Chapter 28

2.9K 83 1
                                    

Zendra's POV

"Oo, si Stella nga," seryoso kong sabi.

"Bakit naman magagawa ni Stella yun diba?" Tanong ni Drea.

"Yan ang kailangan nating malaman," saad ko..

---

1 week later....

Tsk, isang linggo na simula nong nabaril ako at heto kami hindi pa gumagawa ng hakbang para mapatay ang hayop na Stella na yon.

Nandito kami sa room at nagmumukmok este nakikinig sa lesson, sa boring na lesson ng teacher namin, teka nga, sino ba tung lalaking taba nato? Bakit di ko to kilala?

"Psst!" Tapik ko kay Sandra na maiging nakikinig.

"Oh?" tanong niya.

"Ba't ka nikikinig eh alam na naman natin yan? At tsaka teacher ba natin to? Sino to? Bat di ko to kilala? Bago bato? Sagot na dalii," saad ko, ewan ko ba pero nagiging makulit ako pagnatripan ko, HAHA!

"Ikaw ba talaga yan? Ba't ang kukit mo? Tsaka paano ako sasagot kung hindi mo ko pinagsasalita muna ha? At pwede isa isa lang ha? Tsaka pwede ba, hinaan mo nga boses mo!" Pabulong niyang sabi at halatang naiirita na.

"Tsk, fine just answer my questions," seryoso kong sabi, oo tama kayo, mood swings ako, bakit? meron ako? Oo tama nanamn kayo, meron nga ako ngayon.

"Una sa lahat Ms. Fuenson, nakikinig ako dahil estudyante ako at yun ang ginagawa ng MATINONG estudyante," sabi niya at diniinan pa talaga ang Matino, tsk, whatever.

"Pangalawa, OO MISS! Teacher natin to! Hindi mo kilala no? Kasi dahil po, tinutulogan mo ang klase niya at hindi ka naman niya pinapansin kaya hindi talaga kayo magkakakilala," sabi niya na may pasulyap sulyap pa sa harap  na mukhang takot na takot mapagalitan.

"Pangatlo, siya si Mr. Malusog ang Computer teacher natin okay? At lastly, hindi siya bago, matagal tagal na siya pero wala siya nung first day of class dahil may emergency raw sakanila kaya hindi na tayo nakapag introduce yourself sakanya," sabi niya na winiwave pa yung hawak hawak niyang ballpen sa akin at tumatango tango. Napa-ahh naman ako, hmmm kaya naman pala, sorry kung tinutulugan ko ha? Ang boring eh. At wait, bagay sakanya ang apelyido niya ah! In fairness, mataba siya kaya siya si Mr. Malusog! HAHAHAHAHA!

At dahil nga mabait na mabait na mabait na mabait na mabait na mabaiiiit akong bata, natulog nalang ulit ako.Bahala nga sila dyan, hays.

Phany's POV

Yey! Lunch break na! Sa wakas makakakain narin ako!

At dahil sobrang nagmamadali na nga ako, tumakbo na ako papuntang cafeteria ng may biglang bumunggo sa akin kaya na out of balance ako at napapikit nalang, hindi gumana si adrenaline rush, eh.

1..2..3..4..5?

Huh? Why can't I feel the floor?

Idinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang gwapong mukha..

"You're so clumsy-"

Binabawi ko na sinabi ko, ang pangit niya ang pangit pangit! Kasing pangit ng ugali niya, amp!

"- pero okay lang kung ako naman lagi ang sasalo sayo," dugtong niya sabay wink. The fudge?

Napaiwas naman ako at napaayos na agad ng tayo. Tsk, oo na nga! Binabawi ko na naman! Ang gwapo niya HAHAHA!

"Thanks," ani ko sabay ngiti ng tipid. 

"Oyy, hindi ako nagpapa-thanks lang, wala nang libre ngayon, woi!" Sabi niya na may pa taas baba pa ng kilay.

"K, fine, what do you want?" Asik ko at tumagilid para matago ang ngiti ko.

"Hmm treat me-"

"Easy, okay fine."

"-with matching subo pa," dugtong niya.

"Hmm, easy again. Subo lang pala eh, subuan kita, sub-- WHAT?! SUBO?!" gulat kong sigaw. May sakit ba siya? Ba't nagpapasubo to?!

"Hm, okay madali lang pala para sayo eh, leggo!" Sabi niya at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko, pero dahil nga mataas siya, hah! Edi nahirapan si kuya!

"Oy! Oy! Oy! Anong kalandian to?
?" Sulpot ni Drea sa tabi ko.

Dahil sa gulat ko na hampas ko ng malakas ang braso ni Jester kaya nabitawan niya ako.

"Aray! Ouch!" ika niya, hinimas ko naman agad ang braso niya kung saan ko siya nahampas. Okay, guilty.

"Sorry, hindi ko sinasadya, nagulat lang ako," saad kong at nagiwas nalang.

"Woah! What an amazing scene!" Sulpot rin nila Ashton.

"Hi partner ko!" Sabi ni Stephen at inakbayan si Sandra.

"Tsk," asik ni Sandra at siniko agad si Stephen.

"Ouch! So sadist! I like it," malokong sabi ni Stephen.

"Gago!" Sigaw ni Sandra sabay siko na naman.

"Aray! Sorry na partner! Nagjo-joke lang eh! Amp!" Pagpapa-cute ni Stephen.

Umirap nalang si Sandra pero hindi nakalagpas sa paningin namin ang pagngiti ng bruha kaya nagkatinginan naman kaming tatlo.

What the eff, was that?

"Teka nga, ano bang meron sa inyong apat? May hindi ba kami nalalaman? Ha?" Seryosong saad ni Zeus.

"Bakit selos ka? Nandyan naman si Drea, oh!" Tulak tulak nila Jester sa kanya.

"Eh? Yan?" Sabi ni Zeus at may paturo turo pa kay Drea. Woah!

"Ha! Never!" Nagkasabay naman ang pag-irap nilang dalawa at biglang nag walk-out si Drea.

"Hala na! Lagot ka! Puntahan mo dali!" Sabi nila Stephen at tinulak pa talaga siya, kumunot ang noo ni Zeus at napakamot ulo bago sinundan agad si Drea.

"Hays, nagugutom na akooo!" Sabay na sigaw nila Jester at Phany kaya nagkatinginan sila at natawa rin agad.

"Let's go, maybe this kid here is starving," nakaka-nose bleed na sabi ni Ashton at tinap sa ulo si Zendra bago ito hinawakan sa wrist at pumunta na sa cafeteria.

Ohwkay?

"Hmm, something's fishy," sabay sabay naming sabi at sinundan nalang sila.

Zendra's POV

Hinawakan ako ni Ash sa wrist at hinila papuntang cafeteria.

"You owe me one," bigla niyang sabi kahit marami ng nakatingin sa amin.

"Huh?"

"Let's have a date tomorrow."

"Ha? Ah, okay," sabi ko nalang, para naman siyang nagulat pero di ko nalang pinansin at inilipat ang kamay niya sa kamay ko. And yeah, it means magkahawak kamay na kaming papunta sa cafeteria.

Napatingin naman siya sa mga kamay namin bago ako binalingan. Nagiwas lang rin naman ito agad at napalunok.

Speed.

---------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now