Chapter 12

3.2K 79 0
                                    

Zendra's POV

P*ta! Ba't ako?! Langya naman, oh! Nagnenerds nga kami para hindi mahuli ng nagha-hunting sa amin tsaka hindi rin masali sa mga event event, tapos ngayon? Masasali ako kasi nga daw matalino?! Tang*nang buhay nga naman!

"Ma'a-" naputol yung sasabihin ko kay ma'am nang lumabas na siya, hahabulin ko sana pero may humatak sa braso ko ng malakas kaya napabalik ako at napayakap sa taong humatak sa akin.

"Puta! Sino ka b-"

"Wag kanang umangal dahil hindi rin kita gustong ka partner at wag ka nang umangal dahil, wala ka ng magagawa," bulong nung taong walanghiya!

"Aba! At talag-!" Pag tingin ko kung sino, yung lalaking palang kasali sa mga prinsipe kuno, at hindi lang basta kasali kasi ang leader pala nila ito.

"Hush, babe."

"Letche ka!" Ayun at nasapak ko ng malakas sa mukha! Bulong ng bulong, eh, puta! Gago pala siya eh!

"Woaaahhh!" kantyaw sakanya ng tatlo pang prinsipe.

Hinila naman ako nila Drea at dumeretso sa parking lot..

"Tsk, wag na umangal, bess! Wala ka ng magagawa! HAHAHA!" Langya talaga si Drea! At pinagtawanan pa talaga nila ako!

"Langya! Ba't ako pa kasi! Magba-back out ako! Ikaw nalang Sand! Matalino karin naman eh!"

"Eh?! Ayoko nga! Never in my dreams!"

"Never in your dreams, because in your reality! BOOM! HAHAHAHA," tawa ni Phany.

"Oo nga, ikaw nalang Sand!" Gatong ni Drea.

"Tsk, ayaw!" Tanggi naman ni Sandra.

Nagwalk-out nalang ako, badtrip! Ba't ako pa kasi!

Sumakay na ako sa Ducatti ko at pinaandar ng mabilis paalis sa school na yun! Letche talaga!

Zeus's POV

"Oii! Si Leader! Sasali na naman ng pageant HAHAHAHA!"

Kanina pa inaasar nila Jester at Stephen si Ashton na wala sa mood dahil sasali NA NAMAN sa pageant, at makaka-partner pa talaga si Nerd! HAHAHAHAHA!

At wait! Oo! NA NAMAN, dahil kada year siya naman talaga nakukuha eh! Ang talino kasi! Pero yung mga nakakapartner niya magaganda nga ang bobobo naman! Okay na nga ngayon eh matalino pero pfft hanep yung hitsura HAHAHAHA!

"Tumigil nga kayo! Amputa! Badtrip na nga ako! Dadagdagan nyo pa! Letche!" inis na inis na sabi ni Ash, yep pwede namin siyang tawagin kahit ano wag lang yung second name niyang Trace.

Ashton's POV

Aiisshhhh! Bakit ako pa kasi eh! At kapartner ko pa talaga si misteryosang nerd! Leshe!

Ang misteryoso pa naman ng babaeng yun! Langya! First sa mata, second yung kakaibang kilos niya at talagang sinapak pa talaga ako ah! Puta nagka-pasa pa ako!

Pero...

Okay lang, may something kasi sa nerd nayun na parang ang hirap e-explain, at kung yun talaga ang totoo niyang kulay sa mata, ang ganda naman!

May something talaga akong nararamdaman eh!

Drea's POV

Pagka-alis na pagka-alis ni Zendra nagkatinginan nalang kami at tumawa.

Sumakay nalang rin kami sa Ducatti namin at dumeretso sa bahay, at pagpark namin nakita naming nandito na yung kay Zendra ducatti it means dumeretso na rin siya pauwi.

Pumasok na agad kami ng bahay, at umakyat sa taas papunta sa kanya-kanya naming kwarto.

Habang nag-bibihis ako, tumunog yung telecom na naka-attach dito sa kwarto ko, meron kaming telecom isa isa sa kwarto namin at sa iba pang kwarto kasama narin ang cr na ang telecom ay nakakabit sa likod ng pintuan para hindi mabasa ng tubig,pero naka de-activate pa yun. Tsaka para magka-tawagan in case of emergency

"Guys, punta kayo dito sa Access Room, now," utos ni Zendra, kaya nagmadali akong magbihis.

Paglabas ko tumakbo agad ako sa Access room at iyon ay located sa likod ng isa sa mga bookshelves sa library namin, may code lang na pipindutin at automatic yung bookshelf na hahati sa gitna at makikita mo na yung door papasok.

Pagdating ko pumasok na ako agad at nakitang nandoon na sila.

"Guys, pagdating ko dito, dumeretso agad ako dito sa Room dahil nga naghihinala na ako sa mga lalaking yon at dahil nga rin makaka-partner ko yung isa sa kanila, I better know them," sabi ni Zendra sa amin habang palipat lipat ang tingin sa amin at sa computer.

Tumango tango kami kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita.

"Nasagap ko dito sa pag-iimbestiga ko sa kanila na isa rin silang gangster at tama ang hinala ko dun, pero hindi ko inaasahan na sila pala ang Demon Gods, ang rank 2,"sabi niya na ikinagulat namin.

"Si Ashton Waroell ay si Death God, si Zeus Renient naman si Blood Emperor, Stephen Corlien as Dark King and Jester Villatre as Bad Prince," dere-deretsong aniya.

"Hmm, kaya pala iba ang kilos nila, that explains why!" sabi Phany.

"At kaya pala parang naghihinala yung leader sa atin nung makita nila mata natin, hindi kaya nakilala nila tayo?" Tanong ni Sandra.

"Ay, teka, nabobo saglit si Sandra, hoy Sandra! Like duh! Naka contact rin kaya tayo pag nag gagangters tayo, duh!" sigaw ko sa kanya, ammp.

"Ayy, oo nga, no? HAHAHA, sorry boss, ah! Sorry boss! Letche," sabay ira ni Sandra.

"HAHAHAAHAHAHA!" Pinagtawanan nalang namin siya.

"Okay, so ngayon, alam na natin na sila ang demon gods. Be aware and be careful in your moves kasi baka malaman nila na tayo ang DDA at baka isa sila sa gusto tayong kunin sa pwesto natin."

"Yes, Zendra, we'll be careful!" Salute kunyari namin.

"Okay, you can go now, and have a good night!" Sigaw niya habang nakatalikod at naglalakad palabas ng Access room.

"And, oh wait! Sila pala yung na encounter natin sa mall yung namili tayo before first day of class."

Tf? Kaya pala familiar!

Bumalik nalang rin kami sa kwarto namin at natulog..

--------------

A Gangster's Love | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon