Alaala

25 1 0
                                    

   Makalipas ang isang linggo ng pag-iwas ng tingin ni Tilde kay Alasik,napansin iyon ni Samuel kaya nagkaroon sila ng maliit na alitan na naghantong sa hindi nila pagkakaintindihan.Masyadong naging protektado si Samuel sa kanyang pamilya at hindi niya nais na may masaktan sa mga ito o kahit na tumulong mga luha sa kanilang mga mata.

"simula noong mamatay ang aking asawa,wala akong ibang inisip kung hindi protektahan at ingatan ko si Tilde,pero naging biktima ang anak ko ng isang masaklap na pangyayari.. wala akong nagawa.. sa halip na isipin ko kung anong nangyari sa kanya.. nangibabaw pa rin sa akin ang pagprotekta ko ngayon sa kanilang dalawa.. si Kyle."

iyon ang mga salita na narinig ni Alasik mula kay Samuel na nagbukas ng kanyang isipan na tuluyan ng kalimutan ang bagay na hindi na maibabalik pa,ngunit mananatiling nasa kanyang puso ang lahat ng mga alaala.Pansamantalang nawala si Samuel at nagpaalam para sa isang pagpupulong na hindi malaman ng lahat,naiwan si Alasik sa bahay ng walang ginagawa kung hindi palipasin lamang ang araw,hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makasama si Bert dahil pumasok na ito sa pagsusundalo,naisipan niyang tawagan si Chikoy at makipagkita sa isang kainan.

"Oh biglaan ang pagtawag mo sa akin,mabuti na lang at libre ako ngayon,ano ba ang gusto mong pag-usapan?"

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Alasik at inamin sa kanyang kaibigan ang bumabagabag sa kanyang isip,tungkol sa nangyari sa kanila ni Tilde.

"paumanhin kung kailangan ko pa na magkwento sa iyo.. hindi ako mapakali sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa nangyari sa amin ni Tilde.. ano ba ang maaari kong gawin?"

seyosong tanong ni Alasik kay Chikoy na agad na nagbigay ng payo sa kanya.

"Hinalikan ka ng babae Jimboy! dapat na hindi mo iniiwasan iyon! pero sa totoo lang.. kung gaano ka katapang ganoon ka naman kaduwag pagdating sa mga babae.. what's the fuss about? tungkol ba ito sa sinabi ni Bert na girlfriend mo?"

sa gitna ng kanilang seryosong usapan,biglang may tumawag kay Chikoy at naiwan si Jimboy na napapa-isip pa rin sa mga nangyari sa kanila ni Tilde.Pinili niyang sumama kay Chikoy sa buong araw at tumungo muli sa isang bar ng mga nagsasayaw na babae.

Medyo may kapilyuhan itong si Chikoy at sa kanilang magkakasama sa Kampo ay siya naman ang pinakamahina at takot na sumuntok ng kanyang kalaban.

"What? hindi mo ba gusto dito? Sabi mo sa akin hindi mo alam ang gagawin mo,well I say,magsaya tayo kasama sila.. iinom mulang iyan Jimboy.. saka nga pala may surpresa si Bert sa'yo.. para mag enjoy ka naman."

Sinubukan ni Jimboy na iinom ng alak ang kanyang nararamdaman at magdiwang sa gabing iyon kasama ang kanyang mga kaibigan,hindi nagtagal ay dumating na ang surpresa ni Bert at isang tawag sa kanyang telepono mula dito.

"Si Chikoy na muna ang bahala sa iyo Jimboy! basta mag enjoy ka lang.. at huwag mong tanggihan ang regalo ko sa'yo.."

saad ni Bert na nasa kabilang linya ng tawag na agad siyang binabaan,nang matapos ang tawag na iyon isang babae ang dumating sa kanilang harapan at tinabihan si Alasik ng hindi niya namamalayan,at ng iniwan na sila ni Chikoy ay dinala siya nito sa kanyang sasakyan.

Hindi malaman ni Alasik ang kanyang ginagawa kasama ang babaeng hindi niya kilala,pansamantala niyang naaninag ang mukha ni Tilde dito kaya natigilan siya at pinaalis ang babae sa kanyang sasakyan.Nagmaneho siya paalis sa lugar na iyon at nagmadaling umuwi sa kanilang bahay,naalala niyang agad si Dorotea at ang mga halos nagawa niyang pagkakasala dito.Ayaw niyang lokohin ang tanging babae sa mundo na kanyang minamahal,ngunit ayaw niya rin itago ang pagkakaroon niya ng damdamin para kay Tilde na hindi niya maipaliwanag.

Ala una na ng madaling araw ng siya ay makauwi mula sa pagtakas niya sa bar,alam niyang magagalit sa kanya si Chikoy pero wala siyang magawa kung hindi itulog na lamang ang kanyang kalasingan,nakaramdam siya ng hilo ng umaakyat na siya sa hagdan at doon ay narinig ni Tilde ang kalabog ng matumba na si Alasik sa pinto ng kanyang kwarto,lumabas si Tilde at nakita na walang malay si Alasik na nakadapa sa sahig at amoy alak,tinulungan niya itong tumayo kahit na nag-aalangan siya sa bigat nito.At ng makarating na sila sa kama,saglit niyang pinagmasdan si Alasik ng ito ay magising.

"Tilde?"

tanong ni Alasik sa kanya na tila ay kanyang kinatakutan,ngunit hindi na niya napigilan ang iwasan pa ito ng pigilan siya ni Alasik sa kanyang pag-alis.Tumayo ito sa kanyang kinahihigaan at hinarap si Tilde kahit siya ay nakapikit  dahil sa kalasingan at pinipilit na idilat ang kanyang mga mata at hinawakan ang mukha ni Tilde.

"anong ginagawa mo? bitiwan mo nga ako Jimboy!"

Hindi na ninais pa na bitawan ni Alasik ang pagkakataon na iyon at hinalikan agad si Tilde,mariin na halos hindi na makabitaw ang kanilang mga labi,pinipigilan ni Tilde ang mga halik na iyon ni Alasik ngunit ng suyurin na ng kamay nito ang parte ng kanyang katawan ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili.Sumabay na lamang si Tilde sa galaw na iyon at naramdaman ang bawat halik ni Alasik sa kanya,ilang minuto pa ang nagtagal ng tinanggal ng kusa ni Alasik ang manipis na kasuotang pantulog ni Tilde hanggang siya rin ay wala ng suot sa kanyang buong katawan,ang kanilang mga katawan ay nag-abot at naramdaman ang init sa buong gabi.Makalipas ang ilang oras at nakita nila ang kanilang mga sarili na katabi ang isa't-isa sa pagtulog,bago pa mapagtanto ni Tilde na hindi tama ang kanilang ginagawa lalo na kung ito ay malaman ni Samuel.

"Shh! huwag kang mag-alala Tilde,handa akong harapin si Samuel kapag dumating ang araw na malaman niya ang namamagitan sa atin,sa ngayon ay isipin na muna natin ang ating mga sarili.."

Binigyan ng isang madiin na halik ni Alasik si Tilde,tanda ng kasiguraduhan na handa si Alasik na mahalin siya kahit pa alam niya na tutol ang kanyang ama sa kanilang maaaring pag amin.Alam ni Tilde na isang lobo si Alasik ngunit ngayon lang siya nakaramdam na siya ay ligtas sa mga bisig ng isang nilalang na tulad niya,at doon ay inisip niya lamang ang mga oras na kasama niya ang lalaking nagpakita sa kanya ng pagpapahalaga.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now