoa!! Ang daming mga lobo nito.. nasaan na ba si Jimboy kasi.. mahihirapan tayong iligtas ang mga bata.. how many minutes before Midnight?"

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now