Unang Pagtibok

25 1 0
                                    

   Pagkatapos ng lahat ng mga pag eensayo,muling nakauwi si Alasik sa bahay ni Samuel,nakita niya ang labis na pagkakaiba ng bahay na iyon mula ng siya ay umalis.Sinalubong agad siya ni Kyle na nanabik sa kanyang pagbabalik,at hinila ang kanyang mga kamay papasok ng kanilang maliwanag na bahay.

"Grandpa! Kuya Jimboy is here.."

hindi alam ni Alasik kung ano ang mga nangyayari,ngunit ng pumasok siya ay may maraming handa sa mesa,mga palamuti at mga regalo,nakita niya na nasa isang malaking papel ang kanyang mukha,kaya napatingin na lamang siya kina Tilde at Samuel.

"Surprise! maligayang pagbabalik.. mukhang nagulat ka nga sa inihanda namin para sa'yo.. ideya itong lahat ni Kyle.. siyempre para sa kanya.. o ano pa ang hinihintay natin? kumain na tayo!"

Naupo silang lahat sa mesa at kumain at nakapagkwentuhan,pagkatapos ay ibinigay na nila ang kanilang regalo kay Alasik dahil sa napakagaling na nagawa nito sa kanyang pagsasanay.Balita pa ni Samuel na si Alasik ang nangunguna sa kanilang hanay,kaya binigyan niya ito ng isang magandang regalo,isang magarang sasakyan at isang bagong cellphone na hindi niya lubos na matanggap dahil sa pagkamangha.

"Ano ito? ngayon ko pa lamang nakita ang ganitong bagay?"

natawa si Kyle sa naging reaksyon ni Alasik at sinabi kung ano ang regalo ng kanyang Lolo sa kanya.

"sasakyan po 'yan Kuya at saka cellphone para kapag malayo ka sa amin,matatawagan ka gad namin,deserve mo po 'yan.. saka kung hindi ka pa po marunong magmaneho tuturuan ka po ni Mommy.."

natigilan ang lahat habang nagtititigan ang tatlong matatanda,agad na sumang-ayon si Samuel sa sinabi nh kanyang apo.

"Right! Kailangan mong matuto na magdrive para hindi ka na sumakay ng jeep o nagpapasundo.. saka kailangan na rin ni Kyle ng tagasundo sa school,palagi nalang kasing abala itong si Tilde.."

humingi ng kanyang pasasalamat si Alasik kay Samuel at agad silang umalis upang mamasyal ni Tilde,pero sa ngayon ay si Tilde muna ang kanyang naging pansamantalang tagapagmaneho.Tahimik lang sila sa buong biyahe hanggang sa maunang nagsalita si Alasik na nagbigay ng kung anong pakiramdam kay Tilde.

"Kamusta ka na?"

hindi pa rin sumagot si Tilde sa kanya at tinango lamang ang ulo nito,nakarating sila sa isang bahay inuman sa may magarang lugar sa Maynila at doon ay inaya siya ni Tilde na uminom,sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkitang muli ang mga landas nila ni Bert na parang kahapon lamang sila ay naghiwalay,binati agad siya nito na nagpailang kay Tilde.

"Uy! Jimboy? Ikaw ba 'yan? parang kahapon lang tayo hindi nagkita.. ang liit nga naman ng mundo.. hali ka,sama ka sa akin,nandito sina Chikoy.."

Napayakap agad sina Alasik at Chikoy sa isa't-isa na pansin ang pag-aalala ni Alasik sa kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang mga pasa sa kanyang mukha at pilay sa kanang kamay nito,napaubo na lamang si Tilde ng mapansin siya ng mga kaibigan ni Alasik.

"Bert.. siya nga pala si Tilde.. kaibigan ko.."

Nabigla si Alasik ng makilala ni Bert si Tilde sa hindi niya malamang dahilan.

"Hmm.. kilala ko siya,anak siya ni Doctor Samuel Ortiz.. si Doctora Matilde Ortiz? sila ang in-demand na Vets sa Manila.. saka iyong mga alaga naming aso,sa ospital nila gumagaling.. ako nga pala si Roberto Cruz.. Bert nalang po."

nakipagkamay si Bert kay Tilde na nailang sa sitwasyon,sa punto na iyon ay sila pa ang inaya ni Bert na uminom,at nakipagkwentuhan sa iisang mesa,habang paikot-ikot lamang ang mga tingin ni Tilde sa kanilang paligid,tila agad na si Alasik ang nagdala sa kanya sa sitwasyon,at nawala siya sa lugar para makisama sa kasiyahan na meron ang magkakaibigan sa gitna ng kanilang pagkukwentuhan,hindi sinasadyang usisain ni Bert ang ugnayan ni Alasik at Tilde sa isa't-isa at pautal-utal naman itong sinagot ni Alasik.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now