Traydor

30 2 0
                                    

Nang bumalik si Alasik sa kanilang kuta, naabutan niyang nagkakagulo ang mga lobo dahil sa pagkawala ni Samuel. Doon agad siyang umiksena, kaharap ang kanyang mga magulang at ang kanyang traydor na kapatid.

"Bakit nag-aalala ang lahat sa pagkawala ng ating bihag? — Hindi ba kayo nagtataka na may ilang lobo ang wala sa pagtitipon na ito ngayon?"

"At ano naman ang iyong punto, Alasik?"

"Iniisip ko na may nagtataksil sa ating lahat sa lupon na ito! — Dahil para sa kapangyarihan, gagawa't gagawa ang mga ito ng isang patibong para makauna sa atin? — Ano Bagwis? Bakit hindi ka magsalita?"

Napatingin ang lahat kay Bagwis, bakas naman sa mukha nito ang kaba na tila ay siya pa ang may kasalanan sa mga nangyayari. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi siya nagpasindak sa kanyang kapatid at nayos niya ang kanyang sarili at hinarap si Alasik.

"Huh? Ano na naman ang paratang na iyan, aking kapatid? — Bakit ko naman papatakasin ang ating bihag? Hindi mo yata alam, sa una pa lang na kumakain na ako ng mga katulad niya. Ikaw ba? Kailan mo aaminin sa lahat?"

"Magtigil ka, Bagwis! Hindi ako ang pinag-uusapan dito!"

"Aminin mo nang wala kang lakas para kainin ang mga kauri nila! — Sila na pumatay sa ating mga kalahi? Na pinatay ang iyong sinisinta?"

Ayaw na ayaw ni Alasik na pinag-uusapan ang kanyang nobyang si Dorothea, mula noong patayin ito ng mga mangangaso sa kanyang harapan. Ngunit kahit na mga buto man lamang nito ay hindi niya nai-uwi sa kanila sanang tahanan.

Kinamuhian niya ang kanyang sarili kaysa sa mga taong kumuha sa kanyang minamahal. At inisip na lang niya na manahimik sa kabila nito.

Ngunit ngayon, sa ipinakitang kalapastanganan ng kanyang kapatid, parang niyurakan na nito ang kanyang pagkalobo at ang pagmamahal niya sa iisang lobo na labis siyang naiintindihan.

"Ano? Wala kang masabi? Dahil isa kang dakilang duwag! — Duwag ka, Alasik!"

"Hindi ako duwag, Bagwis. Kaya kitang patumbahin ng harap-harapan."

Nagkaroon ng matinding awayan ang magkapatid, walang pumigil sa mga ito na magsakitan. Maging ang kanilang ama na nakatingin lamang sa ibabaw ng bato nito, ngunit ang kanilang ina na si Liba ay labis na kinaawaan ang sitwasyon ng kanyang mga anak.

"Tama na Aragon! Huwag mong hayaan na pangunahan ng galit ng isa't-isa ang ating mga anak. Sila na lamang ang mayroon tayo."

Pinagtawanan lamang ni Aragon ang mga sinabi ni Liba, at pinayuhan ito sa isang bagay na kailanman ay hindi niya maiintindihan.

"Hayaan mong maging matapang ang mga anak ko. Dahil hindi matututo ang mga iyan, kung laging may kinatatakutan. — Inihanda ko na sila para sa araw na ito, hindi nila dapat ako biguin! Hindi nila dapat biguin ang ating lahi."

"Isa kang hangal, Aragon!"

Habang nagpapatayan ang kanyang mga anak, pinili ni Liba na pumagitna sa mga ito at piliting ihinto ang kanilang paglalaban. Sa kasamaang palad ay nasaksak ng mga matatalim na kuko ni Alasik ang kanyang ina, na halos mabuwag ang puso ng kanyang ina sa pagkakahiwa ni Alasik sa kanyang katawan.

"Alasik?"

"Ano ang iyong ginawa sa iyong ina?"

Sigaw ng marami sa kanila ang kanyang pangalan, na may kahalong awa at kaba sa kanilang mga mata. Dumistansya ang lahat sa awayan na iyon, ngunit bago pa man mawalan ng buhay si Liba, naghabilin ito ng mga salita sa kanyang mga anak, lalo na kay Alasik na muling sinisi ang kanyang sarili sa kanyang nagawa.

