Chapter 14

2.9K 77 0
                                    

Drea's POV

"1,2,3 Fight!"

Sumugod si Phany at sinapak si Villatre, hindi naman iyon inasahan ni Villatre kaya sapul siya sa panga, kawawa masakit panaman manapak si Phany, HAHAHA!

Muntikan ma out of balance si Villatre buti nalang at hindi siya natumba.

Nakabawi naman agad siya at sasapak sana pero napatingin siya kila Waroell na masama ang tingin sakanya na hindi namin alam ang dahilan.

Tumango siya at tumakbo sa likuran ni Phany at..

Puta! Ang bilis ng pangyayari!

Pagpunta kasi si Villatre sa likod ni Phany at akmang hahawiin niya na ang buhok niya, pero hinawakan ni Zendra sa balikat si Villatre at kaya siya napalingon at tinulak naman ni Zendra si Villatre ng malakas papunta sa direksyon nila Waroell.

At dahil malakas nga si Zendra, malakas na malakas, pagtulak niya kay Villatre, natapon si Villatre sa mga kaibigan niya at natumba sila lahat dahil sila ang natapunan ni Villatre.

Tinanguan kami ni Zendra at sumunod na kami sakanya patungong gate ng school, pero pagdating namin sa may gate, huminto siya at lumingon samin dahil nga nangunguna siya sa paglalakad.

"Nakakahalata na ang langyang mga prince na yon, walang dudang gangster nga sila," walang emosyong ani Zendra.

"Nahalata ko rin yun, at kanina nung nasa likod na ni Phany si Villatre na calculate ko na dapat ay hahawiin ni Jester Villatre ang buhok ni Phany," seryosong sambit naman ni Sandra.

"Yan rin ang nahalata ko."

"Alam ko na gagawin niya yon," kalmadong tugon ni Phany.

"Eh? Bakit mo hinayaan?"

"Dahil alam ko ring kanina pa nagmamasid at nakikiramdam si Zendra kaya hinayaan ko nalang siyang siya ang pumigil sa Jester na yon, simple as that," sabay ngisi ni Phany.

"Tss, beware," seryosong sabi ni Zendra at umalis na kaya sumunod nakang rin kami.

Pagdating namin sa parking lot nakita naming papasakay na si Zendra ng may naramdaman kaming presensya ng tao pagkatapos biglang yumuko si Zendra at may narinig kaming putok ng baril pero mahina lang dahil siguro may silencer.

Naging alerto kami at yung bala na tatama sana kay Zendra ay dumeretso sa pader.

Nilingon namin ang paligid at nakita ang lalaking naka all black na tumatakbo.

Susundan sana namin pero pinigilan kami ni Zendra at tinitigan ang lalaking tumatakbo palayo.

Hindi na naman namin mabasa kung ano ang iniisip ng babaeng to!

---------------

Please vote and follow me!

Love ya'll!❤

A Gangster's Love | ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin