Chapter 22

3.1K 60 3
                                    

Zendra's POV

Nandito na ako ngayon sa cashier ng NBS at guess what? Coincidence at magka-sabay kaming pumunta dito ni Ash, sabay rin kaming natapos mamili.

Coincidence lang lahat ng 'to. Chill guys.

At nandito rin siya sa likod ko habang nakaline kami sa cashier, at guess what na naman? Pareho kaming may bitbit na lalagyanan ng pinamili namin na mga books, at gentleman rin pala to!

Akalain niyo? Kinulit ba naman raw ako kanina na siya na lang daw humawak ng pinamili ko, eh, ang dami dami nitong books ko, eh. Pero bahala na siya, katamad rin naman.

Ilang segundo pa kaming nakatayo at sawakas turn ko na sa cashier, ilalagay ko na sana ang box kung nasan ang mga books kong bibilhin, nang bigla akong tinulungan ni Ash pabuhat sa table ng cashier kaya tinanguan ko nalang siya.

"Ang sweet naman ng boyfriend niyo ma'am," sabi ni pakialamerang cashier, na kung makapag-compliment parang HINDI malagkit ang tingin kay Ash, sarap dukutin ng mata nito. Tsh.

"He's not my boyfriend," malamig kong saad, nagulat naman ang cashier sa inakto ko, tsaka parang tumingin siya saglit sa likod at tumango bago nag-umpisa ng i-punch yung mga pinamili kong books..

---

Pagkatapos namin mamili bumalik kami sa lugar kung saan kaming walo umalis, eto raw yung meeting place eh.

Pagdating namin dun, kami nalang pala ang hinihintay at nandun na ang anim.

"Oyy! Ba't ang tagal niyo? San kayo nagpunta? Anong ginawa niyo? Buntis kana ba Zendra? Masarap ba? Sagot naman ja- araaayyyy! Anong problema mo panget?!" Sunod sunod na tanong ni Jester, but binatukan siya ni Phany kaya nahinto siya.

"OA mo," pairap na tugon ni Phany, umirap nalang rin si Jester sabay talikod at nagdabog kunyari, bakla.

Napangisi nalang kami ni Ash sa ginawa ng dalawa habang yung apat napa-tawa ng mahina.

"Ba't kayo tumatawa?!" Sabay na sigaw ng dalawa. Kingina, choir ang peg.

"Ba't ka gumagaya?!" Sabay na naman nilang tugon with matching duro sa isat-isa. Napairap nalang ako.

"Maka-alis na nga!" Sabay talaga nilang turan at umalis, papunta sa parehong direction. Idiots.

"Ba't ka sumusunod?!" Sabay ulit nilang tanong sa isat-isa at nagwalk-out pareho sa opposite na direction na talaga, mga isip bata. Napailing nalang ako.

"Oh, paano ba yan, tutal na-una na yong dalawa, magsi-uwian narin tayo at maga-alas siete na, oh," sabi ni Drea, ang tagal pala namin dito.

"Sige, tara na," pagpayag ng iba, nagpunta na kami sa parking lot ng sabay sabay.

Pagdating namin doon, nandon na yung dalawang na-una at hindi man lang nila namalayan na malapit lang yung kotse nila sa isat-isa.

Hindi nalang namin sila sinabihan at baka magkagulo na naman, nagwave lang sa amin yung boys kaya tinanguan nalang rin namin.

"Oh, Phany you okay?" Sabi ni Drea sa nakabusangot na Phany.

"Tsk, kakaasar, but ,yeah, I'm perfectly fine," sagot niya at di napigilang mapairap.

"Sige, tara na! Ano pang hinihintay natin!" Sabi naman ni Sandra.

Sumakay nalang kami sa Bugatti ni Phany at siya kasi ang nagdala sa amin dito kaya napagpasyahan namin na iisang sasakyan nalang rin ang gamitin.

Habang pauwi na kami may napansin akong sumusunod sa amin.

