Chapter 23

2.9K 65 0
                                    

Drea's POV

This is it! This is it! This is it!

Exited na akooo! Hindi na kami naka-disguise ngayon!

Pero, syempre tinakpan parin namin ng fake skin yung part sa body namin kung nasaan yung tattoo namin, yung tattoo namin, isa siyang bungo na may naka-tarak na Dagger sa gitna ng ulo niya tapos may angel wings sa magkabilaang gilid.

Yung akin kasi nasa neck ko eh, kay Sandra naman nasa likod right side upper part, kay Phany nasa collar bone niya at kay lider naman nasa wrist niya.

Hindi narin kami nakasuot ng contact lens it means lantad na lantad ang naggagandahang kulay ng mga mata namin!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at namimili ng damit na susuotin, napagpasyahan kasi namin na tutal hindi na naman kami magdi-disguise, better yet, hindi narin magsusuot ng manang na mga damit.

Sa isang dekadang pagpili (joke) ng damit, na pili ko naring suotin ang Ripped jeans na high waisted at croptop na sakto lang na hindi ko ma-tuck in sa jeans ko at pinaresan ko ng white converse na hindi highcut.

Naka-bun naman buhok ko.

Pagkatapos ko mag-ayos lumabas na ako at dumeretso sa dining room at nakita ko sila na naghahanda ng kumain.

Si Sandra nakasuot ng pink oversized shirt na ginawang shirt dress at  maypares high waist denim shorts at  ang black knee-high boots na may choker. Spinace bun ko naman buhok niya.

Si Phany naman naka-romper na off-shoulder at naka-combat boots tsaka binun lang yung bohok niya.

Tsaka syempre si ultimate leader naka knee-cut na denim jeans tapos loose shirt na black tsaka minessy bun yung buhok niya tas Black boots. Simple yet fab.

Kumain lang kami at pumunta na sa school, syempre nagsasakyan kami pero ngayon pare-parehong bugatti gamit namin pero iba-iba kulay grey sakin, silver kay Zendra, black kay Sandra, puti kay Phany.

Pagdating namin sa parking lot ng school napatingin lahat ng estudyante sa sasakyan namin pero dahil tinted nga di kami makikita at tsaka siguro napatingin sila kasi pare-pareho kami ng sasakyan kasi diba nga noon, may mga sasakyan kami pero hindi kami pare-pareha, tsaka ngayon lang to, pampa-kuha attention lang HAHAHA!

Nagpark kami tsaka nagusap sandali sa telecom ng sasakyan at tsaka isa-isang lumabas.

"Omg! Ang gaganda nila!"

"Woah! Pare may mga chicks, oh!"

"Guys, ang gaganda ng mga suot nila oh, tsaka parang pamilyar sila!"

"Oo nga eh, teka ,ah, sila yata yung banda eh! Yung naging guest natin dito!"

"Ay, oo! Yung ano bayon? Wait, ah! Yung Celestia Quadros! Yung nagpresent dito nong Battle of the Bands natin!"

"Oo, oo! Tama! Tsaka parang pamilyar talaga siila eh!"

"Oo nga, eh! Saan ko paba sila nakita?"

"Dyosa pare! Ang sesexy pa!"

"Yaman! Bugatti brad, oh!"

Marami pa kaming naririnig pero hindi nalang namin sila pinansin, tsk nung naka disguise pa nga kami, sasakyan lang napapansin nila sa amin eh, tas ngayon? Bigla bigla nalang namamansin? Porket ba panget kami noon at nerds lang?

Hahayy, tao nga naman, judgemental!

"Let's go, we'll be late," seryosong tugon ni Zendra.

Dumeretso nalang kami sa room na hindi pinapansin yung mga nadadaanan echos ang ganda raw namin, ang ganda ng damit namin, bakit kami papunta nandito na dapat raw nasa principals office kami dahil bisita raw kami at iba pa, pero syempre hindi maiiwasan ang mga negative comments gaya ng pabida, papansin, attention seeker at iba pa, tsk, low class at insecure.

Pagkapasok na pagkapasok namin, napatingin lahat ng classmate namin na shock, yung iba naman nagtsismisan agad, yung iba puro compliment at iba ang mamanyak, tsaka siguro hindi nila napansin si Zendra kahit sumali siya nong pagaent eh kasi umiba yung kulay ng mata niya, remember? Naka contact lens parin siya non.

Hindi nalang namin sila pinansin at dumeretso sa usual upuan namin.

"Hala! Ba't nakaupo sila sa upuan ng nerds?"

"Omg! My favorite band! Celestia Quadrosss!"

"Ang ganda talaga nila, pero ba't andito sila?"

"Oo nga, eh."

Naputol ang pagbubulongan nila ng pumasok yung teacher.

"Good morning class," nakangiting sabi ni maam, bumati sin naman kami pero yung iba naming classmates napapatingin at napapanakaw tingin parin sa gawi namin kaya napansin nung teacher.

"Oh, bat kayo napapatingin dyan sa apat? Bindi niyo ba sila kilala?"  Nakangising sabi ni ma'am.

"Eh, ma'am sila yung guest natin noon dkba?" Tanong nung isa at tinanguan naman ni ma'am.

"Ma'am sila yung bandang Celestia Quadros diba?" At tinanguan na naman ni ma'am.

"Anong pangalan nila ma'am?"

"Diba dapat nasa principals office?"

"Ba't sila nandito?"

"Good, nice question!" Biglang sabi ni maam sa last na nagsalita.

Nadugtong naman ang kilay ng mga classmates namin at napatingin na naman sa amin at kay ma'am ulit

Kami naman rito naka-emotionless face lang pero nakangisi na deep inside. Kingina.

"Ba't sila andito? Pwes, dahil kasi naman, dito ang classroom nila," patango-tangong sabi ni ma'am.

Nalito naman agad ang mga classmate ko.

"Teka, teka, 4 prince huminga muna kayo jan, masyado kayong exited malaman sino sila, eh," pantutukso ni ma'am, napatingin naman kami sa likod na part ng room at nandun yung apat 'kuno' na prinsipe at parang natatae na namumula dahil siguro sa panunukso ni ma'am. Deym, haha!

"Pwes, I won't let you bitin anymore," pampapabitin pa ulit na sabi ni ma'am. Mahina kaming natawa apat.

"Haynako! Ano ba yan? Di niyo ba talaga sila nakikilala? Sila lang namn ang apat na nerds na palagi niyong binubully dahil sa kapangitan nila!" Sabi ni ma'am na nakapahulog panga ng halos lahat ng classmates namin.

"I'll explain, sila yung banda na nagpresent nong battle of the bands, nirequest nila na 'wag sabihin na silang apat yun at ipamukhang guest nalang, si Zendra ang isa jan, hindi niyo siya mamukhaan dahil may iba pang nagbago sakanya, sila ang apat na babaeng nilalait niyo lagi. Si Zethandra, Cassandra, Stephanie, at Alexandrea," paliwanag ni maam na halos ikahimatay ng mga classmates namin dahil sa gulat. Kami naman dito nakangisi lang at pinapantayan lahat ng tingin sa amin ng mga kaklase namin.

Pano 'yung gulat? *smirk*

--------------

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now