Kampo

35 2 0
                                    

  Ito ang unang araw kung saan ay mag eensayo na si Alasik at ang unang pagkakataon din na makihalubilo siya sa mga tao,isa-isang tinawag ang kanilang mga pangalan at nang lumapit si Alasik sa linya ay sinagi siya ng isang lalaking tila ay nagmamadali,iba ang amoy ni Alasik dito hanggang sa naging agresibo na ito sa kanya.

"ano ka ba? lalamya-lamya.. stupid!"

humigpit ang kamao ni Alasik na tila kanyang pinipigilan ang kanyang galit,nang maalala niya ang tinuro sa kanya ni Samuel.

"Jimboy Ortiz?"

tawag ng isang lalaki sa kanyang pangalan,agad siyang tumungo sa mesa at sinabi ang kaunting impormasyon na kinailangang malaman ng kanyang mga magiging guro sa kampo na ito.Pagkatapos ng pagpapakilala sa kanila ng kanilang magiging guro,agad silang hinati sa mga grupo upang makasama nila sa kani-kanilang mga kwarto,nagpakilala sila sa isa't-isa at tila ikinailang iyon ni Alasik.

"Jimboy? tama ba? huwag kang mahiya,magkasama tayo dito.. bago lang din kami saka naninibago.. ako nga pala si Bert Cruz! gusto kong magsundalo pero hindi pa ako handa sa mabibigat na training.. kahit na pinipilit kong sundin ang sinasabi ni Dad para ipagmalaki man lang niya ako.."

Napatingin si Alasik kay Bert at tinapik ang balikat nito.

"Ayos lang 'yan.. Bert? Kaya tayo nandito hindi para maging matapang.. nandito tayo para matutong lumaban para sa ating mga sarili.."

Ang ilan na nagpakilala kay Alasik ay napahanga sa kanyang mga malalim na mga salita,agad silang nagkasundo at nagtulungan sa unang araw ng kanilang pag-eensayo.

"Attention! Attention! Scouts! Welcome sa ating taunang Military Excercises.. this is the first step patungo sa inyong mga pangarap na maging sundalo ng bansa.. maraming obstacles,training courses,at mga activities.. na magpapatibay ng inyong mga katawan at isip.. and each of you will be graded according to your performances.. kaya pagbutihan ninyo ang lahat hanggang sa matapos ang dalawang buwan na ito."

Wala man maintindihan si Alasik sa mga sinabi ng kanilang guro,ang nasa isip niya lamang ay ang gumaling siya sa pag esnsayo at pagpapalakas,upang makabalik na siya sa Sitio Santo Domingo at bawiin ang posisyon na dapat ay kanya,at maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ina.Ang unang kanyang aktibidad ay ang pagsuong sa mga mahihirap at matatarik na obstacles at pabilisan sa pagtapos ng lahat ng iyon,kasama ang kanyang mga kagrupo,kung nasaan naroon din si Bert,nakalaban niya ang lalaking naalala niyang sumagi sa kanya na tila ay nagyayabang.

"Oh? here comes the stupid again.. ako pa talaga ang kakalabanin mo.. siguraduhin mo lang na hindi ka lalamya-lamya.."

Ipinamalas agad ni Alasik ang kanyang galing sa pagtakbo ng mabilis,kasunod ang kanyang mga kasamahan na may hindi nalagpasan ang kanyang bilis,una siyang nakarating sa unang hamon sa kanila,ang pag-akyat sa lubid mula sa kaliwa hanggang sa kabilang kanan,naisip ni Alasik na hintayin sina Bert at paunahin itong umakyat habang nauuna na sa kanya ang lalaking kanyang kalaban.Nang dumating na sina Bert at nag alangan na umakyat ang ilan sa kanila at iyon ang nakapagpabagal sa kanilang pagkakapanalo.

"natatakot 'yung iba.. may takot yata sila sa heights.. iwan mo nalang kami.. nauunahan ka na ng iba nating kalaban.."

Sa halip na gawin ni Alasik ang sinabi ni Bert,nanatili siya hanggang sa lumakas ang loob ng ilan sa kanyang mga kasama.

"Huwag kayong matakot,mababa lang iyan at mas madali kaysa sa pag-akyat sa puno.. isipin ninyo na nasa lupa ang mga kalaban ninyo.. mas ligtas kayo kung nasa itaas kayo.. sundan niyo lamang ako."

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now