Beterenaryo

29 3 0
                                    

   Isang linggo pa lamang si Alasik sa poder ni Samuel at nakukuha na niya ang mga bagay na dapat niyang maintindihan gaya ng kung paano kumilos ng isang tao at magmukhang normal sa paligid.Unti-unti na rin niyang nakikilala ang mga taong kanyang kasama sa iisang bubong,si Samuel na isang doktor ng mga hayop at may-ari ng ospital na para lamang sa mga hayop,na isa siyang beterenaryo.Ngayon ay si Tilde na ang namamahala ng lahat dahil nakatuon na si Samuel sa pananaliksik at pag alam ng hiwaga na hindi ninais na ipaalam pa ni Samuel kay Alasik.

Sa halip na magmukmok sa malaking bahay,naisipan ni Samuel na ipasama si Alasik sa kanilang ospital,habang naninibago pa siya sa lugar na malayo sa kanila,ipinaintindi rin ni Samuel na walang alam si Tilde tungkol sa mga taong-lobo kaya hindi siya maaaring magkwento sa kanyang tunay na pinanggalingan,lalo na sa una nilang pagkikita.

"Jimboy will come with you,para na rin hindi siya matigilan sa bahay na ito,he explore more about our place.. mas mabuti na rin para may kasama si Kyle sa opisina habang abala ka.."

pumayag naman si Tilde na isama si Alasik sa ospital,at habang nasa biyahe sila,ramdam ni Tilde ang katahimikan ni Alasik na nakatingin lamang sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan.

"May problema ka ba Jimboy?"

tanong ni Tilde sa kanya na iniwasang sagutin ang lahat ng mga tanong nito.Hindi dahil sa wala siyang pakialam kung hindi dahil ay wala siyang masabi sa kanyang harapan.

"ayos lang ako."

Buong biyahe ay walang nagsalita sa kanila,kahit na ang batang si Kyle ay hindi maintindihan ang katahimikan na naroroon,hinawakan niya ang kamay ni Alasik at nginitian.

Pagdating nila sa ospital ay maraming mga uri ng hayop ang bumungad sa kanila,nangangailangan ng lunas sa iba-iba nitong sakit,ikinagulat ito ni Alasik at namangha sa bawat kanyang madaanan,doon ay hindi natanggal ang tuwa sa kanyang mga labi,lalo na ng makita niyang nakangiti rin si Tilde sa kanya na gulat na gulat sa mga nangyayari.

"OK ka lang? kanina parang wala ka sa mood 'tapos ngayon? masaya ka na naman.. sana lagi kang nakangiti para maaliwalas kang tingnan.."

Nang akmang papaalis na si Tilde ng kanyang opisina,bigla niyang naisipang magsalita.

"Mood? anong mood? - Hmm natuwa lang ako sa lugar na ito,may doktor pala para sa mga tulad namin.. ang ibig kong sabihin para sa mga.. alaga.. sa mga aso?"

Bago isara ni Tilde ang pinto at iniwan si Kyle at Alasik,nginitian niya lang ang mga ito at tila iba ang pakiramdam ng tinitigan niya si Alasik.

"you're weird."

Pagkatapos nilang mag-usap diretso na agad kay Kyle ang atensyon ni Alasik,at tinitingnan ang mga ginagawa nito,hindi niya maiwasan na usisain ang pinagkakaabalahan ng bata.

"ano iyan? gumagalaw ang nasa loob? at saka may mga kapangyarihan din sila? saan sila nakakuha ng kapangyarihan nila?"

Maging ang batang si Kyle ay nagtaka sa mga pagtatanong ni Alasik,na parang wala itong alam sa mga mobile games at ipads,madalas na naglalaro lang sa makabagong teknolohiya si Kyle,at kapag siya ay nasa paaralan,mga libro lamang ang kanyang kaharap at sa kagandahang aral na itinuturo ni Tilde sa kanya,isa si Kyle sa matatalinong bata sa ikalimang baitang,ilang oras pa bago ihatid ni Tilde si Kyle sa paaralan nito kaya nakapag-usap muna ang tila magiging bagong magkaibigan.

