Tiwala

26 2 0
                                    

   Nang matutunan na ni Alasik ang pagmamaneho,sinamahan siya ni Bert na maglibot sa kahit saan parte ng buong Maynila,nagkaroon sila ng masinsinang usapan tungkol sa mga bagay na hindi pa niya gaanong alam at nais na madiskubre sa kanyang sarili.

"alam mo Jimboy.. noong una kitang makita lagi kang naiilang.. parang hindi mo alam ang nasa paligid mo,ganoon na ba talaga ka-remote ang pinanggalingan mo? I mean.. hindi mo ba naranasan na mabuhay sa City? No offense pero kasi ang weird lang."

isinaysay ni Alasik ang mga simpleng bagay na kanyang naranasan,hindi man direkta sa buhay niya bilang lobo kung hindi sa buhay niya bilang si Alasik,inisip niyang kaya niyang pagkatiwalaan si Bert sa ibang mga personal na bagay.

"Hindi e. Lumaki ako sa probinsya na kasama ang mga magulang ko at ang kapatid ko.. nang namatay ang aking ina.. dinala ako ng tatay ni Tilde dito.. tatlong buwan pa lang ako dito kaya maliit pa lang ang aking natututunan.. marami pa akong dapat na malaman na alam kong may alam ka Bert.."

napahagulgol na lamang sa kakatawa si Bert sa mga salita ni Jimboy at agad niyang naisali si Tilde sa kanilang usapan.

"Anong alam ko? grabe ka naman.. mahina kaya ako sa mga bagay-bagay.. lalo na pagdating sa mga babae.. ikaw ba? talagang kaibigan lang ang tingin mo kay Doktora Tilde?"

May parte sa pananalita ni Bert na kinagiliwan ni Alasik lalo na nang banggitin nito ang pangalan ni Tilde.Hinayaan niyang tuksuhin siya ni Bert hanggang sa naging seryoso na sila sa kanilang mga naging usapan.

"pwera biro.. hindi mo ba talaga nagugustuhan si Tilde? maganda naman siya at mabait.. o baka meron ka ng ibang iniibig aking kaibigan.."

Biglang naalala ni Alasik ang nag-iisang babae sa kanyang puso,walang iba kung hindi si Dorotea.

"meron nga kaibigan.. siya si Dorotea.. pero matagal na siyang patay.. hindi ko na pinag-uusapan ang tungkol sa mga bagay na iyon,ngunit alam ko na ikaw ay aking maaasahan.."

Nang naihatid na ni Alasik si Bert sa bahay nito,agad niyang naisipan na sunduin si Kyle kung saan ito nag-aaral,pagdating niya ay naroon na ang tagasundo nito ngunit wala si Tilde,naisipan niyang dumaan sa ospital at magbaka sakali,nang makita niya ito sa labas na tila ay hinihintay si Kyle mula sa eskwela.

"Tilde? Hmm.. paumanhin kung naparito ako,aking naabutan si Kyle na sinusundo ni Manong kaya naisipan ko na ako nalang ang sumundo sa'yo.. maaari ba tayong mag-usap?"

Tumango lamang si Tilde at matagal bago nagsalita sa harapan ni Alasik ng biglang may humablot ng kanyang dalang bag,tumakbo ito ng malakas ngunit ito ay nahabol pa rin ni Alasik,binigyan niya ito ng matinding suntok ngunit hindi siya nakailag at nasuntok rin siya ng magnanakaw,pinilit ni Alasik na bumawi at isang beses na binigyan ng suntok sa mukha ang magnanakaw na iyon hanggang sa matumba ito at mawalan ng malay.