"Hindi mo kasalanan Alasik. — Ako pa rin ang ina ninyo ni Bagwis, at wala akong tanging hangad kung hindi ang kabutihan para sa inyong dalawa."

"Huwag mo kaming iiwan, ina! — Dadalhin kita sa bukal, mabubuhay ka."

"Ipangako ninyo sa akin na magtutulungan kayo, laban sa tunay na kasamaan ng inyong mga puso. — Mahal na mahal ko kayo aking mga anak.."

Tuluyan ng binawian ng buhay si Liba, at walang naging reaksyon ang kanilang ama tungo dito, ngunit isa lang ang tanging alam nito, at iyon ang pagpatay ni Alasik sa sarili nitong ina.

"Bilang parusa sa iyong pagpatay kay Liba, na iyong ina, tinatanggalan kita ng karapatan na maging aking anak, o kaanib ng lahing ito. — Alasik, ikaw ay pinapatawan ko ng kamatayan!"

"Hindi ninyo maaaring gawin ito sa akin! Kasalanan mo ito, ama!"

Sa halip na magpadakip siya sa mga utusan ng kanyang ama, siya ay kumaripas ng takbo, mabilis na mabilis hanggang sa hindi na siya mahabol pa ng mga lobong sumusunod sa kanya. Nakarating siya sa mismong daan kung saan naghihintay ang patibong na inihanda ni Bagwis at ng mga kasamahan nito para sa kanya.

Hindi niya namalayan ang bangin na inihanda ng mga kasabwat ni Bagwis, at diretsong nahulog siya sa lalim nito at natusok ang kanyang katawan sa sarili niyang gawang mga palaso, na ninakaw sa kanya at itinanim upang tuluyan na siyang mamatay.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas at siya ay nagkatawang tao, sa kanyang pinakamahinang pagbabalat-kayo. Walang kalaban-laban, ni hindi niya alam kung mabubuhay pa ba siya o magiging pagkain na lamang ng mga langgam na nagkalat na sa kanyang paligid.

Nanghihinang katawan at inaabot ang kanyang mga paghinga, biglang may dumating sa gitna ng dilim at sumaklolo sa kanyang nalalapit na paninimdim. Inangat siya nito ngunit hindi na niya maaninag kung sino ang kumuha sa kanya, agad silang nakatakas bago pa man makarating si Bagwis sa kinaroroonan ng nasabing patibong.

"Wala si Alasik?"

"Hmm? — Nanggaling na siya dito! Naaamoy ko pa rin ang kanyang dugo, at batid kong may tumulong sa kanya upang makatakas. At alam ko kung sinong nilalang iyon."

Dahil sa mga nangyari sa lupon ng mga lobo, naging tampulan nila ng galit ang mga tao sa ibabang bakod ng kanilang gubat. Binigla nila ang mga ito sa kanilang pagsugod, at halos wala ng matira sa mga taong kanilang pinagkakain na nakatira doon.

Huling dumating si Aragon at kinausap ang Kapitan na dala ang sarili nitong palaso. Ngunit hindi natakot si Aragon dito,.bagkus sinunggaban niya ito at agad na pinatay.

"Mga taong kahit kailan, hindi marunong sumunod sa usapan. — Iyan ang mga nangyayari sa mga tulad ninyong mapangahas!"

"Ano na ang susunod nating gagawin, ama?"

"Maghintay sa susunod na mga bisita."

Ilang oras pa lamang ang nakalipas at ani mo'y naging isang ordinaryong lugar lamang ang Sitio Santo Domingo. At ramdam ang katahimikan habang ang ilang lobo ay kumakagat sa mga tira-tira na naiwan sa mga naging biktima ng kanilang mga pinuno.

Sila ay nabusog, ngunit ang isip nila ay wala pa rin naging laman kung hindi ang paparating na kinabukasan, at ang pagbalik ni Alasik mula sa kamatayan.

An Arrow's Tooth ( CURRENTLY UPDATING PO! )Where stories live. Discover now