"Mobile legends po ito Kuya Jimboy,at ito naman po ay Ipad.. regalo sa akin 'to ni Mommy.. ikaw Kuya nasaan na ang Mommy mo?"

biglang natigilan si Alasik,iniintindi niya ang mga salita na hindi niya mawari,ng napagtanto niya na si Tilde ang tinutukoy nitong "Mommy" naalala niya agad ang kanyang ina na si Liba,at kung paano ito namatay sa kanyang mga kamay.

"wala na ang "Mommy" ko,namatay siya bago ako nakarating dito.."

Tinapik ni Kyle ang balikat ni Alasik na parang matandang pinapakalma ang kanyang kaibigan,napalitan ng ngiti ang muntik na pagluha ni Alasik at nagpatuloy na sila sa kanilang ginagawa,tinuruan siya ni Kyle kung paano laruin ito at hindi nila namalayan na dumating na pala ang oras para umalis si Kyle.Kinailangan na rin bumalik ni Alasik sa bahay kung nasaan si Samuel at nagkaroon ng masinsinang pag-uusap.

Buong hapon sila nanatili sa Lab ni Samuel at pinag-aralan ang paraan kung paano manunumbalik ang kanyang lakas upang magapi ang kanyang kapatid na si Bagwis.Ngunit isa lamang ang alam ni Alasik na makapagbibigay sa kanya ng matinding kapangyarihan at makalaban ng patas sa kanyang karapatan na maging tunay na karapat-dapat na pinuno ng Sitio Santo Domingo.

"ang tubig lang talaga sa bukal? malayong makabalik ka doon ng hindi ka man lang nila napapansin,magiging mahirap para sa atin ang basta na bawiin ang nararapat sa'yo.. kaya may naisip akong paraan."

Iminungkahi ni Samuel na pumasok siya sa isang institusyon upang hasain ang kanyang kaalaman sa pakikipaglaban,hindi siya makakalaban bilang lobo kung kaya ay mag eensayo siya bilang tao.Sa susunod na linggo pa ang kanyang pag-alis,at nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makasama si Samuel sa iisang bahay,nakikipaglaro na siya kay Kyle at masinsinan na nakikipag-usap kay Tilde ng masaya.

"Salamat sa pagtrato sa akin na parang hindi ako iba.. sana ay lahat ng mga tulad niyo ganito sa akin.. iyon bang hindi tinitingnan ang pagkakaiba ng bawat isa.."

tila ay lumalalim ang mga panananlita ni Alasik na napansin na naman ni Tilde,madalas ay hindi pa rin niya nakukuha ang mga istilo ng bawat tao na kanyang makasalamuha.

"Hmmm? bakit iba? hindi naman kita dapat tratuhin na iba dahil kaibigan ka ni Papa,kaibigan ka ng anak ko.. kaibigan kita.."

naramdaman ni Tilde na naging seryoso na rin siya sa kanyang mga sinabi kaya nakuha niyang magbiro kay Alasik na tila hindi nito nagustuhan.

"..at saka tao ka naman di ba? kaya hindi ka iba.. ikaw talaga Jimboy.."

Tumayo si Alasik sa kanyang kinauupuan sa tabi ng malaking swimming pool ng bahay ni Samuel,iniwasan niya agad ng tingin si Tilda na nawala ang ngiti sa mga mukha noong napagtanto niya na tila may nasabi siyang mali.

"kaibigan nga ba kita? paano kung iba  nga talaga ako? - Magandang gabi na lamang sa iyo."

Agad na umalis si Alasik at pumasok na sa kanyang kwarto ng makita siya ni Samuel at binalaan sa kanyang mga ikinikilos.

"nakita ko kung paano mo iniwasan ang anak ko,huwag mong babastusin ang anak ko Alasik.. anak ko pa rin siya.."

Natapos ang gabing iyon na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang lahat at ni hindi makatulog si Alasik sa kanyang mga ginawa,ni walang alam si Tilde sa kanyang tunay na pagkatao at ganon na lamang ang kanyang inasal,napangunahan siya ng kanyang sarili,kung ano nga ba talaga siya,tunay na hindi siya isang tao,nagbabalat-kayo,sapagkat isa lamang siyang lobo na pilit isinisiksik ang kanyang sarili sa mundo na hindi naman para sa kanya.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now