Chapter 16

3.2K 72 0
                                    

Zendra's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, specifically sa kwarto ko nakahiga at naka headphones.

"Hoy! Zethandra! Bumangon kana! Bibili pa tayo ng damit mo gaga!" Kalampag sila kalampag sa pintuan ng kwarto ko, kanina pa to, kahit naka headphones ako naririnig ko pari sila. Tsk! Ang ingay, 3rd day na ngayon ng intrams at nandito sila iniistorbo ako sa tulog dahil nga bibili daw ng damit ko para sa Pagaent.

Langya! Ayaw ko nga sana sumali eh, huta nasali pa ako! Pano nayan, kailangan ko mamaya mag ayos! Nag nenerd na nga lang, mapapasabak pa sa pagaent! Tas yung partner mo panget pa.

Atsaka may magaganap pala na battle of the bands mamaya pagkatapos, 6PM- 9PM kasi ang pagaent then ang battle of the bands ay 10PM-12AM, langya! At Alam niyo ba? Na kahapon lang kami sinabihan ni Tandang guro na kami ang lalaban sa battle of the bands representing our grade, puta talaga! Makakasama na naman namin ang Princes!

"Hoy! Ms. Fuenson! Isa! Pag ikaw hindi lumabas diyan! Sisirain namin tong pinto mo!" Tangna.

Binuksan ko yung pinto ko at handa na sana silang sigawan ng hinila nila agad ako at may pa tali tali pa talaga sa kamay ha! Hindi nila ako binitawan hanggang sa makasakay sa Van, aba at van pa talaga kami ha, sumigaw kaya ako ng 'kidnap' o di kaya 'rape' hmmmm. HAHAHA, joke lang sound proof kaya to.

At hindi lang talaga sa kamay ah! Pati paa tinali nila, puking ina! Take note nakapambahay pa kaya ako! Alam niyo ba?! Naka terno na pajama at blouse pa po ako! Langya nga naman, oh!

Dinala kami ni Drea sa mall nila, tamo to baka gusto nito sa mall nalang nila dahil para di kami makabayad hmmm at ..... Nako! tsk baka marami tong bilihin, pumupunta kasi kami dito sa mall nila pag marami kaming bibilhin tss may binabalak.

Tinanggal nila ang tali sa paa ko pero sa kamay eh hindi, nakakahiya talaga kasama tong mga to.

Dinala nila ako dito sa Boutique nila Stephanie, yep, may boutique sila dito sa mall nila Drea, may Restaurant nga sila Sandra eh and not just that, we also have our office here for reservations in our hotels and resort.

Kami kasi ang may hawak ng sikat at mamahaling mga Resort at Hotels dito sa Pilipinas at Korean, si Phany is Amzing Salon And Boutiques, Sandra owns Famous Restaurant and Pastries and then Drea owns the big malls and Prestigious elite Schools.

Pagpasok namin maraming nagbow sa amin at nag greet dahil nga kilala na kami dito.

Nilagay nila ako sa may salamin, marami na ang nakatingin sa amin dahil nga naka pambahay pa po ako.

"Stay here, young lady, don't ever move," utos ni Phany, aba maka young lady, eh, mas matanda pa ako sa kanila! Tsk, nga naman!

Umalis sila at nag kanya-kanyang pili ng gowns, nasa dress and gowns section kasi kami, aba kung alam niyo lang malaki rin kaya tong boutique nila.

At ako naman, sinasamaan ng tingin yung mga taong tingin ng tingin sakin dahil nga siguro at naka pam bahay lang ako, tss kung nakakamatay ang tingin ko, marami ng pag-lalamayan ngayon, tss.

Pumunta si Phany sa akin dala-dala ang mga kinuha niyang gowns, tsk ayaw ko talaga ng gown ang kati-kati!

Pinatayo niya ako, at parang finit nya yung gown sa body ko, yung ano nga yung nilagay nya sa bandang harapan ko shoulder down to foot yung ganun, yung ano nga. Ah basta! diko ma describe.

Triny nya sakin yung pinkish long gown na may sequins sa gilid at malaking ribbon sa likod, simple but I dont want the color.

Marami pa siyang triny sakin na agad rin naman siyang iiling at tititigan yung body ko at aalis, babalik, magtatry, iling, babalik, magtatry, iiling alis. Yan lang siya lagi at hindi lang siya, sila pala nakisali narin yung ibang saleslady.

Ilang oras na ang nagdaan at langya upo, tayo, upo, tayo lang yan ako.

May iba na silang napili para sa long gown wala pa sa introduction number ,tamo to, dalawa lang kailangan ang tagal makapili. At wait, lahat pala ng damit dito branded.

Kanina pa kami dito at take note hindi pa ako kumakain, ewan ko sakanila kung kumain na ba sila, remember? Kinaladkad lang nila ako.

Nakakuha si Sandra ng gown para sa long gown at napagkasunduan nila na yun na lang daw dahil magand kasi ang taste ni Sandra sa mga gowns eh.

"Haayyy, ang sakit ng paa ko!" Sigaw ni Phany, tsk, di man lang nahiya. Kapal talaga.

"Sino ba kasing nagsabi na bilhan niyo ko? Tsk."

"Hoy babae! Kung hindi tayo bibili, may isusuot ka ba? Ha?!" Sabi ni Drea na naka taas kilay at ang dalawang kamay sa bewang.

"Meron namang pants eh tsaka blouse, tss, ang dami na kayang gowns na ipinadala ni papa kahapon."

"Tsk, tong babae to! At ano sabi mo?" Ani Sandra.

"Wala."

"Yahyah, whatevah! Kumain na nga lang tayo! Gutom na, eh!" Reklamo pa ni Drea. Napairap nalang ako.

"Sino ba kasing nagsabi na umalis tayo ng walang kain?"

"Shut up! Kakain na nga dba?" Mataray na sambit ni Sandra.

"Tss."

Dumeretso kami sa Jollibee ng pinagtitinginan ako at pagka upo namin sa loob sila na ang pina order ko, tiningnan ko yung relo ko at 12:30 na pala, ganyan sila katagal pumili ng gown.

Pagdating nila kumain lang kami ng tahimik, ganyan yan pag gutom, natatahimik.

Pagkatapos naming kumain, dumeretso kami sa isang Shoe Store, namili sila ng sandals na gagamitin ko sa talent, long gown, production, introduction number, wala kasi tong Q and A , pa famous lang, mananalo kana more on beauty kasi to, kaya nga sabi ko kay maam na baback-out nalang ako dahil hindi naman pala brains eh, pero ayaw niya pa rin.

Pagkatapos nila bumili, umuwi na kami at pag check ko sa oras magte-3 na. 3 hours left nalang pagaent na, Hahaayyy buhayy, parang life!

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now