Chapter 9

3.4K 66 0
                                    

Zendra's POV

Pagkadating namin sa bahay, sinabihan ko sila na mag ready dahil tuturuan namin ng leksyon yung mga kaklase namin, dapat sana pag inulit nila yon eh dun pa namin tuturuan, pero sumobra talaga kasi sila eh! At hindi ko yon mapapatawad!

Nagsuot kami nung outfit namin na pang gangster yung white and black lahat tapos ni ready narin namin yung race car namin na pareho lang ng drawing sa mga motor namin na pang gangster rin, lahat kasi ng pang-gangster na motor, bigbikes, at mga cars namin ay pare-pareho lang ang design para pag ginamit namin yun ay malaman ng ibang gangters na kaming grupo yun.

Sumakay agad kami at pina-andar eto at deretso sa school, pagdating namin dun, huminto muna kami sa malayo-layo para hindi kami makita ng mga bantay at nagmatyag ng mabuti.

Pinindut ko yung radio telecom ng sasakyan ko, dahil may sasabihin ako sakanila. Ang radio telecom ay yun ang pag may sasabihin ka pipindutin mo lang at bibitawan kung tapos kana magsalita, naririnig yun nila tatlo kahit malayo kami dahil connected ito sa sasakyan nila. May ganito rin ang mga motor at bigbikes namin.

"Dark Devilish Angels, maraming bantay na guards, kaya puntahan natin yung likod na parte ng school, kasi sa pagkakaalam ko ay may daanan dun palabas at papasok ng school." Sabi ko sa telecom.

"Okay," sabay sabay nila na sabi.

Pina-andar na naman namin yung sasakyan at mabilis na dumeretso sa likod na part ng school, eto kasing school pinapalibutan kasi to ng kalsada bali pwede kang makipag-race dto kasi pa circle yung daanan at yung nasa gitna ng circle ay yung school.

Huminto na naman kami dahil may guards na parang nag ra-rounds ata, tsk, ang higpit pala talaga ng school nato at halatang mayayaman talaga ang mga studyante dito kaya pala dito nag invest sila tito at papa.

"Ruthless Katana(Sandra), magisip ka ng paraan paano natin yan palulusutan ng hindi sinasaktan, dahil pag ganun malalaman na tayo ang gumawa ng kabalastugan na mangyayari bukas, hindi nga malalaman ang identity natin pero mapagkakamalan tayong trespasser, at baka hindi natin alam, may mga gangster na nakasunod sa atin or better yet gangster yang guard na yan at ipagkalat pa na pinasok nating ang pinaka-sikat na school sa Pilipinas." Sinabihan ko si Sandra.

Si Sandra kasi ang pinaka-matalino sa amin, at ginagamit namin ang mga codenames namin if may mission kami or ginawang masama or related sa gangster thingy,at dahil nakasuot kami ng pang-gangster ka dugtong na nun ang codenames namin.

"Right away, Death Dagger(Zendra)," pagsunod niya sa akin.

Naghihintay lang kami ng plano niya at wala pang 5 minutes, nakakuha agad siya ng access about sa pinaplano ko sa kanya.

"Death Dagger, nalaman ko dito sa nahack kong data sa page ng school natin ay nagra-round ang mga guards, pero pangalawa lang at mas minamanmanan nila ang front gate at wait, may mga hidden cctvs rin at hinahanap ko pa sa mga na hack kung infos kung asan."

"Nice one, Ruthless Katana. Sige maghanap ka lang diya at magmamatyag pa rin kami," sabi ko.

"Okay."

"Merciless Kunai(Drea) be ready, because ikaw ang papupuntahin ko una para magbantay."

"Yes, dagger."

"And you, Poisonous knife(Phany), dahil incase na makita tayo ay ikaw ang e-aasign ko para dun, at isasama nalang rin kita kay Drea."

"Sure, death dagger," Dagger, DD or death dagger kasi ang itinatawag nila sa akin kaya minsan yung mga ganyan rin nila ang tinatawag ko sa kanila.

Ginawa na nila ang pinapagawa ko tapos nung makalabas na sila Knife at Kunai ay pina-on ko na yung earpiece na suot nila.

"Stay put first, the two of you," ani ko.

"Copy," ani Phany and Drea.

"DD, na hack ko na ang cctvs, may tatlo na nandyan sa back gate, yung isa sa may bush, yung isa sa may itaas ng gate at laslty sa may puno," sambit ni Katana.

"Good, oh narinig niyo yon Kunai and Knife, now go."

"Yeah, got it."

Nasa sasakyan lang ako at si Sandra. Sila Phany naman at Drea pinapatay pa lahat ng cctv, and they signaled us na tapos na.

Bumaba kaming dalawa at dumeretso sa gate at binuksan yun, nag linga-linga muna kami sa paligid at wala namang tao eh, kaya dumeretso agad kami sa kaylangan naming gawin.

Pagkatapos ng ilang oras, natapos na kami at kapagod! Ang rami! Lagot sila! Hah! Akala nila ah!

Pagkatapos nun nagmadali kaming lumabas ng school at sumakay agad. Nag race pa kami pauwi and time check, it's already 11:37 kaya deretso cr, naghalf bath.. And done!

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now