"Phany, turn right, there's someone following us," seryoso kong tugon, napatingin naman ang dalawa sa likuran at si Phany sa rearview mirror, nakita ko agad na may sumusunod dahil nakita ko sa rearview at side mirror at kasi nandito rin ako sa passengers seat.

Mabilis namang iniliko ni Phany yung sasakyan sa isang madilim na eskinita tutal gabi na rin.

Inihinto niya yung sasakyan sa tago na gilid para hindi raw magasgasan, ganyan niya kamahal kotse niya.

Nandito parin kami sa sasakyan at hinintay namin na dumating yung kanina pang nakasunod sa amin, at ilang minuto lang, may dumating na tatlong kotse na mahina ang andar at mukhang may hinahanap, yan na siguro yan.

Lumabas kami at isa-isang nagsuot ng mask namin na nasa sasakyan namin lagi in case of emergency at mga weapons namin na nasa bag rin namin lagi at syempre may sa sasakyan rin.

"Oh, nandito lang pala yung hinahanap natin ,eh," saad nung isang lalaki pagkakita sa amin.

"Hi, Death Dagger! Kumusta?! Long time no see," sabi nung lalaking nakamask ng lion, ito yung leader nila at naalala ko na ito ang Wild Boys Gang, hindi sila kasama sa top 10 at kaya nila gusto kami mapatay para makuha nila ang pagiging top 1 namin, tsk kung makukuha nila.

"Wild Lion, hindi ka pa rin nagbabago, sakim ka pa rin," bored kong sabi.

"Aba! Wag ka nalang magsalita dyan binibini, at kung ako sayo tatanggalin ko nalang ang mask dahil kilala na namin kayo, Death Dagger o Zethandra Fuenson, Merciless Kunai or Alexandrea Glomo, Ruthless Katana or should I say Cassandra Pellara and lastly, Stephanie Colsaet as Poisonous Knife," nakangising tugon ni wild Lion.

Nice

Nagulat yung mga kasama ko pero madali ring nahimasmasan at tinanguan ko sila para sign na tanggalin nalang namin ang mask namin.

"Ang gaganda niyo talaga, Death Dagger pero pasensya na kayo at hindi na makikita ng iba ang kagandahan niyo dahil mamamatay na kayo!" Sigaw niya at sinugod na kami, 9 vs 4, tss, easy.

Sumugod sila sa akin, at agad ko namang winasiwas ang dagger ko sa mga braso nila para hindi sila masyadong makalaban, tsaka ko pinagtatadyakan ang mga leeg nila para makatulog, yun nga knock down agad yung dalawa, yung isa naman susuntukin sana ako sa likod pero nahawaka ko yung kamao niya binaligtad siya, tulog.

Napatingin ako kay Sandra at pinagspa-spada niya yung dalawa hanggang sa marami na itong naging sugat hanggang sa silang dalawa na mismo ang nakatulog sa panghihina.

Kay Phany naman, pinagtataponan niya ng maliliit na kutsilyo ang mga paa nila para hindi makalakad tsaka pinagsusuntok ang mukha.

At kay Drea naman, pinagwawasiwas niya ang kunai niya at sinusugatan sa bandang may pulso para mahimatay agad agad.

Pagkatapos nung laban, sumakay na agad kami sa kotse pero bago yun sinigurado muna namin na walang ebidensyang makikita na kami, ang Dark Devilish Angels ang may gawa niyan sa kanila.

"Zendra, alam na nila kung sino tayo, at posibleng nasabi na nila yun sa ibang grupo, magdi-disguise pa rin ba tayo, the fact na alam na nila kung sino tayo at wala ng gamit ang mga cosmetics natin at pagiging nerds?" Sabi ni Sandra na nagpupunas ng dugo sa paa at kamay niya.

"Hindi," tanging sagot ko, nabuhayan naman bigla ng loob si Drea.

"Talaga hindi na tayo magdi-disguise?!" Excited niyang sigaw.

"Hindi na nga Drea dkba? Paulit ulit?" Pambabara ni Phany kaya nagtawanan nalang kami at agad ng umuwi.

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now