Chapter 27

2.7K 64 3
                                    

Sandra's POV

"Death Daggeerrr!"

Pagsigaw naming tatlo saka naman humarap si Zendra pero huli na at natamaan na siya sa tagiliran.

"Yaaahhh!" Tinapos ko agad ang kalaban ko at nagmadaling tumakbo kay Zendra na ngayoy hawak hawak na nila Phany at Drea.

Mabilis namang kumilos ang mga gangster at tinulungan kaming lumabas kaya dali dali kaming sumakay sa kotse ng isa sa mga gangster dahil nga naka ducatti lang kami kanina.

Mabilis naming pinaharurot yung sasakyan sa bahay namin.

Bakit sa bahay?

Dahil wala kaming tiwala sa mga doktor sa pam publikong ospital at dahil na rin may private doctor kami matagal na.

Pagkadating namin sa bahay dinala agad namin si Zendra sa kwarto niya at dali-daling tinawagan ang private doktor namin.

Pagkatapos kong tawagan ang doktor namin binihisan muna namin si Zendra para deretso opera na.

Ilang minuto ang lumipas at salamat dumating narin si Doc tsaka sinimulan agad niya ang operasyon dahil marami ng dugo ang nasasayang kay Zendra.

Lumabas muna kami don at dumeretso sa kwarto ni Phany.

"Sa tingin ko, may gustong patayin tayo at sinimulan na niya kay Zendra," seryosong sabi ni Drea.

"Oo nga, wala namang ibang gagawa niyan eh, pero hindi ba kayo nagtataka? Binaril si Zendra kung kailan tayo may laban?" Nagtatakang sabi ni Phany.

"May taksil," singit ko sa usapan nila.

Agad naman silang napatingin sa gawi ko at hindi lang basta tingin, nagtatakang tingin.

"Huh? What do you mean by that, Sand?"

"Well, it's too obvious that there is a Traitor and its one of the gangster or someone that is inside the Gangster Dome.." Napa-isip ako.

"Or maybe.. Someone who know us, from the very start," seryoso kung sabi na may isang tao na iniisip.

"Okay? And what do you mean by that again? Huh?" Napapakamot sa ulo na sabi ni Phany, nag-iisip naman ng malalim si Drea.

Hindi ko nalang pinansin at dumeretso sa kwarto kung saan inooperahan si Zendra.

Maybe... Maybe Zendra knows who the fuck did thid to her.. Maybe, I hope, para mapagbayaran ng taong yun ang ginawa niya.

---

Someone's POV

"Oh, ano na? Napuruhan ba?" Tanong ko habang naka tingin sa kuko kong kulay pula.

"Opo, mam, natamaan po siya sa tagiliran." Sagot ng inutusan ko na ikinagalit ko agad.

"Ano?! Ba't sa tagiliran lang!?" Sigaw ko, puta, okay na sana yung 'opo mam' ba't may dinugtong pa?

FCK!

"Okay narin po yun, mam, marami rin pong dugo ang nawala sa kanya kaya malabo na yun," magalang pa na sabi niya.

"Eh?! Alam mo bang masamang damo yun? Naniniwala ba kayo sa kasabihang 'Matagal mamatay ang masamang damo' ha?!" naiinis kong sabi. Tngna talaga!

"Sorry po."

"Ughhh!" Asik ko bago binaril. Pinatay ko na, palpak, amputa.

Maghanda ka talaga Zethandra Rickzell Fuenson o Death Dagger, mamatay ka rin, hindi lang ikaw, kayong apat!

---

Zendra's POV

Hmm..

Asan ako? Ba't ang dilim? Bat itim lang ang nakikita ko?

Eh kung iminumulat mo kaya mata mo, Zendra? Oo nga, no?

Iminulat ko na nga ang mata ko at..

"Hoy Zethandra Rickzell Fuenson! Ba't ngayon ka lang nagising?! Ha?! Anong nagyari sayo?! Yan kasi eh! Dapat nag iingat ka! You should be careful towards your action! Pag isipan mo muna lahat ng gagawi-"

"Oh, shut up,"  sabi ko at napa roll eyes.

"Oh?! Tas ngayon gaganyanin mo nalabg kami?! Bakit?! Kami ang nagpakahirap sayo na dalhin ka agad dito tas ganyan ka lang?! Tas ano?! May-"

Binatukan ko siya, "Hindi ka ba titigil?! Ang ingay mo tsaka, concern ka ba talaga o nanunumbat lang?! Ha?!" Naiinis kong sigaw kay Phany nasa paanan ko naman si Sandra nakatingin ng seryoso at sa kabila naman si Drea.

"Aish! Bahala ka nga! Pero wait nga lang, ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Phany na agad namang nabatukan ni Drea, ang bilis maka punta ni Drea kay Phany ah! Tsk.

"Nabaril nga siya diba? Nagkakasama pa nga tayo sa Gdome ,eh," pagbabara niya kahit na totoo naman.

"Eh hindi yun! I mean, anong nangyayari at bakit may bumaril sayo? Kilala mo ba? Ha? Bilis! Sumagot ka!" Pagmamadali ni Phany.

"Oo, alam ko," mahinahon kong sabi.

*Flashback*

Papunta na sana ako sa isang taong nasa exit na alam kong kilala ko.

Hahakbang na sana ako pero tumingin ulit ito sa akin pero naaninag ko ang mukha niya dahil natamaan ng sinag ng ilaw at nakit ko ang kabuuan ng mukha niya.

Siya.. Siya nga, tama ako, taksil kang babae ka.

"Death Daggeerrr!" At huli na, dahil sa paglingon ko..

Blackout.

*End of Flashback*

"Sino?! Sabihin mo!" Singit ni Drea.

"Kilala natin siya, kilalang kilala," sagot ko at pinapatay na sa isip ang bruhang yon.

"Sino ba kasi?! Pa suspense pa eh langya!" Nabibiting sabi ni Phany, tiningnan ko naman si Sandra at yun, matiim lang na nakikinig pero mapagtanong rin ang makikita sa mata niya..

"Walang iba.. kundi si Stella Rovin, the messenger or host of GDome."

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now