Chapter 17

2.9K 67 0
                                    

Zendra's POV

Time check 5:30 na at nandito na ako ngayon sa backstage at bored na bored na naghihintay, nandito ako sa own quarter ko sa backstage, may quarter quarter kasi tong backstage yung parang kwarto, iba iba ganon.

Pumunta ako sa may pintuan at tumingin sa labas pero maliit lang ang pagkakabukas ko syempre, para surprise mamaya kung gaano ako kaganda. Ha!

Nandito kasi kanina silang tatlo at yung mga nag makeup sakin at nagdala ng mga damit at sandals at ngayon nandon na sa labas gumagawa ng gawaing hindi ko alam dahil secretong malupet daw, kaya ako nalang dito.

Pagtingin ko sa labas, yung ulo ko lang nakikita, close pa yung pintuan ng ibang quarters pero pagtingin ko sa harap kung saan namamalagi (Charot) ang aking langyang partner, sakto rin na tumingin siya sa labas kaya nag meet ang paningin namin.

Tinitigan niya ako na parang ene-examine ako tas mabilis na napa-kunot noo kaya mabilis kong isinara yung pinto.

Ash's POV

Huh? Sino yun? bakit nasa quarter siya nung nerd na yun? Hmm.

At parang familiar siya, para siyang si...

Eh? Imposible! Ang pangit pangit kaya non! Never! Tsk.

At wait! Not to mention, Ang GWAPO KO pala ngayon! HAHAHAHAHA!

Zendra's POV

Ilang minuto nalang ang natitira at magsta-start na yung pagaent, tsk ang kati-kati ng gown, puta!

"To all candidates please get out in your quarters and form your lines according to grade levels."

"To all candidates please get out in your quarters and form your lines according to grade levels."

At ayan na nga. Start na, letche.

Lumabas na ako quarter at dere-deretso sa backstage, at nakita ko sila Drea na nasa baba at may dalang banner. Tsk banner lang pala ang ginawa kanina may secretong malupet pang nalalaman!

Hindi ko pinansin ang mga tingin na inuukol sa akin ng ibang candidates kasama na yung partner ko, tsk ganun ba talaga ako ka pangit na hindi nila ako namukhaan?

"Nerd? Ikaw ba yan? Pero.
Imposible! Ikaw ba talaga yan?" napapakamot ulo na sabi ni Ash.

Tsk may nakaalam rin na ako talaga to!

"Hindi! Hindi ako to!" sarkastiko kong pagkakasabi.

Tiningnan naman niya pa ako sandali at umiling iling.

"Tsk, oo hindi nga ikaw yan nerd, malabo eh, ang pangit kaya non! Malayo sayo, miss," ani nito sabay kindat. Tang*ina?

Flirt, playboy nga naman, oo, akala ko cold type to.

"May I know your name, miss?" Tsk hindi talaga alam na ako to, at hindi nya rin ba alam na sarcatic yung pagkakasabi ko kanina? Bobo.

"Jerk, Well, hi!" I said while giving my plastic smile.

"May I know your name, miss" Asked Ash.

"Yeah, I'm Zethandra Fuenson! Mr. Playboy."

"Ows? Di nga! Nerd?!" sigaw ni Ash.

Napatingin naman ako sa mga ibang candidates nung isinigaw niya yon, shock silang lahat at halos handa ng pasukan ng langaw yung mga bunganga nila. Eh? Surprised talaga? Tss.

Inirapan ko nalang si Ash at hindi pinansin yung ibang candidates.

Rumampa na kami sa stage at nag production number. Pagkatapos mag production number yung mga students naman amaze na amaze sa akin, at nagtatanong kung sino raw ako.

Pagkatapos ng production number, pinabalik kami sa kanya-kanya naming quarter para sa introduction. Oh dba iba rin eh, tss naiiba yung introduction sa production.

Sinuot ko na yung dress na bluish cream na may mga ribbon sa bandang waist sa likod at sa may boobs na may pares na 6 inches heels.

Rumampa nanaman kami, at huta ang sakit ng paa ko, sanay ako neto pero hindi sa mga rampa, kundi sa mga bakbakan.

Nag line kami ng pa V sa left side yung boys sa right naman yung girls at syempre ka level namin yung partner namin, yung nga kapantay ko yung damuhong yun, langya.

Nag introduce na ang iba, their names with the grade and section their representing.

At yun nga, kami ang last and the time comes na, it's our turn na.

Naglakad ako papunta sa gitna, oo, naglakad nlang ako, huta ang sakit na ng paa ko, sanay kasi akong may mga kutsilyo, karayom at blades tong nakalagay sa ilalim at may something na relaxing sa loob.

Habang ako naglalakad si langyang partner naman sinalubong ako sa gitna ng may parang nanalo sa lotto sa ngiti, nakakabad mood, amputa.

Nagmeet kami sa gitna at iniwan ko naman siya at pumunta sa mic sa may side ko.

"Good evening everyone. I'm Zethandra Rickzell Fuenson, representing, 12-Gold." Sabi ko ng naka poker face pero nag smile rin sa huli.

Shock yung mga students as well as the judges pero paki nila? ansakit na kaya ng paa ko. Shock parin sila pero mga ilang minuto na ang lumipas, pumalakpak agad sila at sumigaw sigaw pa.

Turn na naman ni Partner Jerk.

"Good evening everyone! I'm Ashton Trace Waroell!! Representing! 12-Gold!" Sigaw niya at nagwink pa, kadiri, ah?

Nakakabinging palakpakan naman ang narinig ko sa kanila at mga sigaw, may mga nag I love you pa nga eh, eww.

Bumalik kami sa V-line at yun nga pinabalik kami sa backstage at bihis ulit..

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now