Hinintay nila na dumating ang pulis na tinawagan ng guwardiya ng ospital at saka sila kinunan ng kanilang panig dahil sa pangyayari,naibalik ang bag ni Tilde at maayos silang umalis sa presinto.Madilim sa loob ng sasakyan ngunit kitang-kita ni Tilde ang sugat sa mukha ni Alasik,bigla siyang nakonsensya sa ginawa nito para sa kanya,ngunit alam niyang hindi pa siya handang maging kaibigan ito sa mga oras na iyon,lalo na dahil ito ay isang lobo.Sa halip na sila ay umuwi,naisip ni Alasik na ipasyal si Tilde sa isang lugar na itinuro sa kanya ni Bert,tahimik at maaliwalas at kaunti lamang ang taong napapadpad doon.

"Ang ganda dito Jimboy.. saan mo nakita ang lugar na ito? sa ingay ng City.. may lugar pa pala na kasintahimik nito?"

saad ni Tilde kay Alasik na halatang namangha sa lugar na iyon,inimbita niya ito na maghapunan sa labas ng napakagandang tanawin ng ilaw ng buong siyudad,sa isang mesa na para sa kanila,ibinigay ng serbedora ang mga libro ng pagkain na kanilang pagpipilian.

"maganda nga dito.. si Bert ang nagturo sa akin sa lugar na ito,kapag nais niyang mapag-isa dito siya laging pumupunta.. masyado ngang pormal.. nakakailang."

Ang mga mata ni Tilde ay napalitan ng awa habang nakikita niyang isinasalaysay ni Alasik ang buhay na bago pa lamang sa kanyang mga pananaw,kanyang siniguro na maayos lamang ang lahat at hindi niya kailangan na mailang.

"It's good to know that Bert introduce you to new things.. naging magandang impluwensiya kayo sa isa't-isa.. masanay ka na maging pormal,pero para hindi ka mailang,you just have to be yourself.."

sa buong gabi na iyon,sa magandang hapunan at sa maaliwalas na paligid,hindi nakalimutan ni Tilde na magpasalamat sa ginawa ni Alasik nang manakaw ang kanyang bag at ilang segundo lang ay may iniabot ito sa kanya,ang kanyang kwintas na ilang araw na niyang hinahanap.

"Sa'yo ito,hindi ba? nakita ko ito sa sasakyan at balak ko sanang isauli sa iyo ngunit naramdaman ko ang iyong pag-iwas.."

kinuha ni Tilde ang kwintas na bigay sa kanya ng kanyang pumanaw na ina,nagpasalamat siya kay Alasik at itinago na ang kwintas na ito at nagmadaling lumabas at hindi na tinapos pa ang kanilang kinakain,sinundan siya ni Alasik sa sasakyan at inalam ang bagay na nakapagpasama ng loob nito.

"May problema ba? anong bumabagabag sa iyo? May nasabi ba akong masama.."

Wala pa rin imik si Tilde ng bigla siya nitong hinalikan,nabigla si Alasik sa pangyayari kaya hiniwalay niya ang kanyang sarili kay Tilde.

"I'm sorry.. I am si sorry.. hindi ko gustong gawin iyon.. kalimutan mo na lamang ang mga nangyari.. let's go home.."

pinaandar ni Alasik ang makina ng sasakyan ngunit matagal bago niya naisipang tapakan ang gas nito,tahimik lang sila sa kanilang buong biyahe at nang makauwi sila ay tulog na ang lahat ng mga kasama nila sa bahay.

Naunang bumaba si Tilde ng sasakyan at naiwang tulala si Alasik,hindi niya iyon inasahan lalo pa na wala siyang naramdaman sa mga halik na iyon,mas nanaig sa kanya ang alaala ni Dorotea habang hinahalikan siya ni Tilde.

"hindi mo maaaring kalimutan na iisang nilalang lamang ang iyong minamahak Alasik! huwag kang manakit ng damdamin ng iba.."

Bago siya tumungo sa kanyang kwarto,ilang saglit siyang huminto sa pinto ng kanyang silid at inisip ang mga bagay,hanggang sa mapagtanto niya na hindi niya dapat ginawa iyon kay Tilde ngunit hindi niya pa rin handang kalimutan si Dorotea dahil lamang sa mga halik na iyon.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now