Eksperimento

35 2 0
                                    

   Isang araw na lamang bago ang pag-alis ni Alasik patungo sa pag-eensayo upang mapalakas ang kanyang sarili malayo sa kapangyarihan na kanyang nakasanayan,Pinuntahan niya si Samuel sa Laboratoryo nito upang humingi ng dispensa sa mga nangyari.

"Pasensya ka na kung inisip mong binastos ko ang iyong anak.. hindi ko balak na gawin iyon kay Tilde dahil kaibigan ko siya,at kayo lamang ang kaibigan ko sa mga oras na ito,napangunahan lang ako ng aking damdamin.."

napailing na lamang si Samuel habang kinukuhanan niya ng dugo si Alasik para pag-aralan ito,upang alamin ang kanyang kahinaan at lakas.

"Tsk! Tsk! Tsk! kahit anong gawin ko sa iyo Alasik,hindi mo pa rin tanggap na ikaw ay isang tao na.. paminsan-minsan iyong tandaan na ang pagkataong mayroon ka ay ang nagdulot sa iyo ng matinding pasakit.. pansamantala mong ituon ang iyong sarili sa kung ano ka ngayon.. at hindi dahil isa kang lobo magiging lobo na rin ang tao.. hindi."

Naintindihan ni Alasik ang mga sinabi ni Samuel,sa pagdating ng gabi,bago siya umalis sa susunod na araw,kanyang kinausap ng masinsinan si Tilde,inimbitahan niya itong mamasyal bago man lang siya umalis,napahinto sila sa may luneta park at doo'y naglakad-lakad.

"Tilde? tungkol nga pala sa pag iwas ko sa'yo? humihingi ako ng kapatawaran,alam kong hindi tama ang ginawa ko.. kaya bago man lang ako umalis,nais kong humingi ng patawad.."

Tinapik ni Tilde ang balikat ni Alasik,naalala ni Alasik si Kyle na ganoon rin ang pagtrato sa kanya kapag bumababa ang tiwala niya sa kanyang sarili,tunay nga na mag-ina si Kyle at Tilde.

"Ano ka ba? wala naman sa akin iyon.. I was the one to blame,alam kong may mali sa mga nasabi ko,saka hindi naman kita gaanong kilala e feeling ko,nahusgahan kita agad."

inayos ng dalawa ang mga gusot na nagkaroon sila,ang kanilang pamamasyal ay naging maganda at masaya at hindi nila namalayan na masyado ng gumagabi.Bilog ang buwan at ang ilan sa mga asong gala na nasa kalye ay tumatahol,naalala niya bigla ang sinabi sa kanya ni Samuel "..ituon mo ang iyong sarili sa kung ano ka ngayon.." napatigil si Tilde habang tinitingnan niya si Alasik na tila nawalang saglit sa kanyang sarili,naramdaman ni Alasik na gusto niyang tumahol dahil ang bilog na buwan ay ang palatandaan ng sigla at liwanag.

Inayos niya ang kanyang sarili at nagpatuloy na sa paglalakad nila ni Tilde,ngunit si Tilde ay walang ideya sa mga nangyayari sa kanya na labis na nagbigay ng kaba dito.Naupo sila at pinag-usapan ang kanyang mga iniinda,at kung ano ang posibleng sakit na mayroon si Alasik,ngunit itinanggi lamang niya ang lahat at ni nais na lamang na umuwi.Sa kanilang pag-uwi,agad na nagkulong si Alasik sa kanyang kwarto,nakita sila ni Samuel sa may hagdan at pinagtaasan lamang niya ng kilay si Tilde na walang kamalay-malay sa mga nangyari.

"anong nangyari doon?"

Pinakiusapan ni Tilde ang kanyang ama na mag-usap sila ng masinsinan tumgkol kay Alasik,sa tunay nitong pagkatao.

