Pagbabalat-kayo

23 1 0
                                    

   Hindi natapos ang araw na iyon ng hindi nakumbinsi ni Alasik si Samuel na pakawalan ang mga taong lobo na ikinulong nito,at bumalik sila sa bahay na parang walang nangyari.Bago pa man sila pumasok sa loob ay masinsinan silang nagkasundo sa isang bagay.

"Tandaan mo na tinutulungan kita.. hindi ako gagawa ng ikakasama mo.. magkaroon ka sana ng utang na loob sa lahat ng itunuro at binigay ko sa'yo.."

napaisip tuloy si Alasik sa mga sinabi ni Samuel sa kanya at hindi naiwasang tanungin ang kanyang sarili kung kasama rin ba sa usapang iyon ang ugnayan niya sa anak nitong si Tilde,ng bigla siyang nakarinig ng sigaw at ingay sa loob.

"anong sinabi mo Manong? anong wala si Kyle? saan naman siya pupunta.. Tilde tinawagan mo na ba ang school? this is not happening right now! kailangan mahanap ang apo ko!"

sinuyod na nila ang buong paaralan kung saan ay wala ng taong naiwan simula nang magsi-uwian na ang ibang mga mag-aaral,at ang mga guwardiya na lamang ang naiwan na humarap sa kanila.Iminungkahi ni Tilde na tingnan ang CCTV ng eskwelahan at sakaling malaman nila kung saan nga nagtungo si Kyle.At ng makilala ni Tilde ang isang batang naglalakad patungo sa isang sasakyan agad niyang tinanong sa guwardiya kung saan ito patungo.

"Sa field trip po ang punta ng bus na iyan.."

bumalik sa isip ni Tilde ang pangungulit na ginawa ni Kyle sa kanya noong isang gabi,hindi niya akalain na tinuloy pa rin ng kanyang anak ang mga plano nito,ibinigay ng guwardiya ang kopya ng papel na may pirma ng mga magulang ni Kyle at nakalagay doon ang pirma ni Samuel.

"Pa! look at this! pinayagan mo si Kyle na pumunta sa field trip? alam mo naman na ayaw kong malayo si Kyle at isa pa wala siyang kasama kahit ni isa sa atin.. kung may mangyaring masama kay Kyle hindi kita mapapatawad.."

Binasa ni Samuel ang nilalaman ng papel at nakita ang lugar kung saan ito papunta.

"Sitio Santo Domingo?.."

Ikinagulat ni Alasik ang kanilang mga nalaman at agad siyang bumalik sa kanyang sasakyan at mabilis na umalis upang sundan si Kyle kung saan ito naroon,sinundan nina Samuel at Tilde ito ng may takot at kaba sa kanilang dibdib,habang si Alasik ay halos banggain na ang mga humaharang sa kanyang sasakyan sa pagmamadali.

Tinatawagan ni Tilde ang telepono ni Kyle ngunit hindi ito sinasagot kaya napaiyak na lamang siya habang yakap siya ng kanyang ama na nag-aalala.Kakarating pa lang ng sasakyan na nilalaman ng mga estidyanteng kinabibilangan ni Kyle,sa napakagandang komunidas ng Sitio Santo Domingo.

"OK kids? kumpleto na ba ang mga gamit niyo lahat? sundan niyo nalang si Mrs. Ambrosio,magtatayo tayo ng mga tents at mamayang gabi ay may espesyal na Welcome sa atin ang lahat ng mga taga Community.."

palingon-lingon lamang si Kyle sa buong paligid habang papasok na sila sa komunidad ng maliit na baryo ng Santo Domingo,kung saan nakatira ang mga gutom na mga mata ng mababangis na taong-lobo.Nakarating na sila sa loob ng kanilang pagtatayuan ng mga barung-barong at kasama ang mga kaibigan ni Kyle ay inayos nila ang kanilang mga gamit,hindi naiwasang mapansin nila ang bakod na nasa kanilang likuran,ang bakod kung saanz sa dulo nito ay may naghihintay na panganib,biglang nagkahamunan ang mga magkakaibigan at nagtakutan habang nakatingin sila sa daan na iyon.

"O ano Kyle? ready yourself? explore natin ang nasa gate na 'yan,boring naman kasi dito sa Camp kung kakain lang tayo palagi.. game na kayo mamaya?"

Limang kabataan ang hinamon ang kanilang mga sarili patungo sa kapahamakan ng marinig ng isang matandang babae na nilapitan sila.

