Kasinungalingan

25 0 0
                                    

   Isang buwan na ang nakakalipas ng maging opisyal na magkasintahan sina Alasik at Tilde,naging masaya si Alasik na nagkaroon siya ng panahon na isantabi ang mga bagay sa nakaraan at mabuhay sa kasalukuyan,hindi niya inisip na tao si Tilde at siya ay lobo.Naging mas malapit pa si Alasik kay Kyle at hinayaan na protektahan niya ang mga ito,at sa pagbalik ni Samuel,tila nanibago agad siya sa kanyang paligid.

"Oh? how are you? how was everyone around here? did I missed something? Jimboy? Tilde?"

Napatingin na lamang si Alasik at Tilde sa isa't-isa habang nakita ni Samuel na magkahawak sila ng kamay,huminga ng malalim si Alasik at sinundan si Samuel sa opisina nito na tila ay seryoso ang nasa isip.

"Hmm.. Samuel? gusto ko sanang sabihin na.. nagkakamabutihan na kami ni Tilde.. alam kong pino-protektahan mo siya pero alam mo rin na hindi ako isang banta sa inyo.. hindi ko siya sasaktan."

nagdalawang-isip si Samuel sa kanyang mga nalaman,at napagtanto niya na hindi masama ang pakikipagrelasyon ni Alasik sa kanyang anak,lalo na at hindi lamang si Tilde ang makikinabang.

"sige! pumapayag ako sa relasyon ninyo ni Tilde,but if you hurt her.. sasaktan kita kahit na lobo ka pa."

masayang umalis ng kwarto na iyon si Alasik at maging si Samuel ay hindi naiwasang mapangiti,hindi dahil siya ay lubos na natutuwa,kung hindi dahil sa kanyang pansariling kasiyahan lamang.

"unti-unti ka ng nahuhulog sa bitag ko Alasik! kapag nagkataon.. ang bukal ang magbibigay sa akin ng kapangyarihan.. I'll be powerful than ever,hindi lang ako babayaran para magpagaling ng hayop.. kahit na mga tao ay magmamakaawa sa akin na gamutin ko sila.. what can you do now Dad?"

saad ni Samuel sa kanyang sarili habang kanyang tinatanaw ang larawan na nakapaskil sa kanyang harapan sa isang bakanteng pader,kung saan ay naroon ang larawan ng kanyang ama na walang iba kung hindi si Lolo Efren.Ang kauna-unahang mortal na naglakas ng loob na makapasok sa mundo ng mga lobo at masaksihan ang kapangyarihan ng tubig ng bukal.

Noong bata pa lamang si Samuel,pinangarap na niya na maging isang doktor katulad ni Lolo Efren,ngunit nakatuon lamang ang atensyon ng kanyang ama sa mga bagay na kathang-isip lamang,base sa mga pinaglumaang mga pahayagan,mga larawan ng mga lobo na nagkakatawang tao.Sinunod niya ang bilin ni Lolo Efren na bigyang importansya ang buhay ng mga nilalang,hindi lamang ang tao kung hindi maging sa mga hayop,kaya ng namatay si Lolo Efren,ipinagpatuloy niya ang pagpapalago ng ospital,kahit na maliit lamang ang porsyento na bumabalik sa kanya,ginawa niya ang lahat upang hanapin ang mga bagay na naiwan ng kanyang ama,ang pananaliksik tungkol sa mga lobo,at ang tungkol sa bukal na nagbibigay ng kakaibang lakas.Si Alasik ang paraan upang muli siyang makabalik sa Sitio Santo Domingo,at kung matalo man nito ang kanyang kapatid na si Bagwis,hindi lang mga hayop ang kanyang matutulungan kung hindi mga taong nais pa na dugtungan ang kanilang buhay,sino nga naman ang hindi magbabayad ng malaking halaga kung kaya kang pagalingin sa iyong malubhang sakit?

May mga naging kliyente na si Samuel sa mga panahong nagkaroon siya ng tubig ng bukal,nagbayad ito ng Milyong-milyong halaga na nagpayaman sa kanya ngayon ngunit kulang pa ang tubig na mayroon siya upang maging opisyal na ang pagbibigay niya ng lunas sa bawat karamdaman na mayroon ang buong mundo.

Samantala ay malaya ng naihahayag nina Alasik at Tilde ang kanyang relasyon,ngunit nananatili pa rin walang pangalan ang relasyon na mayroon sila,ano nga ba sila? kahit na lagi silang nagkakasama,kahit na laging  niyayakap at hinahalikan nila ang isa't-isa,pakiramdam pa rin nila na may harang sa kanila na hindi nila matibag-tibag.

"Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagmamahal sa'yo? I don't want this to end.. Jimboy?"

tila may ibang iniisip si Alasik ng mga oras na iyon at hindi niya narinig ang mga sinasabi ni Tilde,kaya biglang nailang ito ng kanyang mapansin.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now