Chapter 33

2.8K 82 7
                                    

Sandra's POV

Nandito kami ngayon sa living room ng room na ino-occupy namin, at may kanya kanyang ginagawa.

"Oh? 11:24 na, wala ba kayong balak kumain?" Tanong ni Drea.

"Hmm, sige ako na magluluto," presenta ni Jester.

"I'll go with you," sabi naman ni Zendra at sinundan si Jester papuntang kusina.

Itong kwarto kasi eh paglabas mo ng apat na kwarto ay ang living room tapos sa may gilid eh yung dining room tsaka kitchen.

Jester's POV

Sinundan ako ni Zendra papuntang kusina at pagkadating na pagkadating namin dun eh hinigit ko siya papunta sa sulok ng kusina.

"Yah! What are you doing?" sabi niya.

"Uhm, ano kasi, eh," nahihiya ako, puta!

"Ano ba kasi yun?!" Naiirita niyang sabi, ang bilis talaga uminit ng ulo ng babaeng to, bagay nga talaga sila ni Ash!

"Uhh a-ano k-kasi, magpapatulong s-sana ako, eh," nauutal kong sabi sabay iwas ng tingin. Langya, namumula na 'ata ako.

"Magpapatulong saan?" Kalmado na niyang sabi, tsk, mood swings.

"Sa.. Hehe, panliligaw sana kay Phany," napapakamot batok kong aniya.

"Hmm, okay," tango niya at pumunta sa ref at nanguha na ng ingredients, huh? Hindi siya nagulat?

"Hi-hindi ka ba magugulat?"

"Why would I be? I already expected that," kibit balikat niyang saad at nagpatuloy sa ginagawa.

"Oh, okay," sabi ko nalang at tinulungan na siya sa pagkuha.

---

"Food is served!" Sigaw ko at hinain na ang mga niluto namin ni Zendra, tsaka umupo sa tabi ni Phany at Zeus.

"Where's Zendra?" tanong ni Ash. And as if on cue, lumabas na si Zendra mula sa kitchen.

"Miss mo agad ako?" Labas ni Zendra habang naka-apron at may dala dalang four season juice.

Tinanggal ni Zendra ang apron niya tsaka tumabi kay Ash, nagpray muna kami bago naghanda para kumain.

"Okay, let's eat!" Sabay sabay naming sigaw at nilantakan na agad ang pagkain.

"Hmm, ang sarap!" Ani nila, may papikit pang nalalaman.

"Ang galing mo pala magluto, Zendra!"

"Magaling talaga yan!"

"Oo nga, ang sarap sarap oh!"

"Da best! Ikaw nalang lagi mag luto para sa akin, Zends!"

"Hmm, can't get enough of it!"

"Apparently, tagatikim lang ako, kasi, wala ako sa mood para magluto ngayon, pero magaling rin talaga ako magluto," natatawang sabi ni Zendra kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Oo nga! Ang galing mo! Ang ga- Wait, what? Hindi ikaw nagluto at taga tikim ka lang?" Sabi ni Stephen.

Tumango naman si Zendra ng mabagal.

"So, it means..."

Tumingin sila sa akin ng nanlalaki ang mga mata. Napairap nalang ako. Tsh.

"Ikaw ang nagluto?!" Araayyy! Langya! Eardrums ko nasa labas na ng kwarto! Siguro nasa elevator na yun papuntang ground floor! O 'di kayay ang malupet! Nasa ground floor na!

"Ano ba?! Ba't kayo sumisigaw?! Ang lapit lapit ko lang naman, ah!"

"Eh sumisigaw ka rin, eh!" Sigaw ni Zeus.

A Gangster's Love | ✔Where stories live. Discover now