"mga bata may problema ba? anong tinitingnan niyo diyan? gusto niyo bang pumunta sa lugar na nandiyan? pwede ko kayong ipasyal ngayong gabi?"

nag isip-isip ang ilan sa kanilang mga bata dahil sa nakakatakot na hitsura ng matanda ngunit naging malakas ang loob ni Kyle na sumama dito.

"Sino na ngayon ang scared sa atin? Ako sasama ako kay Manang? babalik din naman tayo.. dinuduwag kayo agad.."

Pagdating  ng dapit-hapon,palihim na umalis ang limang bata at sumama sa matandang nag presinta na ipasyal sila sa kabilang dulo ng bakod na iyon,ang hindi nila alam ay kapahamakan ang sasalubong sa kanila pagdating nila sa gitna ng masukal na gubat.

Ilang oras lang ang lumipas ng makarating na si Alasik sa Santo Domingo,agad siyang pumasok sa komunidad na pinamamahayan na ng kanyang mga kalahi at naamoy ang marami sa kanila sa kanyang paligid,napansin siya ng isang guro na naghahanap din kina Kyle at sa kanyang mga kaibigan,mabuti na lamang at nakilala agad siya nito.

"Mr. Ortiz? kung hindi ako nagkakamali ikaw ay related kay Kyle..? hinahanap ko kasi sila bigla nalang nawala ang mga batang iyon.."

Nilibot ni Alasik ang buong komunidad hanggang sa mahagip siya ng isang lobo na nakakakilala sa kanya.

"Alasik? ikaw ba talaga iyan? tunay na ikaw ay buhay pa nga.. anong ginagawa mo dito? hindi ka dapat bumalik dito dahil si Bagwis na ang namumuno ng lupon.. at pinagpapatay ng inyong ama ang lahat ng mga taga rito ng ikaw ay mawala.. wala kang laban sa iyong kapatid sa mga oras na ito dahil hindi ka na isang lobo.."

Naisipan ni Alasik na utusan ang kanyang kaibigang lobo na magmasidmasid sa batang si Kyle na sa mga oras na ito ay nasa kalagitnaan na ng kagubatan,habang kanyang tinatawagan si Samuel upang ipaalam ang mga nangyayari.Nagkita sila sa labas ng komunidad upang hindi sila mahuli ng iba pang mga lobo.

"mamayang gabi na ang kabilugan ng buwan,wari ko ay dinala nila ang limang batang nawawala sa lupon kasama na si Kyle,kailangan kong makapasok sa kagubatan na iyon bago pa malagay sa alanganin ang lahat ng mortal sa komunidad na ito.."

Humingi rin ng tulong si Alasik sa kanyang kaibigan na si Chikoy at ang iba pa nilang kaibigan,lalo na si Bert na tumakas mula sa Academy upang tulungan ang kanyang kaibigan na nagkaroon siya ng malaking utang na loob.Alam ni Samuel na magiging isa b malaking piging ang gabing ito para sa mga lobo,na magdiriwang ng kanilang panibagong kapangyarihan,kaya alang-alang sa kaligtasan ng kanyang apo,ibinigay niya ang kahuli-hulihang bote na may tubig ng bukal kay Alasik,ng sa gayon ay manumbalik na ang tunay na katauhan nito.

"iligtas mo si Kyle.. susunod kami sa'yo.. para tulungan ka sa laban na ito,ililigtas namin ang iba.."

kinakabahan na napayakap si Tilde kay Alasik bago ito umalis,binigyan siya nito ng isang halik na nagbigay ng kakaibang sigla sa isip ni Alasik,kanyang ininom ang kaunting tubig na natitira,at ilang minuto lamang mula sa pagiging tao ay nagpalit anyo ito bilang isang lobo.Ikinagulat ito ni Tilde ngunit hindi siya nagkaroon ng takot ng makaharap na niya ang tunay na si Alasik.Tumango na lamang si Alasik sa kanila at tumakbo na ito ng mabilis patungo sa gubat,habamg si Tilde,Samuel at ang ilan sa kanilang mga tauhan ay nagtungo na sa Sitio Santo Domingo upang balaan ang mga mag-aaral at mga guro na naroon na magsi-uwian na.

Mabilis ang takbo ni Alasik,tila naging bago sa kanya ang transpormasyon na iyon,ngunit lakas loob niyang hinarap ang buong lupon na inakala ay tuluyan na siyang nawala.Nagulat ang kanyang ama na si Aragon at ang kanyang kapatid na si Bagwis n kanila na ngayong bagong pinuno,at naghantong lamang ito sa hindi kanais-nais na pagtatagpo.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now