"what is going on here,Papa?! sino ba talaga si Jimboy? Nung una kaming magkita he was bleeding so bad.. the next.. na offend siya sa mga sinabi ko tungkol sa tao.. and now? may pinipigilan siyang mangyari sa katawan niya? who is he? he is weird.. tell me the truth.. is it about the wolves again? is he... a wolf?"

sa dami ng sinabi ni Tilde sa kanyang ama,isa lamang ang sinagot ni Samuel sa kanya na ikinagulat nito ng labis.Noong bata si Tilde nabuhay na ito sa paniniwala tungkol sa mga aong-lobo,at kinalakihan na ang ma kwento na ito,at ngayon ay hindi siya makapaniwala na tunay na taong-lobo na ang kanyang kaharap.

"That's it! alam kong masyado kang curious pagtungkol sa kanya,he will not harm us,wala siyang kapangyarihan na maging lobo dahil itinakwil siya ng sarili niyang mga kalahi.. ako lang ang tanging paraan para makabalik siya sa kanila.. kaya ginagawa ko ang lahat para matuto siya sa paraan na mayroon siya ngayon.. bilang tao!"

Dahil sa mga nalaman ni Tilde,hindi niya maiwasan na matakot,hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak,na naging matalik na kaibigan na ni Alasik.Kinabukasan,maagang nagising ang lahat upang magpaalam kay Alasik sa kanyang pag-aaral sa isang institusyon,matagal siyang mawawala kaya pinayuhan na lamang siya ni Samuel sa kanyang mga dapat gawin.

"tandaan mo ang mga binilin ko sa iyo,Jimboy! magpakumbaba ka kung kinakailangan.. hindi mo kailangan na maging matapang sa training na ito,at kapag alam mo na ang iyong gagawin,saka mo isipin kung ano ang unang hakbang na gagawin mo,mag ingat ka!"

Niyakap ni Samuel si Alasik at nagpaalam na dito,niyakap rin ni Kyle ito at panghuli ay si Tilde na bakas ang pag-aalala.

"mag-iingat ka.."

Humayo na si Alasik at buong biyaheng pinagmamasdan ang bago niyang paligid,tila bumalik na naman siya sa daan ng dati niyang pinagmulan,at hindi mailarawan ang kanyang nararamdaman.

Habang nasa pag-eensayo si Alasik,masinsinang nag-usap si Samuel at Tilde tungkol sa mga plano nito,lalo na ngayon na isa na namang eksperimento ang gagawin ng doktor,sa dugo na kinuha niya sa katawan ni Alasik at sa tubig ng bukal na kanyang nakuha ng siya ay tumakas mula sa mga lobo na gusto siyang kainin.Nagtaka si Tilde sa mga ngiti ng kanyang ama na parang may nakita itong kakaiba at hindi kapani-paniwala.

"Pa? is there something wrong? anong nakikita mo sa Microscope?"

masayang ipinasilip ni Samuel kay Tilde ang bago niyang na diskubre,ang kamangha-manghang nangyari sa kasaysayan ng siyensa.

"Nakita mo? sample 'yan ng dugo ni Jimboy.. at tubig na nanggaling sa bukal.. interesting! biglang nilamon ng tubig ang dugo ni Jimboy.. ang tubig ang dahilan kung bakit siya malakas at nagiging lobo o kahit ano pa man.. kapag walang tubig,isang normal na tao lang siya."

hindi pa rin maintindihan ni Tilde ang sinasabi ng kanyang ama,ngunit ang tanging alam lamang niya ay hindi tao si Jimboy kung hindi isang lobo.Ilang minuto ng kanilang lisanin ang laboratoryo,ang dugo na nilamon ng tubig ay siyang umukupa na ngayon sa makapangyarihang tubig ng bukal,sa makatuwid,isang panibagong hiwaga ang nakapalibot ngayon sa tunay na katauhan ng isang lobo,na nakaligtaang malaman ng doktor na nakadiskubre nito.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now