Chapter 34

3.1K 67 0
                                    

Zendra's POV

Nandito na kami ngayon sa waiting area sa lobby ng resort at ready ng magcheck out.

Nakaupo lang kaming girls dito habang tinitingnan yung binigay sa amin na necklace ng boys kagabi, yup, binigyan nila kami at couple necklaces yun, ewan ko nga at bakit natripan nilang bigyan kami.

And ayun, yung boys nalang yung pina-asikaso namin sa pagche-check out.

"Teka lang guys ha? Magc-cr lang ako," sabi ni Phany at tumayo.

"Oy! Samahan na kita!" Biglang sulpot ni Jester sa kung saan. Naging kabute bigla, e.

"Wag na! Sige na, teka lang, sandali lang to!" Sabi ni Phany at tumakbo na papalabas.

Teka labas? Wala namang cr dun, tiningnan ko sila Sandra at busy na ngayon sila kaka-cellphone kaya napagisipan kong sundan si Phany ng palihim.

Anong gagawin dun ni Phany? Ang wierd naman niya, naiihi siya tapos papuntang labas naman, balak niya bang sa labas umihi, teka nga, naiihi nga ba si Phany? At bakit mukha siyang nagmamadali? Hindi kaya may hinahabol siya?

Biglang kumabog ng mabilis yung puso, masama ang kutob ko, may mangyayaring masama, at kailanman ay hindi nagkamali ang mga kutob ko.

Tumakbo ako papalabas at huminto sa kay manong guard.

"Manong, manong, asan si Phany? Nakita mo ba? San siya papunta?" Sunod sunod kong tanong.

"Mam Zendra, kayo po pala yan, si Miss Stephanie ho ba? Ah, nagmamadali nga ho yun eh, may hinahabol na isang lalaking naka itim," dere-deretso nitong saad. Nanlaki naman ang mata ko, sht! Tama ako!

"Ha?! San direksyon papunta?!" Taranta kong sabi, alam kong kayang ipaglaban ni Phany ang sarili niya pero iba talaga ang pakiramdam ko, eh!

"Ah, dun po mam!" Turo niya sa direksyon na papuntang likod ng building.

"Si-"

"Ronald! R-ronald! S-si Miss S-stephanie! May k-kalaban siya!" Nauutal at hingal na sabi ng isang guard na kakarating lang.

"Ano?! Mam!" Nataranta rin agad ang guard na kausap ko.

Fck it!

"Asan manong?! Asan?!" Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawang braso niya sabay yugyog.

"Sa gilid po ng building! Habang nagrarounds po ako, nakita ko po siya!" Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo na ako papunta sa gilid ng building. Crap!

"Zendra!" Narinig ko pang sigaw ng mga kasama ko pero hindi ko na sila pinansin at mabilis na mabilis na tumakbo.

Phany, alam kong kaya mo ang sarili mo! Magpakatatag ka!

Pagdating na pagdating ko dun, nakita kong isinasakay na nila si Phany sa isang itim na van.

"Phany!" Sigaw ko at pinuntahan agad siya.

"Hmm! Zendra! Ouch! Hm!" Laban niya pero may anim na lalaking nakahawak sa kanya. Deym! Ba't ang dami?

Pagkalapit ko sinuntok ko yung isang lalaki pero biglang naglabas ng baril yung isa, habang yung dalawa naman, eh, pilit pa rin na ipinapasok si Phany sa loob.

"Tsk, akala mo mapapatigil mo ko dahil lang sa isang baril?" Sabi ko at sinipa yung baril, natapon naman agad ito, pero biglang lumabas yung isang higanteng lalaki galing sa passenger's  seat ng van at mabilis akong sinampal ng pagkalakas lakas sabay sipa sa tiyan ko kaya tumilapon agad ako.

Damn! That hurts, asshole!

Naging isa naman yun sa chansa nila at mabilisan nilang ipinasok sa van si Phany at pinaharurot agad.

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now